18th Denial: Her First Love

874 27 0
                                    

HINDI mapigilan ni Fae ang mapangiti habang pinapanood si Fortress sa maingat na paglalagay ng nail art sa mga kuko niya sa kanang kamay. Matte raw 'yon at teal ang kulay, gaya ng kulay ng mga kuko nito ngayon para raw makapag-'twinning' sila.

Sa kasalukuyan, pareho silang nakaupo ni Fortress sa pabilog na pulang rug sa sahig ng kuwarto ni DK na pansamantala niyang ginagamit. Nakapatong ang kanang kamay niya sa round table na nakapagitan sa kanila ng babae na seryoso sa ginagawa nito.

Naka-schedule sana sila sa nail salon ngayong araw pero dahil sa nangyari kagabi, sumama ang pakiramdam niya. Sinabihan niya si Fortress na hindi na siya makakasama. Nagulat at natuwa naman siya nang sabihin nitong ito na lang ang pupunta sa kanya at lilinisin nito ang mga kuko niya bilang bonding nila.

"The color looks nice," hindi napigilang komento ni Fae habang titig na titig siya sa tatlong daliri na nakulayan na ni Fortress na maingat na tinatrabaho naman ang kuko sa hintuturo niya. "I didn't know matte nail colors exist until now. Ang ganda tingnan."

Ngumiti si Fortress pero hindi ito nag-angat ng tingin dahil maingat nitong pinoposisyon ang maliit na brush na hawak nito para hindi lumagpas ang pagkukulay. "Oh, Fae. You've missed out a lot in your life because of your trauma with potential female friends," maingat at magaang na sabi nito. "Having male friends is good. Less drama, more peace of mind. But you can never deny that having girl friends is even more fun because of all the girly things you can do together." Saglit itong natigilan na parang nag-isip. "Well, unless your male friends are into stuff like that."

Natawa ng mahina si Fae pero sinaway siya ni Fortress dahil lumagpas ang pagkukulay nito kaya mabilis din siyang tumigil. "I'm lucky to have my very vain friend Jazz. Siya ang nagigong shopping buddy ko at siya rin ang sumasama sa'kin sa pagbili ng beauty products na kailangan ko. But he's still a guy. Hindi ko naman siya puwedeng i-invite sa mga sleepover para mag-movie marathon o makipagkuwentuhan tungkol sa mga cute guys na nagiging crush ko. I can't even have him talk to me in the phone for more than ten minutes unless it's an emergency." Siya naman ang saglit na natigilan. "I've really missed out a lot."

"What is it like hanging out with Elf?" tanong ni Fortress habang maingat na pinupunasan ng cotton ball na may acetone ang gilid ng kuko niya. "And DK," parang naalala lang na dagdag nito sa isa pa niyang kaibigang lalaki. "I mean, sila lang ang naging friends mo for ages."

Inisip ni Fae kung ano ang madalas nilang gawin nina Elf at Dark Knight, gano'n din 'yong mga pribadong pagkakataon na mas naglapit sa kanilang tatlo. Pero siyempre, hindi naman niya puwedeng sabihin kay Fortress ang mga 'yon. Kaya 'yong magaang na lang ang binahagi niya rito. "We eat a lot. We think about food all the time. And we always look for new places to dine in. So basically, the strongest foundation of our friendship is food."

Natawa si Fortress at nag-angat ng tingin sa kanya. "Seriously? You're lucky you have fast metabolism, Fae."

"Na-develop na siguro 'yong metabolism ko ng gaya ng metabolism nina Elf at Dark Knight," nangingiting sabi naman ni Fae. "But of course, it's not just the food that brings us closer. Dining together means catching up with each other. Kahit saan lang kami kumain, basta magkakasama kami, okay na. Good food plus good company equals endless conversations."

"That sounds fun," nakangiting komento ni Fortress, pero pansin niya na medyo malungkot naman ang mga mata nito. "My family doesn't share a meal together that often. It's usually just me and Kuya. And you know my brother. He doesn't talk that much. Hindi kami masyadong nag-u-usap kapag kumakain kami since maraming sensitive subject sa kapatid ko. To be safe, I just keep my mouth shut."

Nakaramdam ng awa si Fae para kay Fortress. Pero alam niya kung ga'no kasama sa pakiramdam ang makatanggap ng awa at simpatya sa mga taong ayaw mong mag-alala sa'yo kaya hindi na siya nagtanong kung anong klase ng pamilya meron ang babae. "Siguro dapat mas madalas na tayong magsabay sa pagkain kapag pareho tayong free."

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon