Ilang minuto na lang ay sasapit na ang alas dose ng madaling araw. Nababalot ng kadiliman ang Maynila. Madalas tahimik, payapa, at hindi makabasag pinggan. Mga kotseng nadaan lamang ang iyong maririnig. Ngunit sa pagkakataong ito ay kabaligtaran ng nakaugalian.
Nagliliwanag ang bawat kalye ng Binondo. Bawat kanto ay may nagkakasiyahan. May nagkakantahan. May nagsasayawan. May ilaw ang mga pinagkabit-kabit na parol ng mga Tsino. Kaliwa't kanan ang nagbebenta ng mga sinasabing pampaswerte para sa darating na bagong taon ng mga Intsik. Mga prutas na hugis bilog na iba't ibang klase ay nakalatag upang magbigay buenas.
Sa isang kalye ay may naglatag na isang mahabang lamesa na puno ng pagkaing sumisimbolo ng pagkakadikit-dikit ng bawat samahan. Sa iba nama'y malakas ang ingay gamit ang mga naglalakihang sound system. Malalakas at sunod-sunod na paputok ang iyong maririnig sa bawat pagpatak ng oras. At nagliliwanag ang kalangitan sa mga makukulay at naglalakihang fireworks.
Bagong taon na naman para sa mga kababayan nating Chinoy. Pula ang pangunahing kulay ng kanilang mga kasuotan. Pamilyang magkakasama sa pagsalubong ng panibagong pag-asa sa paparating na bagong taon. Tradisyong Chinoy ang nangingibabaw sa selebrasyong iyon.
Ngunit sa kabila ng selebrasyong nagaganap, isang puso ang nangungulila. Isang puso ang muling nawalan ng pagmamahal tuwing sumasapit ang pagdiriwang. Dahil sa tuwing sinasalubong ang bagong pag-asa, ang siya ring pangungulila sa minamahal na kinuha ng pagkakataon magtatatlong taon na ang nakakalipas.
Sa dulo ng konkretong tumatapos sa pagkakatayog ng gusali, nakaupo ang isang binata. Hawak ang isang bote ng serbesang nasa kalahati na. He feels lonely, depressed and alone. Ang pag ngiti ay nakalimutan na niya. Tuwing naalala niya ang pangyayaring iyon, nais na rin niyang tapusin ang buhay niya. Gusto na niyang itigl ang pag-agos ng kanyang buhay dahil simula noong nawala ang kanyang pinakamamahal ay natigil na rin ang kanyang mundo.
Just as he stood up of the edge. He took one last glance on the view. The city lights, the memories of the old Manila, and his life. As he closes his eyes, he pulled all his energy up until his last breath. Finally, he can be with the women he loved most of his life.
Imbis na paabante ay umatras ang buo niyang katawan. Magkabilang braso ang yumakap at humila sa kanya. Ang dalawa'y nahulog sa sementadong palapag. Magkapatong at nagkatagpo ang mga matang parehong nawalan na ng pag-asa sa buhay. At sa mga matang iyon ay mabubuo ang liwanag na magsisilbing pag-asa para sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
The Last Time
RomanceTime is precious. Time is free. And it's priceless. Time wonderfully shows us what really matters. Time is measured not by clock but the memories. Love finds time. Love makes the time pass. And time makes love pass. Suddenly, love have found you. It...