Ten

156 3 0
                                    


CHAPTER 10

Joanne's Café

"Sir, hindi ho naman p'wede 'yon. Sa isang gabi na 'yung event..." Pinipilit maging kalmado ni Dana sa kabilang linya.

"As far as I remember, we paid right after our reservation. Tapos ganito?"

Matagal na nilang hinihiraman ng lights ang kausap ni Dana. Ngayon ay nagkaproblema dahil inaprubahan nila ang event date, na may nauna na pala sa event nila Dana.

"It's not our problem anymore, sir. We are fully paid. Nauna kaming nagbayad. Kaya kami ang seserbisyonan niyo. Ang tagal na natin magkatrabaho, sir. Ngayon pa tayo papalya..."

Patuloy pa rin ang paliwanag ng lalaki sa kabilang linya. Inassure nito na maayos nila ang gulo na nangyari. Sa inis ay hindi na siya nagpaalam at ibinaba na lang niya ang tawag. Ang katapat niyang si Barbs ay nakangusong nakatingin sa kanya.

"Anyare?" Hawak nito ang frappe at sumipsip.

"Nagkagulo sa scheduling. Nako, ang tagal tagal na natin silang kinukuhaan ng ilaw ngayon pa sila nagkagulo." Inaayos nito ang kanyang bag kung saan sinilid niya ang cellphone. Ayaw niya munang may tumawag sa kanya.

Sa lamesa ay naroon ang kanyang planner. She browse the current month's calendar. Her schedule is kind of full. Hindi pa man natatapos ang February ay naka-ilang events na sila. Ang March niya ay mangilan pa lamang. Ngunit sinisigurado niyang mapupuno ito.

Isang araw bago matapos ang buwan ay naroon na ang isang client meeting na ikinaka-excite ni Miss Eve. She told them it will be their biggest client yet. It can boosts sales of their company kung magiging maayos ang nasabing event.

"Nga pala Dana, mauna ka na bukas sa event natin. May aasikasuhin lang ako." Ani Barbs.

Tumingin siya kay Barbs. "Ha? Bakit?"

"Dadaanan ko lang 'yung inorder ko sa isang online shop. Makikipagkita dito sa may Rob Manila."

Halatang may ibang dahilan si Barbs dahil hindi ito makatingin sa kanya. Naningkit ang mga mata ni Dana.

"'Yung totoo..."

Nanglaki ang mga mata ni Barbs na dumedepensa.

"Oo nga!"

"Isa..."

"Promise 'te!"

"Dalawa..."

"Ba't ayaw mong maniwala?!"

Umangat ng tingin si Dana. She's throwing Barbs deathly glares. Ang mga mata ni Barbs ay hindi halos makatingin ng diretso kay Dana.

Sumuko si Barbs. Alam niya kasi ang gagawin kapag nagsinungaling ito sa kanya. Isusumbong siya kay Miss Eve pero kunwari lang naman.

"Kikitain ko lang 'tong ka-chat ko! Ayan! Okay na!"

Ngumisi si Dana na umiling. "Hindi ka na talaga nadala."

Ngumuso si Barbs matapos niyang sumipsip sa kanyang straw. "Kasi naman, baka siya na talaga."

"Tigilan mo 'yan, Barbs. Ilang ulit ko nang sinabi 'yan sa'yo. Walang nagkakatuluyan sa ganyan. Ending niyan, nganga." Payo nito na ilang ulit na ring narinig ni Barbs.

Ipinatong niya ang frappe sa mesa dahil nilabas niya ang libro sa kanyang bag. Ibinalik naman niya ang kanyang planner dahil na-note na niya ang mga kailangang paalala.

"Miss Bitter, baka gusto niyo pong bumili nitong bagong cake namin. Kulang na ho kasi kayo sa tamis." Singit ni Bev na nakadungaw mula sa counter.

Taas kilay na lumingon sa kanya si Dana. Ngumiti pa ito nang nang-aasar. Nag-make face na lang si Dana at bumalik sa kanyang binabasa.

The Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon