Two

416 3 0
                                    

Dana is an hour early sa meeting place. Dressed in her white fitted dress and red blazer. She tried to look formal and chic at the same time. Ipinarada niya ang bisikleta sa tapat ng isang pastry shop at pumasok.

Joanne's Café

It's a fancy looking pastry and coffee shop in Taft Avenue. Colored in pastel. The interior is cute and eye-catching. It's feels home when Dana is here. She smiled at everyone in the counter before sitting on her usual spot.

"Dana!"

Napatingin si Dana sa babaeng sumigaw ng kanyang pangalan. Agad siyang napangiti sa babaeng ngayon na lamang niya nakita matapos ang ilang linggo. Lumapit ang babae at bumeso.

"Kay tagal mong hindi nagpakita. Ano bang nangyari sa'yo?" Tanong ng babae. Nakabihis unporme ng naturang shop.

"Busy, girl. Alam mo naman na kahit day off ko ay nasisingitan pa rin ng work. You know how sipag I am, 'di ba." Sabi nito na binuksan na ang kanyang laptop at hinanda ang presentation.

"'Wag nga ako." Sabi naman ng kanyang kaibigan na bumalik na sa counter.

Hinanda niyang muna ang laptop bago tumungo sa counter. Pinili ang usual order niya at pati na rin sa mga dadating niyang kliyente. Ang kanyang kaibigan ang kumuha ng mga order dahil may 20% discount siya lagi.

"Sino naman itong kliyente mo ngayon?"

"Debutante daw."

Tumango na lamang ang kaibigan niya't kinuha ang bayad. Mula sa kusina't lumabas naman ang isang ginang. Edad kwarenta mahigit ngunit batang tignan. Hindi siya mukhang nasa edad niya. She was amazed when she saw Dana.

"Hi, Miss Joanne!"

"Dana! How are you? Where are you all along? Tagal kitang hindi nakita." Tumabi si Joanne, may ari ng nasabing shop, sa kaibigan niya.

"Sunod-sunod din po kasi ang event. 'Yung mga meetings naman, usually sa preferred location ng client." Dana explained as she got her change.

"Bumo-boyfriend lang 'yan." Kantyaw ng kanyang kaibigan na nasa counter habang may pina-punch.

"Mukha bang may time si Dana for that? Ikaw lang naman ang pinagsasabay ang work pati boyfriends." Sabi ni Joanne na ikinatawa ni Dana.

"Tita naman! Can you not use plural? Boyfriend lang." Depensa naman ng pamangkin ni Joanne.

"Come on, Beverly. You can fool her, but you can't fool me." Pagpupumilit pa ni Joanne sa kanyang pamangkin.

"Let her lies be told. Kunwari na lang naniniwala tayo." Banat naman ni Dana bago bumalik sa kanyang pwesto.

Just in time for the said appointment, dumating ang mag-ina niyang kliyente. She stood up as she presented herself. Pinadala na rin ni Dana ang drinks para sa kanila. She explained everything she has to. Pinakita niya rin ang portfolio kung saan naroon ang mga past events nila. The two were amazed. Akala nila ay nakita na nila ang lahat noong si Miss Eve ang kanilang naka-usap.

Backdrops, flowers, props, rentals and other stuff. The meeting finished after two hours. They both shook hands afterwards.

"We'll see you on the production meeting." Ani Mrs. Pelayo.

"Yes, Ma'am." Tumango naman si Dana at sinamahan ang dalawa na lumabas ng shop. They bid their goodbyes bago bumalik si Dana sa loob upang kunin ang mga gamit.

"Free ka ng Saturday night?" Tanong ni Bev mula sa counter.

"Check ko 'yung schedule ko mamaya. Then I'll text you."

The Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon