Tagaytay City, Cavite
Madilim. Malamig ang simoy ng hangin. Mas lalo pang lumamig dahil sa ambon. Oras na lang ang binibilang bago sumilip ang haring araw. Umaalog-alog ang sasakyan na kanilang sinasakyan. Dalawang oras din ang kanilang binyahe patungo ng Tagaytay. Alas kwarto pa ng hapon ang kaganapan ngunit kailangan mas maaga sila upang maihanda na ang lugar.
It was a wedding on a cliff. A beautiful wedding with a romantic background of Taal Volcano. Ibinaba na nila ang mga gagamitin. Kahit inaantok pa ay tulong-tulong ang lahat sa pagbibitbit ng mga gagamitin. Chairs, tables, linens, wooden arcs, and plenty of flowers all in white and green.
"Dahan-dahan sa paglalakad, Dana. Matitisod ka na." Sabi ng kanyang kasamahan, na kanya ring kaibigan.
Sa sobrang kaantukan ay mapapatid na niya ang sarili. Galing pa kasi siya sa inuman nilang magbabarkada kahit pa alam niyang maaga ang kanyang trabaho kinabukasan.
Huminto siya sa paglalakad at humikab. Kinusot ang mga matang nanglalabo. "Kape lang ako, Barbs."
Tumungo siya sa restaurant na naroon sa hotel. Ngunit sa kasamaang palad ay madilim at sarado pa ito. Dismayado siyang umikot upang bumalik sa pupuntahan. Alas kwatro y media pa lamang ng umaga. Kadalasan ay alas sais ng umaga ang bukas ng mga restaurant.
Dalawang grupo ang hinati sa pag-aayos. Ang isa ay ang sa cliff kung saan gagawin ang ceremony. Sa ballroom naman ng hotel naka-assign ang isang grupo upang ayusin ang gaganapan ng reception.
Tumigil na rin ang ambon. Isinasalansan na ng mga tauhan ang mga upuan. Inilagay na rin ang mga arko kung saan sila nararapat. Pati na rin ang mga pedestal na gawa sa salamin na pagpapatungan ng mga bulaklak.
Ibinaba ni Dana ang kanyang gamit at dumiretso sa mga bulaklak. Hinakot niya ang mga ito at sinimulang isalansan. Inuna niya ang mga maliliit na paso. White lilies and baby breaths for the pots. White wisterias for the arcs. The bride's entrance and mini altar.
Each pedestals are alternates of flowers and candles. Para mas romantikong tignan ito. Ang kaninang babae na kasama niya ay nasa ballroom upang asikasuhin ang mga kasama nila. Dana managed herself to do her job. Dahil matapos naman niyang ayusin ang mga ginagawa ay makakabawi na siya ng tulog.
Few hours before the wedding, everything is set on its places. The cliff is ready for the wedding. Finishing touches na lang ang ginagawa nila. Sa ballroom naman ay halos patapos na rin sila. The whole setup and stage are filled with flowers, linens and lights. It was like a fairy tale come true wedding.
Tumayo si Dana sa gitna upang tignan ang kabuuan ng kanilang trinabaho. Maayos na ito. Maganda. At nasunod ang nais ng kanilang kliyente. Pinunasan niya ng kanyang palad ang noo na basa ng pawis.
"Ayos." Bulong nito sa sarili.
Lumapit sa kanya ang katrabahong si Barbs. Parehong pagod ang dalawa sa ginawa. Ngunit mas doble ang kanya dahil wala pa siyang tulog.
"Hindi ka pa kumakain. Tara na muna." Aya niya kay Dana. Sumama naman siya sa kabilang ballroom kung saan naroon ang mga pagkain na kanilang pinadeliver para sa staff meal.
Kumuha ng isang styro at bottled water si Dana. Umupo siya sa katapat na upuan at mabilis na sinunggaban ang pagkain. Ang kanyang katabi namang si Barbs ay mangha sa ginagawang pag kain ng katrabaho.
Napansin iyon ni Dana kaya umangat siya ng tingin sa katabi. Nilunok niya ang kakanguya lamang na ulam at kanin. May ilang butil pa ng kanina sa gilid ng kanyang labi.
"Maganda ka pero matakaw ka. Kakaloka." Sabi ni Barbs at binuksan ang sariling styro. Si Dana naman ang gumanti ng titig sa kasama.
"Ikaw ang matakaw. Pangalawa mo na 'yan! Baka may hindi pa kumakain sa mga kasama natin." Bumalik si Dana sa kanyang pag kain ngunit mas mabagal na iyon.
BINABASA MO ANG
The Last Time
RomanceTime is precious. Time is free. And it's priceless. Time wonderfully shows us what really matters. Time is measured not by clock but the memories. Love finds time. Love makes the time pass. And time makes love pass. Suddenly, love have found you. It...