Seven

260 0 0
                                    


CHAPTER 7

7-11 Convenience Store

Madami ang tao sa isang convenience store. Tuwing sumasapit ang oras ng break time ng mga empleyado ay puntahan nila iyon. Kabilang na doon sina Dana at Barbs. May kahabaan din ang pila ng counter. Bitbit ni Dana ang isang bottled juice at isang ready-made lunch na iinitin na lang. Parehas lamang sila ni Barbs ngunit ang sa kaibigan niya ay may kasamang ilang pakete ng maliliit na chocolate.

"Pssst! 'Te! Sipatin mo 'yon!" Mahinang sabi ni Barbs kay Dana. Nginuso nito ang tinitignan kaya napatingin din si Dana.

Isa itong lalaki na kakapasok lang ng convenience store. Hindi maitatanggi na gwapo ito. Malakas pa ang dating. Isa siya sa mga batayan ng mga gwapo. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, bilugan ang mga mata at mapupula ang labi. Suot pa nito ang isang business attire. Mukhang galing ito sa kanyang trabaho.

Sumimangot naman si Dana. "Seswang 'yan."

"Grabe ka naman! Ang brusko-brusko niyan pa'no magiging seswang 'yan?" Angil ni Barbs.

Pinaningkitan ni Dana ng tingin si Barbs sabay taas ng kilay. "Maniwala ka sa'kin."

Umusad na ang pila. Bilang nasa unahan si Dana ay siya na ang susunod sa counter. Ang nasa likod niyang si Barbs ay hindi inaalis ang tingin sa lalaking nakita. Ang lalaki'y may sinusundan din ng tingin. Nang sundan ito ni Barbs ay isa rin itong lalaki. Kasing brusko at gwapo lamang nito. Napangiwi si Barbs. Totoo nga ang sambit ng kaibigan.

"Kita mo." Pang-aasar na bulong ni Dana.

Napa-padyak pa si Barbs sa inis. "Sayang."

"Walang sayang sa kanila, Barbs. Magiging sayang lang kung hindi nila susulitin ang oras na binigay sa kanila para magmahalan."

Si Barbs naman ang tumaas ang kilay. Hindi naman niya inaasahan ang hugot na sasambitin ng kaibigan.


Events by Eve Office

Bitbit ang kanilang mga pinamili ay bumalik na sila sa pantry. It was six of them inside, including Dana and Barbs. Binuksan na ni Dana ang kanyang pagkain. Sa cellphone naman ni Barbs ay tumungo ito sa Spotify at pinatugtog ang album ni Regine Velasquez.

Araw Gabi is playing. Tinignan naman ni Dana ang cellphone ng kasama na umiingay sa kabuuan ng kwarto. Ang kasama naman niya'y enjoy sa kinakain at tugtugin.

"Hinaan mo ng konti." Sabi ni Dana na bumalik sa pag kain.

"Ang hina hina na nga." Pero kinuha naman ni Barbs ang kanyang phone upang hinaan ang volume.

Isa lamang ang kantang iyon sa mga paborito ni Dana sa nasabing singer. But the song just reminds her of her misery. Tila para sa kanya ang awit tatlong taon na ang nakakalipas. Kung ano ang sinasabi sa kanta, iyon siya sa lalaking huling inibig.

Naalala lamang niya iyon kaya pinalipat niya kay Barbs ang kanta. Sumuway naman ito at itinago ang phone upang hindi maagaw ng kaibigan.

"Baka pati 'yan nakakapagpa-alala sa boylet mo dati, 'no."

Napatingin naman si Dana sa tinuran ni Barbs. Ang mapang-asar na mukha ni Barbs ay lumitaw.

"Sabayan na natin si Ate Reg! Araaaww Gabiii... Nasa isip ka... Napapanaginip ka... Kahit sa'n magpunta..." Tinuturo-turo pa ni Barbs ang baba ni Dana. Si Dana naman ay nakasimangot na umiiwas.

Patuloy pa rin si Barbs sa pagkanta. Hindi niya namamalayan na tumayo na ang kasama dahil tapos na ito sa kinakain. Tinapon na niya ito sa basurahan at iniwan na ang mapang-asar na kaibigan.

The Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon