CHAPTER 8
Laguna, Philippines
"1... 2... 3! Alright!"
Malakas na pagkakasabi ng photographer sa hindi kalayuan. Magkasama si Dana at Barbs para sa isang prenup wedding photoshoot. Dalawa lamang sila at ang driver ang naroon bilang minimal props lang ang kanilang dala. It was in a lake and they brought flowers para magmukhang maganda ang paligid. And other props such as balloons and picnic matts.
Sa tabi ng van naka-upo sina Dana at Barbs. Si Barbs ay inaabala na lamang sarili sa paglalaro sa kanyang phone at si Dana naman ay sa kawalan nakatingin. Pumupungas-punas pa siya bilang maaga silang umalis dahil out of town ang location.
Nakaramdam nang pagkulo ng tiyan si Dana. Hinawakan niya iyon at marahang sumandal sa gilid ni Barbs. Naistorbo naman si Barbs kaya siniko niya nitong nainis.
"Dana naman! Muntikan na akong ma-dead! 'Wag ka ngang magulo!" Sermon nito na hindi inaalis ang tingin sa telepono.
"Gutom na ako, Baaarbs... Hindi pa tayo nagbe-breakfast." Reklamo nito na nakanguso.
"May biskwit ako sa bag. Kunin mo."
"Ayaw ko no'n, e!" Pagmamaktol ni Dana. "Gusto ko totoong food!"
Nagbitaw naman ng isang malutong na mura si Barbs dahil siya'y natalo sa tinututukang laro. Inis naman nitong binalingan ng tingin si Dana.
"Hindi naman natin sila p'wedeng iwan dito. Lilipat pa ng location." Tumayo ito sa pagkakaupo at binuksan ang sliding door ng van. Inabot nito ang kanyang bag at bumalik sa kinauupuan.
Mula sa loob ng kanyang bag ay kinuha niya ang isang pakete ng biskwit. Labag man sa loob ngunit pinunit ni Dana ang bukana ng pakete at nilabas ang biskwit. Pinutol niya ito sa tatlo at sinubo ang kapiranggot. Parehas lamang sila ng ginawa ni Barbs bilang sila'y tinamaan na ng gutom.
"Curious talaga ako doon sa big client natin." Out of nowhere na pagbubukas ni Barbs ng pag-uusapan.
Kumunot noo naman si Dana. "Madami na tayong naging big clients. Ano bang bago do'n?"
Tinabingi ni Barbs ang ulo at ngumuso. "Wala naman. The bigger the client, the bigger the tip!"
Ngumisi naman si Dana. "Kung magbibigay..."
"I wonder bakit hindi sinasabi sa atin ni Miss Eve kung sino 'yon."
"Big client. Obviously, confidential ang information nila." Kumagat muli si Dana sa kanyang biskwit.
Ipinagkibit balikat na lamang ni Barbs iyon. They had big clients before. From different showbiz and political personalities and even business tycoons. But she thought, this will be their biggest. Pero wala naman iyon kay Dana dahil alam niya na magagawa naman nila ang best nila sa trabaho kahit sino pang kliyente nila.
Hapon nang ma-pack up ang shoot. Tanging biskwit na bitbit lamang ni Barbs ang kinain nila at ng driver para sa kanilang tanghalian. Pinaalalahanan ni Dana ang driver na kapag may nakitang pinakamalapit na kainan ay tumigil upang makakain sila.
Sa harap ng van naupo si Dana. Isinandal niya ang ulo sa bintana. Tinamaan na kasi siya ng antok matapos ang mahabang araw. Sa likod ay naroon si Barbs kasama ang photographer at ilang kasama nito.
The stop stopped in front of a mini restaurant. Para itong isang malaking bahay kubo na nasa tabi ng highway. May ilang sasakyang din na nakapark doon sa gilid ng kainan. Bumaba na sila maliban kay Dana na nais pang ituloy ang kanyang pag-idlip.
"Hindi ka bababa?" Ani Barbs na nasa labas ng sasakyan at tanging bukas na binatana lang ang pagitan nila ni Dana.
"Tawagin mo na lang ako kapag may pagkain lang. Idlip lang ako."
BINABASA MO ANG
The Last Time
RomanceTime is precious. Time is free. And it's priceless. Time wonderfully shows us what really matters. Time is measured not by clock but the memories. Love finds time. Love makes the time pass. And time makes love pass. Suddenly, love have found you. It...