Three

319 1 0
                                    


Italicized words, phrases, sentences and paragraphs are either emphasis of a certain moment, a dialogue from afar, or a throwback. Most especially a flashed memory.

CHAPTER 3

February 2013

Alas dose ng madaling araw. Nababalot ng kadiliman ang Maynila. Madalas tahimik, payapa, at hindi makabasag pinggan. Mga kotseng nadaan lamang ang iyong maririnig. Ngunit sa pagkakataong ito ay kabaligtaran ng nakaugalian.

Nagliliwanag ang bawat kalye ng Binondo. Bawat kanto ay may nagkakasiyahan. May nagkakantahan. May nagsasayawan. Mga ilaw ang pinagkabit-kabit na parol ng mga Intsik. Kaliwa't kanan ang nagbebenta ng mga pinaniniwalaang pampaswerte para sa darating na bagong taon. Mga prutas na hugis bilog na iba't ibang klase ay nakalatag upang magbigay buenas.

Sa isang kalye ay may naglatag na isang mahabang lamesa na puno ng pagkaing sumisimbolo ng pagkakadikit-dikit ng bawat samahan. Sa iba nama'y malakas ang ingay gamit ang mga naglalakihang sound system. Malalakas at sunod-sunod na paputok ang iyong maririnig sa bawat pagpatak ng oras. At nagliliwanag ang kalangitan sa mga makukulay at naglalakihang kwitis.

Bagong taon na naman para sa mga kababayan nating Chinoy. Ang isa sa pinakamasayang selebrasyon na idinadaos sa ating bansa kung saan masayang sinasalubong ang panibagong taon hindi lamang ng ating mga kababayan na Instik, pati na rin ng ating mga kapwa Pilipino.

Ngunit sa kabila ng selebrasyong nagaganap, may isang puso ang nasasaktan. Isang puso ang nagdurugo nang dahil sa akala'y pag-ibig na. Iyon pala ay isang laro.

Sa kalapit na maliit na bar, mag-isang umiinom si Dana. Dalawang bote na ng walang laman na Red Horse ang kanyang nasa harapan. Habang may kumakanta na kapwa customer, hindi niya iyon iniinda. Tanging ang mga nadiskubre niya lamang ang paulit-ulit na lumalabas sa kanyang isipan. At alak ang kanyang sandalan.

Lumabas siya at tumungo sa gusali ng pinagtatrabahuhan. Kahit pa special non-working holiday ay may nagtatrabaho pa doon bilang mga call center agents. Dahil kilala siya ng mga gwardiya ay pinatuloy na lamang siya. Wala siya sa sarili. But she managed to talk to them properly para hindi siya pagdudahan na may gagawing hindi maganda.

She pressed the 36th button on the elevator. The lift went fast at agad niyang narating ang tuktok. Paglabas niya roon ay pumasok siya sa isang pinutan patungo sa pinakatuktok ng gusali. Nanginginig ang kanyang laman. Dahil sa nararamdaman, at sa balak niyang hindi niya inaasahang gagawin niya sa tanan ng kanyang buhay.

As soon as she was on the helipad, cold breeze welcomed her. Fireworks lit the dark sky of old Manila. Seeing how beautiful Manila at night. She took a step forward. Iniiwasan niyang tumingin sa ibaba dahil may takot siya sa matataas na lugar. But she managed to encourage herself to step more.

Ngunit bago pa man siya makalapit sa dulo ng kongkreto ay nakarinig siya ng malakas na basag ng isang babasaging bagay. Napatigil siya't umatras. She then came back to her senses and realized what she is doing. Inikot niya ang paningin para hanapin kung saan nanggaling ang tunog.

At ayon, nasa kabilang banda ng helipad ang isang lalaki. Nasa dulo ng gusali at tila gagawin din ang balak niyang gawin. Nanglaki ang mga mata niya at walang kubling tumakbo sa kabilang dako. Bago pa man ihakbang ng lalaki ang kanyang mga paa sa hangin ay may yumakap sa kanya mula sa likod at hinila siya. Ang dalawa'y nahulog sa sementadong palapag. Magkapatong at nagkatagpo ang mga matang parehong nawalan na ng pag-asa sa buhay.

Tila nawala ang lasing ni Dana sa nangyari. At ngayo'y katapat niya ang lalaking maaring duguan na sa mga oras na iyon kung sakaling hindi siya dumating. He has deep brown eyes. Quite bushy eyebrows. Trimmed mustache that made him look more good looking. And how his jaws are arched so perfectly.

The Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon