Five

284 2 0
                                    


CHAPTER 5

Manila Hotel, Manila City

A long night of preparation has started. Even before Chinese New Year's eve, the team started working. It will take them even a day to ensemble everything. From tables, setups, stage, ceiling decors, the grand entrance, it will take most of their time. Kaya ngayon ay mas madami sila.

Dana is busy instructing her team on which flowers should be on their proper places. The stage is being setup with the giant lantern. The twin dragon is starting to get filled with flowers. The ceiling are being transformed into red laying fabrics. And the tables are beginning to transform.

Inuna na ni Dana at Barbs ang centerpieces. Higit bente ang lamesa kaya naman hiwalay na sila upang makatulong sa iba pang gawain. Matataas na vases ang meron bawat lamesa. Halo-halong kulay red, yellow, pink, peach at oranges ang mga bulaklak.

Ipinatong ni Dana ang isang vase sa lamesa upang tignan kung maayos itong tignan. She was excited to see how the setup is going to transform.

Hindi pa man gano'n katagal ang inilagi nila roon ay ang iba ay nakikitaan na ng pagka-antok. Ang entrada ng hall ay papakalahati pa lamang ang naaayos. Ang kisame ay isinasabitan na ng mga disenyo. Ang mga lamesa ay halos wala pang nangyayari sa lahat. At ang entablado'y blangko pa.

"Sis, hindi ka pa nagdidinner. Kumain ka na muna." Ani ng lumapit na si Barbs.

Sinilip niya ang oras sa kanyang cellphone. 10:09 PM na. Hindi na niya namalayan ang gutom. Malamang ay nalipasan na rin siya kaya hindi niya naramdaman.

"Tapusin na lang muna nating itong mga lamesa." Tumungo na siya sa sumunod na lamesang aayusan.

Walang tigil ang ginawang trabaho ni Dana. Sa labas ay sinalubong na ang nasabing bagong taon pero sila'y patuloy pa din sa trabaho. Ang iba'y nagawa nang magpahinga kahit panandalian ngunit siya'y upo ang ginawang pahinga. Ilang oras na din ang lumipas at nabubuo na ang nasa imahinasyon ni Dana. Alas singko na din ng madaling araw. Gabi ng mismong araw ng Chinese New Year ang programa kaya naman sigurado siyang aabot ito.

Nang matapos niya ang kahuli-hulihang bulaklak sa entablado, napaupo siya sa sahig. Nagpakawala ng isang malakas na hinga at humiga. Ngayon ay naramdaman na niya ang pagod. Tumabi ang kasama niyang si Barbs na kasama niyang nag-ayos.

"Pahinga na tayo! Tapos na!"

Iginilid ni Dana ang kanyang paningin sa buong ballroom. At nag-iba nga ito. She smiled to that thought. Naramdaman na niya ang pag-ikot ng paningin. Ang kisame ay biglang lumabo. Wala siyang lakas upang labanan ito at napapikit na lamang nang balutin ng dilim.

"DANA!"

Mahigit trenta minutos din ang ipinahinga ni Dana. Mula sa entablado ay idinala siya sa klinika ng nasabing hotel. Pinagpahinga na muna siya doon ng mga kasama at hayaang sila na ang tumapos ng trabaho.

Kusang dumilat ang mga mata ni Dana. Naalimpungatan ito. Bumungad sa kanya ang putting paligid. At nasa ibabaw na siya ng kama. Bumangon siya at sa pagpaling niya sa kanan ay isang lalaking nakaunipormeng puti mula ulo hanggang sapatos. Hawak nito ang isang clipboard na may binabasa. Nang mapansin niyang gising na ang pasyente ay lumapit ito sa kanya.

"Miss Dayanara Torres? Tama po ba ako?" Ngiti ng bagitong nurse.

"O-oo. Ako nga. Anong nangyari? Ba't ako nandito?" Naguguluhang sabi ni Dana.

"You passed out, Ma'am. Ang sabi ng mga kasama mo ay hindi ka pa kumakain at nalipasan na ng gutom." Bumalik ito sa lamesa at may inabot sa kanyang gamot.

The Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon