Four

306 2 0
                                    


CHAPTER 4

Flowers by Eve

Tumao na muna si Dana sa flower shop ni Miss Eve. Nasa garden kasi ang florist ng shop upang mag-angkat pa ng mga bulaklak. Ilang orders din ang inaasikaso ni Dana. Wala man tao sa loob ng shop ngunit ang mga order ay nakadaan sa tawag.

Apat sa walong orders na ang kanyang nagagawa. No, it's not Valentine's Day. But these arrangement Dana guess are for gifts. Ganito na kasi ang nauuso. Kung dati'y material na gamit, ngayon ay kung hindi pagkain ay bulaklak.

Itinusok ni Dana ang kahuli-hulihang daffodils sa flower foam. Pumamewang siya nang matapos ang isang arrangement. She smiled with fulfillment nang makita ang resulta.

"Dana, kumain ka na muna. Hindi ka na tumigil mula kaninang umaga." Aya ni Venus na nasa counter. Lumapit si Dana at binuksan ang mga styro na nasa ibabaw. Laman nito'y mga siomai at kanin.

Kinuha ni Dana ang plastic spoon and fork at walang anu-ano'y kumain. Ni hindi niya na man lang napansin ang babaeng nag-aya sa kanya. Napatitig na lang sa kanya si Venus sa sunod-sunod nitong pagsubo.

"Kung hindi ka naka-ayos, iisipin ko patay gutom ka."

Napatigil sa pagsubo si Dana at nag-angat ng tingin kay Venus. Puno pa ng kanin ang bibig nito.

"Hindi ka na naman kumain kagabi." Ani Venus.

Salubong naman na kilay ang isinagot ni Dana. "Kumain ako 'no!"

"Anong kinain mo, aber?"

"Noodles!"

"Noodles? Mabubusog ka ba do'n?"

Nakapasak pa sa bunganga ni Dana ang kutsara nang tumayo.

"Oo naman!"

Binuksan na rin ni Venus ang kanya kahit naiinis sa kausap. "Lagi mo na lang ginugutom ang sarili mo."

"Wala akong pambayad ng condo."

"E, 'di umalis ka!"

"Saan ako pupunta?"

"Sa dati mong tinutuluyan." Venus suggested as she divulge her lunch.

Dana's eyebrow arched when the place Venus was saying is the tenement. Her only former place. That place had too many memories. She rather sleep in the streets than go back there.

"'Di bale na."

Nagpasya na ring umuwi si Dana nang dumating na ang resident florist. Kailangan niya pa kasing tapusin ang presentation para sa prod meeting nila bukas kasama ang mga Chinese clients. Sakay ng kanyang bisikleta ay dumiretso siya ng condo. Plano niya dapat sa Joanne's Kitchen pero nagbago ang isip niya at doon na lang sa kanyang bahay.

She sat down on the floor while her favorite Spotify playlist is on maximum volume. She keeps on Google-ing concepts and ideas for a Chinese New Year celebration.

They only have three weeks for the planning and all. Kasisimula pa lamang ng taon ay dinagsa na agad sila ng events. At ito ang isa sa pinakamalaki nila sa unang bahagi ng taon. Rush man pero malaki ang ibabayad sa kanila ng kliyente kaya tinanggap nila ito. hindi rin naman daw ganoon ang demands ng kliyente kaya pumayag si Miss Eve.

Napalitan ang boses ni KZ Tandingan ng isang nakakabulabog na ring. Napangiti si Dana nang makitang kay Milo ito.

"Hi there." Bungad ni Dana.

"Hi, girl! Are free for dinner tonight?" Ngumuso si Dana habang inaayos sa Powerpoint ang pictures.

"Uhuh. And why is that?"

The Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon