Late nagising si Dana sa kanyang alarm kaya minadali niya ang lahat ng gawain. She wore her office clothes and makeup as fast as she could. Naghahanap siya ng panyo ngunit pagbukas ng kanyang aparador ay wala na.
"Shit! Anong oras na! Panyo magpakita ka naman!"
Tumakbo siya sa mga damit na hindi niya natitiklop ngunit wala pa din ito. Lahat ay halos nasa laundry basket niya. Bumalik siyang muli sa kanyang aparador. Binuksan niya ang mga drawer na naroon. At nang buksan niya ang isang drawer sa pinakailalim ay bumungad ang isang pulang tela. Inilabas niya ito. Hindi niya matandaan na may ganoon siyang damit na iba ang tela.
Ibinulatlat niya ito—it was a dress. A dress she kept for the longest time. That she even forgot she had that piece of clothing.
Dana's Office
Uwian na. Laking pasalamat niya na wala siyang hahabuling deadline ngayong araw. Bakit? Dahil birthday ni Val. Nanghihinayang lamang si Dana dahil hindi idineklarang holiday ang Valentine's Day. Kanya-kanya nang direksyon si Dana at kanyang mga officemates.
She smiled in the thought of greeting the birthday boy. Hindi pa kasi niya ito nababati nang magising. Inilabas nito ang kanyang telepono at dinial ang numero ni Val.
Hindi rin nagtagal ang pag-ring dahil sinagot agad ito.
"Hello? Sino ito?"
"Happy birthday, Valentino." Malambing na sambit ni Dana.
Narinig niya ang paghinga ni Val sa kabilang linya. Nabosesan na niya kung sino ito.
"Thanks, Dana. Uhmm... Where are you?"
"Naglalakad papuntang sakayan. Ikaw?"
"Is it safe? Gamit mo pa ang cellphone mo."
"I think... yes. May police mobile naman sa kantong papunta ako. At madami din naman akong kasabay na naglalakad."
"You sure, ha."
"Yup!"
Tinignan niya ang mga couples na magkakasama na kasabay niyang maglakad. Ang mga babae'y kung hindi bulaklak ang hawak, ay teddy bear. Sa gilid din ng mga kalasada ay may mg anagbebenta ng mga mumurahing teddy bear.
"Anyway, Dana, you know it's my birthday. And it's Valentine's Day. Would you have a dinner with me later?"
Biglang napangiti ng malaki si Dana. Papatili pa lamang siya pero napigilan niya agad ang sarili.
"Tonight? Sure! I would love to!"
"Alright, I'll text you where. Okay?"
"Okay! Magbibihis ako ha. Magbihis ka din."
"I will, Dana. See you!"
Then they both hanged up. Labis ang katuwaan sa puso ni Dana. Finally, for over how many years, she's celebrating Valentine's Day!
Dana's Tenement
Kahit na biglaan ay inihanda ni Dana ang kanyang itsura. She wore a little makeup. She tied her hair on a high bun. May iilang hibla lang ng buhok mula sa kanyang bangs ang kanyang hinayaan na nakalabas.
Mula sa kanyang kabinet ay kinuha niya ang isang A-line off shoulder short sleeves niyang kulay pula. Abot tuhod naman ang haba ng dress na ito. Ito pa laman ang unang beses na kanyang susuotin ito mula nang kanyang bilhin. Humarap siya sa salamin upang tignan kung bagay ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Last Time
RomanceTime is precious. Time is free. And it's priceless. Time wonderfully shows us what really matters. Time is measured not by clock but the memories. Love finds time. Love makes the time pass. And time makes love pass. Suddenly, love have found you. It...