Thirteen

206 4 0
                                    

Dana's Condo

Umalingawngaw ang tunog ng telepono ni Dana sa buong unit. Ilang beses nang may tumatawag sa kanya ngunit hindi niya pa rin tinitignan kung sino o sinasagot ito. She doesn't mind if it's her boss or whoever. She wanted some alone time.

Tumigil ang pag ring at patuloy lang siya sa ginagawa. Her phone has been ringing from calls and texts the whole night. Galing ang lahat ng 'yon kay Miss Eve at Barbs. Nu'ng lumabas siya ay hindi na bumalik pa si Dana. She immediately rode a taxi and went home.

She placed the empty bottled beer on the table. She's been staring in an empty space for quite an hour. Ang dating tahimik na niyang mundo't isipan ngayon ay muling nabagabag.

That feeling you see your 'could-have-been' ex-boyfriend with his new girl that is far more glammed and sophisticated. Masakit. Isang malaking sampal ang makaharap mo ang taong kinakasama ng dati mong iniibig.

Dana drowned herself with the last bottle and lied down to sleep trying to forget what happened.


Val's Condo

Madilim na at ang ilaw na lamang ay galing sa poste sa labas. Mahimbing na ang tulog ni Felicity na siyang katabi ngayon ni Val. Ngunit ang huli ay hindi pa tinatamaan ng atok at dilat na dilat. Hindi na tumigil ang isipan niya na balik-balikan ang pangyayaring hindi niya inaasahan kanina.

Mula sa pagharap ni Dana, hanggang sa magkatinginan sila, patuloy lang na tumatakbo sa isipan ni Val. Her face, her scent, the way she speaks, he missed everything about her. He knew who awkward the situation was but he handle it very well, as Dana too.

"Ang tagal kitang hindi nakita. Sana mabigyan ako ng pagkakataon na makapagpaliwanag sa'yo. I have a lot of explaining to do. Kahit pa matagal na ang nangyari, I still owe you an explanation," Sabi ng kanyang isipan.


Curt's Condo

"Oh! Em!" Gulat na sambit ni Hester nang marinig ang kwento ni Dana.

Magkakasama sila ngayon sa condo ni Curt kung saan nagpatawag ng meeting si Dana. She made sure the circle is complete para isang kwentuhan na lang. Curt served them some juice habang nasa hapagkainan silang nag-uusap.

"Anong sabi niya? Was he surprised?" Nanglalaking mga mata na tanong ni Charity.

Dana shrugged.

"Sa lahat naman ng kliyente, bakit siya pa..." Sambit ni Dana. Kinuha niya ang baso niyang may juice at ininom.

"I can already sense how uncomfortable the upcoming days you will see each other. Kasama pa si present." Sabi ni Curt at naupo sa bakanteng silya sa tabi ni Beverly.

"S'yempre naman! Ikaw ba naman kasama mo na ex mo, plus the jowa." Sabi ni Beverly at kumagat ng tinapay.

"Hindi ko siya ex." May sungit na tono ni Dana.

"Ay, oo nga pala. Ex-love na lang." Ani Bev.

"So, what's your game plan now? Dati kung iwasan mo siya, o 'yung mga lugar na pwedeng makapagpaalala sa inyo ay nagawa mo. Pero ngayon hindi mo siya pwedeng takasan dahil kliyente mo siya at trabaho mo 'yan." Milo said.

Itinaas ni Dana ang mga paa sa silya at yinakap ang mga tuhod nito.

"Kapag naglaro talaga si tadhana, todo." Komento ni Beverly.

"She will basically just do her job. Right, Dana? After all, he's just your client. Nothing more, nothing less." Sinangayunan ng lahat ang sinabi ni Hester.

The Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon