Caffeinated by Mozaic Living
Dana begged a day off before her presentation to Miss Eve. The boss agreed and later found herself far from where she used to be—Mandaluyong. She found this place and immediately went to work while having some coffee. Pwede naman siya sa bahay niya gumawa pero siguradong tatamarin siya't aantukin lamang. Kung sa Joanne's Café naman ay dadaldalin lang siya ng kaibigang si Beverly at hindi na maka-concentrate sa trabaho.
Madalang ang pasok ng mga customer doon. Kalimitan ay mga empleyado sa mga kalapit na gusali bilang malapit siya sa iba't ibang kumpanya. She ordered sandwiches and another batch of cappuccino para hindi naman nakakahiya.
Her eyes were on her job. Kung maalis man ang paningin niya ay 'yon kapag kakagat sa kanyang pagkain. So as the café is about to close, she finished her work. Outside she waited for her Grab and cannot help but yawn. Pagpasok pa lamang ng sasakyan ay sinandal na niya ang ulo sa bintana at pumikit.
At a moment, naalimpungatan siya't nagising. Nakatigil ang sasakyan at sinilip kung nasaan na siya. Malapit na siya sa Manila at malapit na sa kanyang condo. Ngunit kumunot ang noo niya nang makita kung nasaan siya.
"Kuya, bakit nandito tayo? Bakit nasa bandang MOA?"
Umabante na ang sasakyan ngunit sandali lamang at tumigil nang muli.
"May sarado hong kalsada sa kabila dahil may banggaan kaya dito po tayo dinala ng Waze."
Sa salamin ng binatana ay nakikita niya ang maliwanag na mga poste. Sa kanan niya ang malaking mall at sa kaliwa niya ang mga kainan kung saan minsang nahulog ang loob niya sa isang binatang nawala na lang ng parang bula.
Manila Ocean Park, Manila City
As early as the park opens, Dana and Val were the first few to enter. They plan to fulfill the whole day and enjoy each other's company. Maagang sinundo ni Val si Dana sa kanyang bahay. Both wore shirts, pants and slip on shoes. Mapupuno ng aktibidades ang kanilang araw kaya dapat ay kumportable ang kanilang kasuotan.
Una nilang pinasok sa Manila Ocean Park ay ang jellyfish exhibit. Madilim man sa lugar pero ang mga ilaw ng tangke na may mga lumalangoy na jelly fish ang nagsisilbing liwanag. Tinuturo ni Dana ang bawat kanyang makita. Panay kuha din ng litrato ang dalawa.
Sa oceanarium naman kung saan nasa loob sila ng glass tunnel. Sa kanilang paligid ay ang katubigan na may mga iba't ibang klase ng isda at animal pang dagat.
"Ang laki ng shark oh!" Namimilog na sambit ni Dana.
"That's daddy shark." Ngising sabi ni Val. Siniko naman siya ng natatawang si Dana.
"Daddy shark talaga? Eh, mommy shark nasaan?"
Humanap si Val ng isa pang pating na medyo maliit at kanyang tinuro. "Ayon!"
Sinundan naman Dana ng tingin ang pating na malayang lumalangoy. Hindi din naman siya sigurado kung babae nga o lalaki ang pating.
"Si baby shark?"
Nilinga-linga ni Dana ang paningin sa palibot ng aquarium. Akala niya'y hinahanap din ni Val ang sinasabi niyang baby shark pero pagtama niya ng tingin sa lalaki sa kanya ito nakatingin.
"You are my baby shark." In his sweet voice. Tinaas baba pa nito ang kaliwang kilay. Trying to make an impression.
Napaimpit naman ng ngiti si Dana dahil sa kilig. Pinanlakihan niya ng mga mata si Val sabay pisil nito sa ilong ng binata.
BINABASA MO ANG
The Last Time
RomanceTime is precious. Time is free. And it's priceless. Time wonderfully shows us what really matters. Time is measured not by clock but the memories. Love finds time. Love makes the time pass. And time makes love pass. Suddenly, love have found you. It...