Nine

238 4 0
                                    


CHAPTER 9

Mall of Asia Arena, Pasay City

Every major event comes with an early call time. Maraming preparasyon ang magaganap dahil sa araw na rin iyon mismo ang event. Isa itong prestihiyosong beauty pageant ng Pilipinas. Ang mananalo dito ay ipapadala sa international competition. The stage requires an earthly and nature vibe every segment kaya maraming dala na bulaklak at mga sanga ng dahon sila Dana at Barbs.

Malawak ang backstage kung saan naroon ang grupo ng Events by Eve. Sa sahig man naka-upo ngunit ang bawat isa ay tutok sa mga ginagawa. Ang iba niyang grupo ay nasa entablado kung saan kinakabit ang mga hanging plants na kakailanganin sa isang segment.

Dana stitched the last of her flower stem. Tumayo siya at pinagpag ang mga kamay. Pinasadahan niya ng tingin ang mga natatapos nang mga gawa ng katrabaho.

"Miss Dana, ayos na po ba kayo? For run-thru na po kasi lahat." Tanong ng isang babaeng staff ng event.

Tumango naman si Dana at bumalik ng tingin sa mga katrabaho. Tapos na rin halos ang lahat.

"Kailangan na lahat ng props sa loob. Halika na." Kumuha si Dana ng dalawang paso ng malaking arrangements at nanguna na sa paglalakad.

Her team followed her towards at the back of the stage. Uniporme ang suot ng kanilang grupo na may logo ng kanilang events group para magkaroon ng pagkakakilanlan. Ang mga kandidata din ay nakalinya na para sa kanilang general rehearsal. Pinagtipon-tipon ng floor director sila Dana para sa mga huling paalala. Kunwari ay mismong show na minus the audience.

The run-thru went well. Nagawa nila nang maayos ang mabilisang setup for an allotted time. Nasa loob lamang sila ng isang malaking kwarto kasama din ang iba pang staff. Doon na lamang nila hihintayin ang oras bago pa ang oras ng pageant.

Kani-kaniyang pwesto sila habang kinakain ang binigay na packed lunch sa kanila. Sa isang sulok ay magkatabi na nakaupo si Dana at Barbs. Dahil sa lamig ng kwarto ay nakabalot ng balabal si Barbs at suot naman ni Dana ang hoodie jacket niya. Nakalitaw pa rin ang Access ID Pass nila upang makalakad sila labas pasok ng venue.

Bumabagal ang subo ni Dana sa kanyang pagkain dahil tutok siya sa kanyang libro. Imbes na magbabad siya sa social media ay itinuon niya ang pansin sa nobelang kasalukuyan niyang tinatapos.

"Ang tagal mo naman kumain!" Sita ni Barbs na kakainom lang ng kanyang tubig at isinara ang wala ng laman na styro box.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Dana. "Bakit ba?"

"E, kasi nga mag-iikot tayo! May mga artista d'yan pangurado!"

"Ikaw na lang." Bumaling ang mga mata niya sa binabasang libro.

"Dana... Sige na!" Pagpupumilit ni Barbs. Hinihila pa nito ang manggas ng jacket ni Dana.

Inagaw naman ni Dana ang kanyang braso. "Mamaya!"

Dahil sa pagpupumilit ni Barbs ay natuloy ang nais niya. Malaya nilang nalibot ang kabuuan ng backstage. Nagkalat din ang mga staff ng shows pati na rin ang ibang kandidata. Abala na sila sa pagpapaganda dahil ilang oras ay magsisimula na ang programa.

"Dito na!" Hinila ni Barbs si Dana sa kanyang palapulsuhan ngunit hinila niya pabalik ang kamay.

"Baka hindi tayo p'wede d'yan!" Singhal ni Dana. Nasa bungad sila ng pasilyo kung saan naroon ang dressing room ng mga hurado.

Itinapat ni Barbs ang ID na nakasabit sa kanila na may malaking nakasulat na 'ALL ACCESS'.

"Tara na!" Nahila nang muli ni Barbs ang kaibigan na nagpa-agos na lang sa alon.

The Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon