Chapter 1 *What is Love?*

1K 13 2
                                    

"Mahal na mahal kita, wag mo namang gawin sakin to. Nakikiusap ako. Hindi mo na ba ko mahal?" Sabi niya sakin habang nakatitig ang kanyang mga mata saking mga mata.

"Mahal kita. Mahal na mahal pero kailangan ko lang talagang gawin to para sating dalawa, sana maintindihan mo ako, Miko. Ito ang mas makakabuti para satin." Sabi ko naman sa kanya. 

Nang biglang hinila niya ko papalapit sa kanya, dahan-dahang lumalapit ang mukha namin sa isa't-isa nang biglang..

 .

 .

 .

.

.

.

.

"CUT!

Sabi ni Direk..

"Mia! Ano ba yan?! Hindi pwedeng pachupoy-chupoy lang ang acting mo. Walang emotions eh! Walang love! Wala.. wala akong maramdaman sa acting mo. Sige, bukas na lang natin ipagpatuloy to, may appointment pa ko eh. Kita na lang bukas ah?"

"Yes, Direk."

==========================================================================

Ako nga pala si Mia, 17 years old. Isa akong 'artista kuno'/commercial model/singer/dancer at iba pa. Madami akong side-line para marami rin ang kita. Gusto ko kasing makatulong sa Mama ko sa mga gastusin sa bahay. At isa na rin to sa mga paraan ko para maging isang artista, ang kaso ayaw ata talaga ng pag-aartista sakin. Lagi na lang kasi nilang sinasabi sakin na kulang ng emotions ung acting ko. Na walang kwenta at pachupoy-chupoy lang ang acting ko. Eh di sana, hindi na lang ako ang kinuha nila. Kaasar talaga! Kung hindi ko lang kailangan ng pera, ako na ang kusang aalis dito. Hayy.

"Hoy Mia!

Nagulat ako ng bigla na lang may sumigaw sa likod ko kaya napasigaw rin ako ng..

"Ayy kabayong buntis!"

"Anong kabayo ka dyan? Masyado akong maganda para magmukhang kabayo noh! Oh ano? Nagdday-dreaming ka nanaman dyan? Nasabon ka nanaman daw ni Direk kanina ah?

Si Jaja pala, ang bestfriend kong haliparot..

"Oo nga eh. Kulang nanaman daw ng emotions ung acting ko. Lagi na lang ganun. Nakakaasar na. Nagppractice naman ako sa bahay. Okay naman daw yung acting ko sabi ni Mama."

"Malamang nanay mo yun! Eh di syempre maganda ang sasabihin nun sayo. Bangenge ka talaga eh. Sa tingin ko hindi naman practice ang kailangan mo eh."

"Eh ano?!

"LOVE"

Nabigla ako sa sinabi niya.

"Huh?"

"Love. L-O-V-E. LOVE! Gets mo na?"

"Alam mo kung anu-ano pinagsasasabi mo. Uwi na nga tayo." Paiwas kong sagot sa sinabiniya sakin.

"Friend, totoo naman ung sinasabi ko eh. Mag boyfriend ka na kasi!"

Sa pagkakataong ito, nagsimula na kong mainis, ewan ko pero ito ung naramdamna ko sa mga oras na yun. Kaya bigla ko siyang sinabihan na..

"Iiwanan kita o tatahimik ka dyan?!

"Sabi ko nga sayo, tatahimik na lang ako. Ikaw talaga, hindi mabiro.

Hanggang sa makauwi kami ni Jaja, hindi na niya binanggit ang tungkol sa pinagusapan namin kanina. Same subdivision lang kami nakatira kaya lagi kaming sabay umuuwi at umaalis. Hanggang sa nagpaalam na ko sa kanya at pumasok na ko ng bahay namin..

Ang Babaeng NBSB (No Boyfriend Since Break-up!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon