1 month na ang nakalipas nang umalis ako sa Pilipinas. Maganda naman dito sa Amerika pero malungkot. Syempre wala pa kong masyadong kaibigan dito, medyo nakapag-adjust na rin ako at sanay na ko sa pagtulog. Nung una kasi, gising ako buong magdamag. Nagstart na rin ako mag-workshop. Next week pa kasi ang pasok ko sa University. Pero namomroblema ako, pano na lang ako makikipagusap sa mga kaklase ko? Eh isang bag lang ng english ang dala ko. Huhu. Grabe, baka ma-nosebleed ako ng bongga dito. Di bale, masasanay rin ako. Kaya ko to.
Hindi pala nagpaalam sakin si Miko nung umalis ako. Matapos nung kumain siya sa bahay ay hindi na siya nakipagkita sakin, hindi na rin niya ko tinext o tinawagan. Medyo nagtatampo na ko sa kanya kasi hanggang ngayon ay hindi niya parin ako kinakamusta. Nag-online ako sa FB para tignan kung online siya. Online nga pero baka hindi naman ako kausapin, magi-invi na nga lang ako pero bago pa ko makapag-invisible sa chat ay chinat ako ni Miko.
'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
Miko: Mia, sorry kung hindi ako kasama sa paghatid sayo sa airport, baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko, baka hindi ka makaalis. Sorry rin kung ngayon lang ako nagparamadan sayo, sinubukan ko kasing sanayin yung saril ko na wala ka... PERO HINDI KO KAYA. Mia, sorry talaga kung nagalala ka sakin.
Mia: HU U?
Miko: Mia naman eh. :(
Mia: HAHAHAHAHA. Ang dami mo kayang sinabi.
Miko: Hindi ka galit?
Mia: Bakit? Gusto mo ba na magalit ako sayo?
Miko: Hindi. Hindi naman..
Mia: Hindi ako galit, nagtatampo lang. Hello? Hindi ka kaya sumama sa paghatid sakin sa airport tapos bago pa ko umalis ay hindi ka man lang nagparamdam. Sinong tao ang matutuwa non?
Miko: Kaya nga sorry na eh. :(
Mia: Ocge na. Okay na. Matutulog na ko. Gabi na kaya dito. Maaga pa ko sa workshop bukas. Bye. Ingat kayo dyan. :)
''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
Matapos non ay nag-offline na ko at natulog na rin.
Araw-araw kong kausap si Miko, minsan kasama si Mama at si Jaja. Ka-skype ko sila parati para naman mabawasan ung pangungulila ko sa kanila.
Masyadong mabilis ang panahon. Ggraduate na ko at ilang araw na lang ay ilalabas na ang mini-film na ginawa namin. Nakakalungkot dahil hindi kasama si Mama, hindi niya man lang nakita ng personal kung paano ako umakyat ng stage. Di bale,malapit nanaman akong umuwi. Isang buwan na lang at makikita ko na ulit si Mama, si Jaja pati na rin si Miko. Sabik na sabik na kong umuwi, sobrang miss ko na talaga sila. Maaaring iba na ang itsura ko, kung pano ako manamit, kung pano ako magsalita pero ung nararamdaman ko kay Miko, walang pagbabago. Tinupad ko yung pangako ko sa kanya na hindi ako pwedeng magpaligaw sa kahit na sino.
---Miko's POV---
Isang buwan na lang at uuwi na si Mia, makikita ko na ulit siya. Miss na miss ko na siya. Katulad nang dati, hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya.. mahal ko parin siya. Kahit hindi ko man siya madalas na makita katulad ng dati nananatili parin ung pag-ibig ko sa kanya. Nakuha ko mang tumingin sa iba, hindi naman maiiwasan yun. Si Mia parin ang mahal ko, si Mia ang nagiisang laman ng puso ko, siya lang talaga, wala ng iba pa.
Nag-iisip ako ng magandang pwedeng gawin sa pagbabalik ni Mia. Ano kayang magandang pakulo ang gagawin ko? Pano ko kaya siya isu-surprise? Hmm.
"Miko, anak! Tignan mo ito oh. Si Mia, nasa TV!"
Nagulat ako ng sinabi ni Mama na nasa TV si Mia, agad naman ang tumakbo papalabas ng kwarto. Si Mia nga ung nasa TV, madaming tao ang nakapaligid sa kanya, madaming camera, artista na nga talaga siya. Ang ganda-ganda na niya, mas lalo pa siyang gumanda. Maaabot ko pa kaya siya? Kilala niya pa kaya ako? Makakasabay pa kaya ako sa mga nanliligaw sa kanya?
"Ang ganda-ganda na ni Mia, Mama." Sabi ko kay Mama.
"Oo nga eh. Tignan mo, dati dito pa yan nakain satin eh tapos ngayon, artista na."
Masaya ako para kay Mia. Sa nagawa niya, sa nakuha niya, sa nakamit niya sa buhay. Pero nalulungkot parin ako, natatakot ako na baka hindi na siya yung Mia na nakilala ko noon. Baka nagbago na siya, baka iba na ung ugali niya. Baka hindi na niya ko pansinin dahil sa sikat na siya. Pano na ang gagawin ko?
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng NBSB (No Boyfriend Since Break-up!)
Teen FictionPaano ka ulit magmamahal kung minsan ka ng nasaktan? Pano ka muling magtitiwala sa iba kung minsan ka ng naloko? Paano ka ulit magiging masaya sa piling ng iba kung takot ka ng sumubok magmahal muli?