---Mia's POV---
Isang linggo na rin ang nakalipas nang magkasakit ako at nung nagkita kami ni Henry. Simula noon, hindi na siya nagparamdam, ni-text o tawag, wala. Hayy. Ano na kayang nangyari dun? Hindi dapat ako nag-aalala ng ganito sa kanya. Diba nga dapat kalimutan mo na siya Mia? Nababaliw ka nanaman. Hayy. Na-interupt nanaman ang pag-iisip ko nung may nagtext. Dali-dali ko agad itong binasa sa pag-aakala na si Henry ito.
*1 new message received*
''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
From: Miko
Hi Mia! Good morning! Free ka ba today? Labas naman tayo oh. Treat ko ulit. :)
'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
"Si Miko lang pala. Akala ko naman kung sino na." Medyo na-disappoint ako.
"Okay to ah? Hmm. Sige na nga, para kahit papano mawala sa isip ko si Henry kahit isang araw lang."
'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
To: Miko
Sige ba. Anong oras at saan tayo magkikita? :)
'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
From: Miko
Susunduin na lang kita diyan sa inyo before 11. See you. :)
'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
Susunduin ako? Aba, ayos talaga to ah. Hmm. Makapaghanda na nga.
---Miko's POV---
Ngayong araw, niyaya ko si Mia lumabas at syempre pumayag siya. Ang saya-saya ko nanaman. Plano ko sana na ngayong araw ako magtatapat sa kanya. Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa, baka mamali nanaman ang pagkakaintindi niya sa mga bagay-bagay.
Talagang naghanda ako ngayong araw para kay Mia at syempre sa event na to. Hindi pwedeng basta-basta lang ang porma ko. Nasa tapat na ko ng bahay nila Mia at hinihintay ko na lang siyang lumabas. Nabigla ako nung lumabas si Mia. Parang hindi si Mia ang nakita ko, parang isang anghel sa langit ang lumabas mula sa pintuan ng bahay nila. Napakaganda ni Mia, simple lang ang suot niya pero bagay na bagay naman sa kanya. Feeling ko ay nasa langit nanaman ako lalo na't may kasama pa kong isang napakagandang anghel. Napatigil ang pagdday dreaming ko nang magsalita siya.
"Hoy!" Sabay nagsnap siya. Feeling ko kanina pa ko tulala at nakatitig lang sa kanya.
"Oh?" Sabi ko.
"Mukhang bihis na bihis ka? Ayos ng porma mo ah. San ba tayo pupunta?"
"Ahh. San mo ba gusto? Sa Mall?"
"Kahit san. Ikaw kaya nagyaya." Sabay ngumiti siya sakin.
"Sige, sakay na" Sabi ko habang binuksan ang pintuan ng sasakyan.
Pagpunta namin ng mall, kumain muna kami sa isang restaurant dahil lunch time na rin naman. Nagdadalawang-isip ako kung kailan ko ba sasabihin yung nararamdaman ko. Baka kung ngayon eh mailang siya at baka mapauwi kami ng disoras. Hinayaan ko muna na makapagkwentuhan kami. After naming kumain ay nagpasya kaming manuod ng sine, siya ang may gusto nun kaya pumayag na rin ako..
"Ano kayang magandang palabas? Hmm."
"Ito oh" Sabay turo niya sa isang love story.
"Ayoko nga. Gusto ko nito, nakakatakot para maganda." Sabay turo ko naman sa isa.
"Ayoko nga nyan. Panget yan eh."
"Ayaw mo? Bakit? Ikaw ba ang magbabayad?"
"Ahh. ehh di magkahiwalay tayong manuod! Dyan ka sa nakakatakot, ako naman dito."
"Oh sige. Ang tanong may pera ka ba?" Paghahamon kong tanong sa kanya.
"Syempre meron. Ano akala mo sakin pulubi?!" Mukhang naiinis na siya pero ang cute cute niya parin. Nagulat ako nung naghalungkat siya sa bag niya at nilabas ang wallet niya pero..
"Oh ano? Nasan na yung pera mo?" tanong ko.
"Ahh. Ehh kasi nandun sa isa kong wallet yung sweldo ko ehh. P20 lang laman nito"
"So? Payag ka na, na nakakatakot na lang ung papanuorin natin?" Pangaasar ko pa sa kanya.
"Wag na lang kaya tayo manuod? Hehe. Alam mo hindi kasi maganda yan eh, ang korni kaya nyan. Ilang beses ko na yan napanuod sa pirated CD na bili ni Mama eh. Iba na lang, wag na lang yan" Palusot niya pa.
"Ahh ganun ba? Napanuod mo na pala eh, eh di hindi ka na matatakot. Diba? Halika na." Sabay hila sa kamay niya.
Pero imbis na nakakatakot yung panuorin namin, bumili ako ng ticket dun sa gusto niyang palabas.
"Oh? Akala ko ba ayaw mo nyan?" Tanong niya sakin.
"Akala ko ba ito ang gusto mo? Gusto mo palitan ko?"
"Ahh hindi hindi! Sabi ko nga kasi, yan na lang eh. Tara na!" Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko papunta sa loob ng sinehan. Sa mga oras na yun, tanging siya lang ang nakikita ko, wala ng iba pa kundi siya lang. Feeling ko tumatalon ang puso ko sa saya.
Natapos namin ang palabas pero hindi ako masyadong nanuod. Ayoko kasi ng mga ganung palabas. Masyasong predictable ang mga nangyayari. Kaya imbis na manuod ako, natulog na lang ako. Pagkalabas namin sa sinehan..
"Nakakainis ka!" Sumigaw siya sakin.
"Oh bakit? Anong ginawa ko sayo?"
"Sinayang mo lang yung pera mo. Akala ko pa naman manunuod ka. Grabe, salita ako ng salita kanina sa sinehan, wala pala akong kausap!"
Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na kinakausap niya pala ako.
"Oh eh di sorry. Sa susunod hindi ko na uulitin."
"Anong sa susunod? Wala ng susunod!" Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko naman inaasahan na ganun ang magiging reaksyon niya. Hay mga babae nga naman. Pasalamat lang talaga tong si Mia at mahal ko siya.
Bigla siyang naunang umalis nang hindi man lang ako hinihintay kaya naman hinabol ko siya pero nakita ko siyang nakatayo lang at mukhang may tinatanaw. Sinubukan kong hanapin kung ano ang nakapagpahinto sa kanya, sa pagtingin-tingin ko sa paligid, nakita ko si Henry at hindi lang siya mag-isa. May kasama siyang babae, sa tingin ko GF niya yun.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng NBSB (No Boyfriend Since Break-up!)
Teen FictionPaano ka ulit magmamahal kung minsan ka ng nasaktan? Pano ka muling magtitiwala sa iba kung minsan ka ng naloko? Paano ka ulit magiging masaya sa piling ng iba kung takot ka ng sumubok magmahal muli?