"Hello Jaja? Pwede ba kita makausap?"
"Oo naman. Bakit? Anong problema mo?"
"Si Henry kasi eh."
"Henry nanaman? Diba matagal ng wala kayo? Hindi ka parin ba nakaka-move on sa kanya? Jusko naman Bhes, tatlong taon ng nakakalipas. Bakit hanggang ngayon siya parin pinoproblema mo?!"
"Teka pwede? Masyado kang OA eh. Nangunguna ka nanaman. Mas alam mo pa ata eh."
"Joke lang Mia. Ikaw naman, hindi ka talaga mabiro. Sige, ano meron kay Henry?"
"Nagtext kasi sakin si Henry eh. Nakikipagkita siya sakin. May sasabihan daw. Dapat ba kong pumunta? Dapat ko ba siyang harapin? Dapat ko ba siyang kausapin? Jaja! Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Tulungan mo naman ako oh."
"Mia, huminahon ka nga. Maging totoo ka nga sakin, mahal mo pa ba si Henry?"
"Jaja naman, tatlong taon ng nakakalipas, ilang beses mo ng tinatanong sakin yan ah."
"Mia, oo, tatlong taon na ang lumipas pero sa tingin ko hindi ka parin talaga nakakpagmove on eh. Kasi alam mo, kung okay ka na talaga, hindi ka magiging ganyan. Hindi ka mamomroblema. Mia ano ka ba? Makikipagkita lang sayo yung tao. May sasabihin. Yun lang. Please naman, Mia. Wag ka nanamang tatanga-tanga ngayon ah. Babatukan talaga kita. "
"So... Makikipagkita ako sa kanya, ganun ba ang ibig mong sabihin?"
"hmm. Depende arin yan sayo. Pero nagmamakaawa ako sayo Mia, kapag nakipagbalikan si mokong wag mo ng patulan please. Kahit umiyak pa siya ng dugo sa harap mo ha?"
"Oo naman. Syempre. Sige Ja, salamat ah."
=============================================
Muli akong humarap sa salamin.
"Kakausapin ko ba siya o hindi? Oo o Hindi? Ano? Mia sumagot ka!"
Hayy. Bahala na. Sa Saturday pa naman yun eh, Thursday pa lang ngayon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Naging unproductive day ang Friday ko. Wala akong ibang nagawa kundi kumain. Bukas na pala ako makikipagkita kay Henry. Ano kayang sasabihin niya sakin? Hayy buhay parang life!
Hindi talaga mawala sa isip ko si Henry, I mean ung sinabi niya. Ano kayang mangyayari? Hayy. Kailangan ko ng maghanda.
----Saturday, 6 PM----
*1 new message received*
"Mia, aasahan kita. Hindi ako aalis hangga't hindi ka dumadating, maghihintay ako don hanggang sa dumating ka. Please Mia. Last na to."
Hindi na sana ako pupunta pero nabasa ko yung text niya.
"Maghihintay siya hanggang sa dumating ako? Pano kung hindi ako dumating? Hay. Henry. Pinapahirapan mo sarili mo. Pinapahirapan mo nga ba talaga? O baka lokohin mo lang ulit ako?"
Hanggang ngayon, nagdadalawang isip parin ako kung pupunta ba ko o hindi. Malapit na mag 7 pero hindi parin ako nagaayos. Hayy. Bahala na talaga.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng NBSB (No Boyfriend Since Break-up!)
Teen FictionPaano ka ulit magmamahal kung minsan ka ng nasaktan? Pano ka muling magtitiwala sa iba kung minsan ka ng naloko? Paano ka ulit magiging masaya sa piling ng iba kung takot ka ng sumubok magmahal muli?