Sa sobrang pagod ko galing sa taping, hindi ko na naisiping magpalit man lang ng damit at diretso na kong nahiga sa kama. Sa sobrang pagod ko, nakatulog na ko. 9 na ng gabi nang nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong lumabas ng kwarto at kumain. Pagkatapos kong kumain, nagshower muna ako saglit at nahiga ulit sa kama. Wala akong ibang magawa kundi ang mag-isip. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Jaja sakin kanina.
"Friend, totoo naman ung sinasabi ko eh. Mag boyfriend ka na kasi!"
"Mag boyfriend ka na kasi!"
"Mag boyfriend ka na kasi!"
"Mag boyfriend ka na kasi!"
"Mag boyfriend ka na kasi!"
"Mag boyfriend ka na kasi!"
Paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Jaja saking isipan na sinasabing..
"Mag boyfriend ka na kasi!"
"Mag boyfriend ka na kasi!"
"Mag boyfriend ka na kasi!"
"Mag boyfriend ka na kasi!"
Halos marindi na ko sa sarili ko. Parang sirang plakang paulit-ulit ang mga katagang yun sa isip ko.
"Ayoko naaaa!" hanggang sa napasigaw na lang ako. Humarap ako sa salamin at nagsimulang kausapin ang sarili ko..
"Boyfriend? Sus. Sakit lang ng ulo yun diba? Wala namang ginawa yang love na yan kundi paiyakin ka at saktan ka eh. Hay nako Mia! Wag na wag kang magboyfriend ah! Subukan mo lang na mag-boyfriend ka, lagot ka talaga!"
Sa ginagawa ko, mas lalo akong nagmumukhang baliw. Kinakausap ang sarili sa harap ng salamin? Grabe. Baliw na nga talaga ata ako. Napatigil ako bigla nang..
"Mia, anak! Ano ba yang ginagawa mo dyan sa loob? May kausap ka ba?"
Naku! Si Mama, narinig pala ako. Ano kayang palusot ang gagawin ko?
"ahh? Wala Ma.. Nagppractice lang po ako para sa taping bukas. Sige Ma, tulog na po kayo, promise po di na ko mag-iingay. Sige po. Good night Ma!"
"Oh sige anak. Magpahinga ka na rin ah. Good night!"
Nang nakapasok na si Mama sa kwarto niya, nagsimula na kong makahinga ng maluwag. Buti na lang artista ako, sabi ko naman sa inyo eh, okay ang acting ko. Hindi na kailangan ng love love na yan. Mabuti pa at magbasa na lang ako ng libro pero biglang tumunog ang cellphone ko.
May nagtext sakin pero unknown number.. Sino kaya to? Wala na kong panahon para makipaglaro pa sa mga ganito. Nagulat ako ng mabasa ko ang text..
"Mia, baby.. I miss you. Sorry sa lahat ng mga ginawa ko sayo noon. Sana mapatawad mo pa ko. I swear I loved you and I still. Can you give me a second chance? Please, baby? I want you back."
May halong pagkabigla nung nabasa ko ang text pero bigla na lang akong natawa. Sabi ko, "ulol, baby mo mukha mo, hahahahah" pero syempre sa isip ko lang yun. Akala ko pa naman kung anong text ung natanggap ko, ganun lang pala. Mga loko-loko nga naman, wala na talagang magawa ang mga kabataan ngayon.
Nagsimula na kong magbuklat ng libro at magbasa para na rin makatulog ako agad pero naiisip ko yung nagtext sakin. Pano niya alam ang pangalan ko? San niya nakuha ang number ko? Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Pero may isang taong pumasok sa isip ko pero hindi maaari. Napaka-imposibleng mangyari na siya ung nagtext sakin..
Pero pano kung siya nga? Pano kung si Henry nga ang nagtext sakin?
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng NBSB (No Boyfriend Since Break-up!)
Teen FictionPaano ka ulit magmamahal kung minsan ka ng nasaktan? Pano ka muling magtitiwala sa iba kung minsan ka ng naloko? Paano ka ulit magiging masaya sa piling ng iba kung takot ka ng sumubok magmahal muli?