Chapter 9

354 7 1
                                    

Pagkatapos non, palagi na kong sinusundo ni Miko sa bahay, pati na rin si Jaja, at pagkatapos ng taping ay kumakain kami sa labas o hindi naman kaya gumagala kung saan-saan. Hinahatid din kami ni Miko pauwi, ganun na palagi ang naging sistema ng pangaraw-araw ko.

"Last day na ng taping ngayon." sabi sakin ni Jaja.

"Oo nga eh. Sana maging maayos ang araw na to."

"Naging maayos naman simula nung palagi ka ng sumasama kay Miko eh. Ayiee."

"Ayiee ka dyan. Magkaibigan lang naman kami ni Miko noh. Yun lang yun."

"Wala ka bang nararamdaman na something special sa kanya?

"Anong something special ka dyan? Jaja tigilan mo nga ako. Ayan ka nanaman eh."

"Eh kasi friend bakit ayaw mo pa magBF?"

"Eh basta. Ayoko muna."

"Halurr? Magde-debut ka na noh."

"Ano naman? Bakit? Recquired ba na may BF pag nag-debut? Ha?"

"Hindi naman, eh kaso wala kang escort."

"Escort ka dyan? Para namang ang yaman-yaman namin para magpaparty pa ko ng bongga. DIba? Hay nako. Tigilan na nga natin to. Kung san-san napupunta ung pinag-uusapan natin eh."

Pilit kong iniiwasan ang mga conversation na ganito kay Jaja. Ayoko talagang pinag-uusapan ang mga love love na yan. Dahil dyan nagkanda-leche-leche ang buhay ko. 

Naging maayos ang last na taping namin. Pagkatapos nito, gusto ko muna magpahinga sa acting acting na yan. Magfofocus muna ako sa pag-aaral ko. Gusto ko rin kasing makapag-college na. Biruin mo magde-debut na ko pero hindi parin ako nagccollege. Wala rin kasing pera pangtuition eh kaya napilitan akong mag-stop.

"Mia, very good ah. Ang laki ng pinagbago mo simula nung una." Sabi sakin ni Direk.

"Thank you po. Ginawa ko lang naman po ung best ko. Sana po maging succesful po tong mini-film na to.

Sa totoo lang, hindi naman talaga totoong firektor ang direk namin. Dire-direktor lang kumbaga. Pangarap lang daw niya maging direktor kaya naisipan niyang gumawa ng mini-film, tignan mo nga at ako pa ang kinuha niyang lead. Ibig sabihin wa-choice na kaya ako na lang. 

*****3 MONTHS LATER*****

Naging succesful ang mini-film namin. Kumalat ito sa iba't-ibang networking sites, mala-JAMICH kumbaga. Madaming naka-discover samin, minsan pa nga kapag napunta kami ng mall pinagtitinginan kami ng tao. Ganun pala ang buhay sikat. Ung tipong bawat galaw mo, feeling mo ang daming matang nakabantay sayo.

Oh well papel, malapit na ko magdebut pero wala na kong balak pa na maghanda. Ipang-aaral ko na lang ung ipapanghanda ko. 

---Miko's POV---

Naging maganda ang kinalabasan ng mini-film namin. Nakakatuwa nga't ang daming nang nakakakilala samin. Pero malungkot din ako kasi after nito, wala na kong dahilan para makasama pa si Mia. Ano naman kayang ipapalusot ko? Hindi pa nga rin ako nakakapagtapat eh. Bakit kasi pinanganak pa kong torpe? Hay nako.

Tumawag si Direk sakin at magpapaparty daw dahil naging maganda ang kinalabasan ng mini-film namin. Nasabi ko rin kay Direk na kung pwedeng isabay ang party sa debut ni Mia. Alam ko kasi na hindi siya maghahanda. Hindi talaga siya nagcecelebrate ng birthday eh, minsan nakakalimutan niya pa na birthday niya. Ang kulit noh? Dahil na rin sa sobrang busy niya, nakakalimutan niya pati birthday niya. 

Pupunta ngayong araw si Mia sa bahay. Niyaya ko kasi sila ni Jaja para maglunch dito samin, gusto kasi ni Mama na makilala yung babaeng gusto ko. Pero sabi ko secret muna kasi hindi pa ko nakakapagtapat. Hindi ko kasi alam kung kailan ang tamang tsempo eh.

"Anak, nandito na ang mga bisita mo." Nagulat ako nang kumatok si Mama sa pinto ng kwarto ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at sinalubong sila Mia. 

Mukhang nasarapan sila sa luto ni Mama, napadami ang kain nila eh. Pero okay lang, si Mia naman yun eh. After naming kumain, wala na kaming ibang magawa pa sa bahay kaya niyaya nila ako na lumabas. Alam kong gagawin lang nila akong driver kaya nila ako isasama. Hayy buhay, kapag may sasakyan ka nga naman oh. 

Nagpilit pumasok sila Jaja sa kwarto ko, eh hindi pa ko nakakapag-ayos at nakakapag-linis. Ang kalat-kalat pero dahil dalawa sila at makulit pa, natalo nila ako. Nakita ni Mia na madaming guitarang naka-display lang.

"Marunong ka palang maguitara?" tanong ni Mia.

"Ah oo pero matagal na kong hindi tumutugtog eh."

"Bakit naman? Tugtugan mo naman kami oh. Dali na." Sabat naman ni Jaja.

"Ah sige pero wag ngayon. Sa susunod na lang. Sige lumabas na kayo, ang dumi-dumi ng kwarto ko, nakakahiya sa inyo." Sabay pilit sa kanila na lumabas na ng kwarto.

"Sus. Nahiya ka pa eh pagpumunta ka nga kela Mia eh triple pa ng gulo ng kwarto mo ung kwarto ni Mia." Sabi ni Jaja.

"Ano ka ba Jaja! Nakakahiya." Sabi naman ni Mia.

"Maglinis ka kasi ng kwarto mo."

"Che!

Natutuwa ako sa dalawang to. Akala mo magkaaway pero hindi naman pala. Ganun lang pala sila talaga magbiruan. Pagkatapos nun ay lumabas kami, gumala kami kung saan-saan. Medyo napa-aga yung uwi namin kasi kailangan ng umuwi ni Mia ng maaga. Wala daw kasing kasama ang Mama niya kaya uuwi na siya agad, alangan naman na kami na lang ni Jaja ang gumala kaya umuwi na lang din kami. Hinatid ko na silang dalawa sa mga bahay nila.

Nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon hindi parin magets ni Mia kung ano yung nararamdaman ko para sa kanya. Ganun ba siya kamanhid? O ganun ba ko katopre? Bakit ba ganito? Sa party ko na ulit si Mia makikita at baka yun na ang huli naming pagkikita dahil magaaral na siya. Sa party ba dapat talaga ako magtapat? Pano kung masira ko ung birthday niya? Ano bang gagawin ko? Naguguluhan na ko.

Ang Babaeng NBSB (No Boyfriend Since Break-up!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon