---Miko's POV---
Ang bilis talaga lumipas ng panahon. Tatlong taon na ang nakakalipas simula nung araw na sinagot ako ni Mia. Nung mga panahong yun, ako na ata ang pinakamasayang lalaki sa mundo dahil sa wakas yung babaeng pinapangarap ko lang noon ay akin na.
Malaki rin ang pasasalamat ko kay Mia, dahil kung hindi dahil sa kanya ay wala ako ngayon sa kinakatayuan ko. Ung bar ko na dati isa lang, ngayon may iba't-ibang branches na. At ung banda ko? Eto maglalabas na ng sariling album kasama rin si Mia.
Sa ngayon, kasalukuyan kaming nasa Long Distance Relationship. Marami kasing projects si Mia sa Amerika eh pero uuwi siya ngayon dahil 3rd Anniv na namin at plano rin naming gumawa ng bagong film kasama ulit si Direk. Pero hindi na ako ang kapartner niya, syempre, sikat na si Mia, dapat sikat din ung katambal niya. Kaya ako na lang yung gumawa ng theme song ng kanta, original song yun ah. Naisip ko rin na hindi sa lahat ng pagkakataon dapat pareho kami ni Mia, na hindi na dapat katulad ng dati na kung ano yung ginagawa ni Mia ay gagawin ko na rin. Dahil sa kanya, nahanap ko kung ano talaga ung gusto ko sa buhay ko, at yun ay ang pagsusulat ng kanta.
---Mia's POV---
3rd Anniversary na namin ni Miko, tatlong taon na, siguro, matagal na to para sa iba pero hindi para saming dalawa. Kasalukuyan kasi kaming nasa LDR ngayon kaya parang napakabilis lang ng oras na binibilang. At isa pa, busy rin kami sa kanya-kanya naming trabaho. Ako? Eto, pabalik-balik ng Amerika, madaming projects ang binigay sakin nung huling pumunta ako dito kaya hanggang ngayon ay medyo busy parin ako. Pero ilang araw na lang ay babalik na ulit ako ng Pilipinas, nagrequest kasi sakin si Direk na kung pwede ay magkatrabaho ulit kami. Syempre pumayag ako, kung hindi dahil kay Direk, wala ako ngayon dito at hindi ako ganito kasikat kaya laking pasasalamt ko talaga sa kanya.
Madami ring magagandang nangyari sa loob ng tatlong taon. Madaming nagbago Si Miko? ayun, magrerelease na sila ng 1st album nila nung banda niya. Naging successful rin ung bar na pinatayo niya noon kaya nagkaroon na ng iba't-ibang branches. Si Jaja naman, successful writer na. Siya yung gagawa nung story namin nila Direk. May boyfriend na nga rin siya kaya hindi na kami masyadong nakakapagbonding. Pero kahit ganun pa man, masaya ako para sa kanya. Masaya para sa kanilang lahat. At si Henry nga pala? hmm. Hindi sila nagkatuluyan ni Sophie eh, nalaman niyang may ibang lalaki. Siguro nakarma ang loko. Kaya ngayon, dakilang tambay siya sa bahay nila.
Nagpapasalamat ako at dumating si Miko sa buhay ko. Lagi siyang nadyan para sakin, lalo na sa tuwing kailangan ko siya, never siyang nawala kahit sabihin mo pang magkalayo kaming dalawa sa isa't-isa. Dahil sa kanya, natutunan ko kung pano ulit magtiwala sa iba, kung pano ulit matuto magmahal, kung pano ulit maging masaya. Hindi ko sinasabi na siya na yung lalaking para sakin, 23 years old pa lang ako, madami pang pwedeng mangyari. Natutunan ko rin kung ano muna ang dapat unahin sa buhay lalo na pagteenager ka. Okay lang yung crush crush, pero ung love? Siguro pwede naman kung alam mo limitasyon mo. Pwede naman kung kaya mong kontrolin yung nararamdaman mo pero habang nag-aaral ka pa, dapat ung pag-aaral muna ung atupagin mo at pati ung pamilya mo.
Hindi natin kailangan magmadali sa buhay. Lahat ng gusto natin mangyari sa buhay natin ay mangyayari kung talagang para satin. Hindi dapat magmadali lalo na kung pagdating sa pag-ibig. Dapat enjoyin muna natin kung anong meron tayo kasi baka sa susunod pag nawala to, magsisisi ka na hindi mo man lang binigyan to ng importansya habang nasa sayo pa.
Muli, ako po si Mia. Sana naging magandang ihemplo ako sa inyo, sana maging inspirasyon niyo ko sa buhay lalo na kung pagdating sa love life.
''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
Thank you for reading. Sorry kung nagliw low ung story. Gusto ko na kasi gumawa ng bagong storya eh, kaya dun ako mas nakakapagisip ng mga mangyayari. Salamat po ulit sa mga nagbasa at sa mga tumapos ng story ko. Sana may natutunan kayo.
''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng NBSB (No Boyfriend Since Break-up!)
Teen FictionPaano ka ulit magmamahal kung minsan ka ng nasaktan? Pano ka muling magtitiwala sa iba kung minsan ka ng naloko? Paano ka ulit magiging masaya sa piling ng iba kung takot ka ng sumubok magmahal muli?