Hindi ko alam na nakatulog na pala ako, pagkagising ko, tinignan ko agad ang cellphone ko at nakitang nagtext si Miko at si Direk sakin. Normal lang na nagte-text sakin si Miko pag umaga, pero so Direk? Ano kaya ang nangyari? Hmm. Matignan nga.
''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
From: Direk
Hi Mia! Dahil naging successful ang mini-film natin at kumalat ito sa iba't-ibang networking sites, may nagtatanong sakin kung sino ang mga lead eh. Mukhang gusto ka ata kunin ng isang sikat na company. Interisado ka ba? Kung oo, sabihin mo kung kailan ka pwede para makapag-schedule ako ng appointment.
'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
Ano daw? Sikat na company? ABS-CBN ba ito? GMA? TV 5? Hmm. Baka naman niloloko lang ako ni Direk. Pero sabi ko kasi sa sarili ko na ayoko na um-acting eh. Kailangan ko muna mag-aral para naman may stable job na ko, hindi ung pa-extra extra na lang kung saan-saan. Pero wala rin namang mawawala kung susubukan ko eh. I-ttry ko lang, baka sakaling makatambal ko pa si Daniel Padilla, diba?
Nakipagkita ako kay Direk, pumunta kami dun sa tao na sinasabi niyang interisado sakin at sa potential ko da wna sumikat. Nagulat ako at mas sikat pa pala sa mga nasabi kong kompanya ang nagyayaya sakin. May binigay sila na kontrata. Nakasulat doon na pag-aaralin muna nila ako bago isabak sa actingan, libre rin ang mga workshops, halos wala akong gagastusin. Kaya lang, sa abroad pa ko mag-aaral pero libre? Maganda naman yun diba? hindi ko na kailangan pang gumastos sa pag-aaral ko. Yung pera na nakita ko, ibibigay ko na lang kay Mama pandagdag sa pera sa gastusin sa bahay. Maganda ung prinopose n ila sakin. Gusto ko na sana pirmahan pero nagdadalawang-isip ako. Sasabihin ko muna to kay Mama at syempre kay Miko rin.
Pagkauwi ko sa bahay, agad kong binalita kay Mama at Jaja ang nangyari. Tuwang-tuwa naman si Mama at may anak na daw siyang artista..
"Naku, ang galing-galing talaga ng anak ko, mana sa Mama niya." Sabay yakap at halik sakin ni Mama.
"Eh kanino pa ba magmamana? Syempre sayo." Nagkakatuwaan na kami ni Mama nang bigla niyang naisip si Miko.
"Nasabi mo na ba kay Miko to, anak?"
"Hindi pa po eh. Sasabihin ko na nga po ngayon. Tatawagan ko lang po, saglit ah."
"Oh sige"
Agad kong tinawagan si Miko at pinapunta ko siya sa bahay. Nagluto rin si Mama ng masarap na pananghalian.
Pagkarating ni Miko..
"Oh? Ano yung sinasabi mong good news?" Tanong niya agad sakin.
"Mamaya ko na sasabihin para exciting. Kain muna tayo, dali." Niyaya ko siya na kumain na.
Habang kumakain, pinipilit ako ni Miko na sabihin na kung ano yung good news.
"Ano na yung good news, dali."
"Hulaan mo." Nakangiti kong sagot kay Miko.
"Pano ko naman huhulaan? Wala nga akong idea kung tungkol saan eh."
"Ano ba yan. Sige na nga, sasabihin ko na. May nagaalok kasi sakin na isang sikat na kompanya na magtrabaho sa kanila. Pag-aartista."
"Wow! Ang galing ah pero akala ko ba, mag-aaral ka muna?" Tanong sakin ni Miko.
"Hindi pa kasi tapos. Wait lang. Hehe. Binigyan nila ako ng scholarship. Pag-aaralin daw muna nila ako bago ako sumabak sa mga actingan. Oh diba? Ang taray. At eto pa, hindi lang sa basta-basta school nila ako pag-aaralin ah. Sa ibang bansa! Oh diba? Ang galing noh?" Pagmamalaki ko pa kay Miko.
"Aalis ka?" Biglang nagiba ung mood niya sa pagsasabi non.
"Oo. Eh mag-aaral naman ako eh tsaka para sakin din yun. Diba? Oh bakit parang hindi ka masya?" Tanong ko naman sa kanya.
"Masaya naman ako eh. Masayang-masaya nga ako para sayo eh. Congratulations" Napansin ko na pilit yung mga ngiti na pinakita niya sakin.
Pagkatapos naming kumain, agad kong kinausap si Miko sa labas ng bahay.
"Gaano ka katagal mawawala?" Tanong niya sakin.
"Hmm. Hindi ko alam eh. Siguro mga 2 years?"
"2 years?! Ang tagal naman."
"Syempre mag-aaral ako. Miko, ayaw mo ba?"
"Kahit naman ayaw ko, wala parin akong magagawa. Mia, alam kong pangarap mo ang paga-artista."
"Yun naman pala eh. Eh bakit mukhang hindi ka masaya?"
"Masaya naman ako eh. Pero syempre, Mia. Dalawang taon din yun. Tapos sa ibang bansa pa. Eh pano kung makahanap ka ng iba? Pano na ko?"
Natawa ako sa sinabi ni Miko. Biniro ko na lang siya para maiba ang mood niya.
"Sus. Di naman kita makakalimutan noh. Madaming paraan para makapagusap tayo."
"Pano yun? LDR?" Tanong niya sakin.
"LDR ka dyan. Hindi naman tayo eh."
"Eh bakit hindi pwedeng maging tayo?"
"Ayan ka nanaman ah. Tigilan mo nga yang mga ganyang tanong."
"O sige, titigilan ko na. Pero i-promise mo sakin, na hindi ka magbBF dun ah. Kahit na may nanliligaw pa sayo. Dito ka sa bahay magpaligaw, hindi sa abroad." Sabay ginulo niya ang buhok ko.
"Yes, sir!" Sabi ko naman sa kanya with matching saludo pa.
"Sige, aalis na ko. Aalis pa kami ni Mama eh. Bye na." Sabay beso sakin.
Mabuti naman at naging okay ang pag-uusap namin ni Miko. Akala ko tutol siya dun sa pag-aabroad ko. Pero syemrpe alam ko rin na malungkot siya kasi hindi niya ako makikita, at medyo matagal din ang 2 years. Madaming pwedeng magbago. Dito ko mapapatunayan kung seryoso nga talaag sakin si Miko.
Agad ko namang tinawagan ung company na nagalok sakin, sinabi kong piprma na ko ng contract. Pumunta na lang daw ako sa kanila bukas.
Kinabukasan, maaga akong pumunta sa company para pumirma na sa kontrata. After naming pumirma ay tinanong ko ang head kung kailan na ba ang alis ko. Nagulat ako at next week na agad. Hindi ko inaasahan na next week na agad ako aalis. Maysadong mabilis. Sabi nila mas maganda daw na mas maaga akong pumunta sa US para makapag-adjust pa ko.
Tinawagan ko si Jaja para magcelebrate. Tuwang-tuwa siya dahil may bestfriend na raw siyang artista. Pero syempre katulad ni Miko, malungkot rin siya na mawawala ako. Mamimiss niya daw ako ng sobra. Siya ang una kong tinawagan dahil nung mga huling araw ay palagi na lang si Miko ang kasama at kausap ko. Nawawalan na ko ng time para sa bestfriend ko kaya ngayon, bago ako umalis, babawi ako sa kanya.
"Naku friend, ang swerte mo naman. Biruin mo sa US ka pa magaaral. Wag mo kong kakalimutan ah." Sabi niya sakin.
"Syempre, hindi. Ikaw pa, bestfriend kaya kita."
Masarap sa pakiramdam na nakasama ko ulit si Jaja. Namiss ko siya kakulitan at mas lalo ko pa siyang mamimiss. Biruin mo, wala ng mangungulit sakin don. Hayy. Ang dami ko palang taong maiiwan dito. Sana talaga makapag adjust agad ako don. :((
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng NBSB (No Boyfriend Since Break-up!)
Teen FictionPaano ka ulit magmamahal kung minsan ka ng nasaktan? Pano ka muling magtitiwala sa iba kung minsan ka ng naloko? Paano ka ulit magiging masaya sa piling ng iba kung takot ka ng sumubok magmahal muli?