After nang birthday ko, akala ko magiging awkward ang lahat samin ni Miko pero hindi. Ganun parin ang turingan namin sa isa't-isa, ang pinagkaiba nga lang ngayon ay nanliligaw siya. Pero hindi sakin, kundi sa Mama ko. Palagi niyang sinusuyo ang Mama ko para makalabas kaming dalawa, lagi niyang binobola si Mama, naalala ko pa nung una siyang makita ni Mama..
"Hi po. Maganda Tanghali." Bati ni Miko kay Mama.
"Magandang tanghali rin, sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Mataray na pagkakasabi ni Mama.
"Si Mia po? Nasan? Yayayain ko po kasi sana siyang lumabas eh."
"Ahh ganun ba. Nag-aayos pa eh. Upo ka muna. Matanong nga kita, nililigawan mo ba ang anak ko?"
"Po? Anak niyo po pala si Mia, akala ko po pinsan o kapatid niyo lang eh. Hehe." Sagot ni Miko.
"Aba, hindi naman masyado. Sa katunayan mas maganda pa nga ako kay Mia eh nung magkasing-idaran kami. Habulin nga ako noon eh."
"Ganun po ba?"
"Bakit?! Hindi ka ba naniniwala?"
"Naniniwala naman po. Wala naman po akong sinabing hindi ako naniniwala eh."
Simula noon, palagi ng napunta si Miko sa bahay, hindi para sakin kundi para suyuin palagi si Mama. Hindi ko nga talaga alam kung sino ba ang nililigawan niya, ako ba o ang nanay ko. Pero mas maganda na ring close sila ni Mama para walang masyadong maging problema.
Palagi kaming lumalabas ni Miko, gagala kami kahit saan. Kahit wala na kaming pera, basta may pang-gas siya, kahit san ko gusto pumunta ay pupuntahan namin. Madalas din kaming tumambay sa seaside sa MOA, wala lang, tatambay lang kami dun. Minsan kinakantahan niya ko, o di naman pag weekends, nanunuod kami ng fireworks tapos uuwi na. Minsan kasama si Jaja pero madalas kami lang.
Ngayon (Wednesday), pupunta ulit kami ng MOA. Manunuod daw ng firweorks, eh walang firweorks pag weekdays. Nung nandun na kami.
"Sigurado ka bang may fireworks ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, meron yan. Maghintay ka lang."
eh di naghintay kami don. 30 minutes na, wala parin. Naiinip na ko kaya kinantahan niya muna ako habang tumutugtog ng guitara. Nagkantahan na kami't lahat-lahat wala parin ang fireworks na hinihintay namin.
"Wala naman atang fireworks ngayon eh. Weekdays kaya. Uwi na lang tayo. Gabi na eh." Yaya ko sa kanya.
"Saglit na lang, maghintay pa tayo." pilit niya sakin.
Tumingin lang ako sa kanya kasi parang naiinis na ko. Nang bigla siyang may tinuro.
"Ayun oh fireworks!" sigaw niya.
Pagkatingin ko sa tinuro niya, wala naman...
"Niloloko mo naman ako ehh.." Hindi ko na natuloy ang sinabi ko, nagulat ako nung hinalikan niya ko sa pisngi. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Kaya sinigawan ko siya..
"Bastos ka! Bakit mo ginawa yun ah?! Magnanakaw ng halik. Magnanakaw!!!" Pinagpapalo ko siya.
"Aray.. aray.. masakit. aahh! Saglit lang." Tumigil ako sa pagpapalo sa kanya.
"Oh ano?!" Sabi ko sa kanya.
"Hindi ko naman sinasadya eh. Eh di ibabalik ko na lang." Sa pagkakatong ito, hinalikan niya ulit ako sa pisngi. Hindi ako nakaimik.
"Oh ayan, binalik ko na. Masaya ka na? Haha. Halika na nga, uwi na tayo. Walang firewroks ngayon, weekdays eh." Ngumiti siya sakin, sabay umalis siya. Iniwan niya kong nakaupo dun.
Hindi ko alam kung nagaasar siya na ewan. Basta nakakainis. Hindi man lang din niya ko hinintay, anong klaseng lalaki siya? pssh. Hanggang sa sasakyan hindi parin ako nagsasalita. Hindi ko siya pinapansin kahit anong pangungulit ang ginagawa niya sakin. Bago ako pumasok ng bahay, nagsorry siya sa ginawa niya. Promise daw, hindi na mauulit. Hindi parin ako sumagot, pumasok na lang agad ako ng bahay.
Kikiligin ba ko? Maiinis ba ko? Maaasar ba ko? Matutuwa ba ko? Ano bang dapat na reaksyon ko kapag ganun? Hindi ko alam. Naguguluhan na ko. Medyo kinilig ako na natuwa, na nainis, na naasar na ewan. Mix emotions ulit. Gusto ko na ba si Miko? Hindi pwede.
Sa pagkakataong ito, kinakausap ko nanaman ang sarili ko. Ang dami nanamang pumapasok sa isip ko. Puro Miko, Miko, Miko. Wala na bang iba?!
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng NBSB (No Boyfriend Since Break-up!)
Teen FictionPaano ka ulit magmamahal kung minsan ka ng nasaktan? Pano ka muling magtitiwala sa iba kung minsan ka ng naloko? Paano ka ulit magiging masaya sa piling ng iba kung takot ka ng sumubok magmahal muli?