Chapter 5 *The Meeting*

434 3 0
                                    

---Saturday, 7:30 PM---

Hindi pa rin ako nagaayos, hindi pa ko bihis, nakapambahay pa ko. Hindi na ba talaga ako pupunta? Pano kung maghintay dun si Henry?

"Makikipagusap lang naman diba? Ano namang masama dun? Bakit ka ba natatakot Mia? Hindi ka naman niya kakainin eh. Tao rin naman siya."

Nagsimula nanaman akong makipagusap sa sarili ko. Kahit mukha na kong baliw. Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Naalala ko bigla si Henry. Pano kung wala siyang dalang payong? Pano kung naghintay talaga siya dun? Malamang basang-basa na yun ngayon. Bigla akong lumabas ng bahay habang dala-dala ang payong. Hindi ko na naisipang magbihis man lang o magayos. Ang inaalala ko ay si Henry. 

Nakarating na ko sa park. Patuloy parin ang pagbuhos ng malakas na ulan. May nakita akong isang lalaking nakatayo sa tabi ng fountain. 

Siya na kaya si Henry?

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Kung paano siya tumayo, ung tikas niya, ganung-ganun pa rin, walang pinagbago. Si Henry nga talaga to. Ang unang lalaking minahal ko pero niloko lang ako..

"Ano bang ginagawa mo dyan?!" Sumigaw ako sa lalaking nakatalikod sakin.

"Hinihintay ka." 

Nung pagsabi niya, si Henry nga. Si Henry nga talaga yun.

"Tanga ka ba? Magkakasakit ka sa ginagawa mo, alam mo ba yun?"

"Oo. Alam kong tanga ako. Kaya nga pinagpalit kita sa iba diba? Yun ang pinakamalaking katangahang nagawa ko sa buong buhay ko, Mia. At hanggang ngayon pinagsisisihan ko parin ito. Kulang pa ang pagkakasakit ko bilang kabayaran sa pananakit at panloloko ko sayo noon."

Unti-unti akong nanlambot sa mga sinabi niya. Gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Minsan na kong naging tanga at ayoko ng maulit pa yun sa parehong dahilan at sa parehong tao.

"Henry, ano ba yang pinagsasasabi mo? Tigilan mo nga yang kalokohan mo."

"Mia, mahal kita. Mahal parin kita."

"Mahal? Tanginang pagmamahal naman yan Henry. Kung mahal mo talaga ako, bakit mo ko pinagpalit? Kung talagang mahal mo ko bakit ka nakipag break sakin noon? Yun ba ang meaning sayo ng pagmamahal, Henry?"

"Mia, kaya nga nandito ako sa harapan mo eh. Humihingi ng tawad para sa lahat ng nagawa ko sayo noon. Mia, patawarin mo ko, please? Nagmamakaawa ako sayo."

Lumuhod siya sa harapan ko. Dahil sa ginawa niyang yun, tuluyan na kong nanlambot. 

"Oo, Henry. Pinapatawad na kita."

Tumayo si Henry at niyakap ako. Nabitawan ko yung payong na hawak-hawak ko. Magkayakap kami sa ulan kagaya ng mga palabas sa TV. Akala ko doon lang nangyayari yun pero hindi pala. Gusto ko rin sanang yakapin pabalik si Henry pero nanatili akong nakatayo habang yakap-yakap niya ko. Nagsimula na ring pumatak ang luha galing sa mga mata ko pero dahil umuulan, hindi to halata.

"Oo Henry, pinapatawad kita pero.. pero hindi ibig sabihin nun ay tayo na ulit. Kung talagang mahal mo ko, hayaan mo kong maging masaya sa iba. Sorry Henry."

Yun ang mga huling salitang lumabas sa labi ko. Napabitaw ng hawak si Henry sakin kasabay nun ay pinulot ko ang payong at binigay ito kay Henry. Tuluyan na kong umalis sa park. Iniwan ko si Henry na magisa kasama ang payong ko. 

Hindi ako dumiretso ng bahay dahil alam kong papagalitan ako ni Mama. Pumunta muna ako kela Jaja. Dun muna ako nakitulog, ayokong makita ako ni Mama na umiiyak at isa pa gusto ko ring ikwento kay Jaja kung ano ang nangyari. Gusto ko ng taong makakauspa ko at alam kong si Jaja lang makakaintindi sakin.

Tapos ko ng ikwento kay Jaja kung ano ang nagyari. Nakapagpalit na rin ako ng damit at nakaligo na rin. Patulog na sana ako nang pumasok ulit sa utak ko kung ano ang mga nangyari kanina. Hanggang ngayon hindi parin tumitigil ang ulan. Mukhang sinasabayan ata ng ulan ang kadramahan ko ngayon. Nagsimula nanaman akong umiyak. Hindi ko alam kung bakit, sa pagiyak ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. 

Masama ang gising ko. Halos hindi ko magalaw ang buong kaatwan ko, hindi rin ako makabangon. Nagkasakit na ata ako dahil nagpaulan ako kagabi. Pero sa pagbukas ng mga mata ko, hindi si Jaja ang nakita ko sa tabi ko...

Ang Babaeng NBSB (No Boyfriend Since Break-up!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon