Akala ko pa naman magiging okay ang araw na to. Akala ko mapapasaya ko talaga si Mia ngayong araw pero laging nadyan si Henry para sirain to. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko, bahala na si batman. Hinawakan ko ang kamay ni Mia. Nagulat siya sa ginawa ko, kahit ako, nagulat din. Wala na kong iba pang magagawa kundi yun lang, tumingin ako kay Mia, isang seryosong tingin. Para magets niya kung ano ang gusto kong sabihin. Habang nakatingin sa kanya, napapansin ko na papaiyak na siya. Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang mga luha.
"Mia, wag kang iiyak. Ipakita mo sa kanya na hindi siya kawalan sayo. Wag mong ipahalata sa kanya na malungkot ka kapag may kasama siyang iba."
Hindi sumagot si Mia, tumango lang siya. Hinila ko siya papalapit kela Henry.
"Miko ano ba?!" Napatigil ako saglit sa sinabi ni Mia pero nagpatuloy ako sa paglalakad habang hawak-hawak ang kamay niya. Tumigil ako saglit at muling tumingin kay Mia.
"Magtiwala ka lang sakin, Mia."
Nasa harapan na kami nila Henry at mukhang nagulat siya sa nakita niya.
"Oh Miko, ikaw na pala yan! Ang laki ng pinagbago mo ah." Bungad niya samin.
"Oo nga eh. Sino pala yang kasama mo? Girlfriend mo?"
"Ahh. Oo, Si Sophia nga pala." Nginitian ko lang ang babae at tumingin ako muli kay Mia. Tahimik lang siyang nakikinig sa paguusap namin ni Henry.
"Hi Mia. Long time no see. Ano mo nga pala si Miko?"
Sa pagkakataong ito, hindi makasagot si Mia. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at sinabing..
"Boyfriend niya ko. Sige pare, una na kami ah. Masama kasi ang pakiramdam ng mahal ko eh. Kita na lang tayo sa susunod." Nagulat si Mia pati si Henry sa sinabi ko. Alam kong yun lang ang tanging paraan para hindi na kami guluhin pa ni Henry.
Habang papunta na kami sa parking lot, bumitaw na sakin si Mia at tumigil siya sa paglalakad.
"Bakit mo ginawa yun?" Tanong niya sakin habang nakatungo.
"Mia, yun lang kasi yung tanging paraan na naisip ko eh."
"Bakit mo ginagawa to? Bakit mo ko tinutulungan?"
Sasabihin ko na ba? Magtatapat na ba ko sa kanya? Bakit nalilito parin ako?
"Sumagot ka! Bakit?!" Sumigaw siya sakin.
"Kasi..." hindi ko parin masabi yung gusto kong sabihin.
Nagulat na lang ako nang biglang umiyak si Mia sa harap ko. Ayoko talaga siyang nakikitang umiiyak o nalulungkot. Sa pagkakataong ito, nakita ko ulit ang Mia na nakita ko noong highschool kami. Isang babaeng umiiyak nang dahil sa isang lalaki na niloko lang siya, pero ngayon, nandito na ko para sa kanya. Nandito na ko sa tabi niya pero wala akong magawa para mapatahan siya. Wala akong ibang masabi, kaya naman niyakap ko na lang siya. Niyakap ko siya at sinabing..
"Sige Mia, iiyak mo lang. Nandito lang ako para sayo."
Pagkatapos kong sabihin yun, lalo pang bumuhos ang luha nya. Naramdaman ko na halos basa na ang balikat ko dahil sa kakaiyak niya pero pinabayaan ko na lang siya. Medyo matagal din na katayo kami sa gitna ng parking lot. Maya-maya pa ay tumahan na si Mia sa pag-iyak. Dumiretso na kami sa sasakyan. Sinubukan kong patawanin si Mia..
"Ang dami mo ng utang sakin ah.."
"Huh? Akala ko ba libre mo ko ngayong araw?"
"Una, hindi horror ang pinanuod natin. Pangalawa, niligtas kita kanina kay Henry. Huli, ginawa mong tissue ung polo ko. Puro uhog mo ung balikat ko noh!"
"Hahaha. Grabe ka naman. Eh di bibilhan na lang kita ng bagong polo sa susunod."
"Hindi na. Alam ko na kung ano ibabayad mo sakin" sabay kindat sa kanya.
"Ano naman yun?"
"Sa susunod ko na lang sasabihin. Magpahinga ka na muna. Masyadong madaming nangyari ngayong araw eh. Baka magkasakit ka ulit nyan ah. Basta wag kang iiyak nang wala ako ah?"
"Dami mo namang sinabi. Haha. Yes, sir!" sabay ngiti sakin ni Mia.
Hinatid ko na si Mia sa kanila. Alam kong pagod siya at malungkot din dahil sa nangyari. Mas mabuting magpahinga muna siya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
---Mia's POV---
Madaming nangyari ngayong araw. Naging masaya ako pero labis rin naman akong nalungkot. Sa araw na to, nakita ko si Henry. Si Henry na kasama si Sophia, sila parin pala hanggang ngayon. Grabe, ang tibay ah. Sabi na nga ba, lolokohin lang ulit ako ni Henry eh. Buti na lang hindi ko siya sineryoso nung huli kundi ako nanaman ang tanga. Hayy. Buti na lang at nandyan si Miko para sakin. Hindi ko nga alam kung bakit niya ginawa yun eh, pero kesa magtanong pa ko kung bakit, nagpasalamat na lang ako.
Pagkatapos kong magshower, nakita kong umilaw ang cellphone ko. Si Miko pala, nagtext.
'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
From: Miko
Hi Mia! Okay ka na ba? Thanks sa time ngayong araw kahit may nangyari na masama. Lagi mong tatandaan na nandito lang ako sayo parati. Magpahinga ka na ah? May taping pa bukas. Susunduin nga pala kita ah? Wag ng aangal, may sasakyan naman ako eh. :)
''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
"Ano bang nakain nitong lalaking to? Hmm. Makapagpahinga na nga."
Hindi ko na nagawang replyan pa si Miko, wala na rin naman kasi akong load. Hihintayin ko na lang siya bukas. Matutulog na rin ako ng maaga para makapag-pahinga ako ng maayos.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng NBSB (No Boyfriend Since Break-up!)
JugendliteraturPaano ka ulit magmamahal kung minsan ka ng nasaktan? Pano ka muling magtitiwala sa iba kung minsan ka ng naloko? Paano ka ulit magiging masaya sa piling ng iba kung takot ka ng sumubok magmahal muli?