---Mia's POV---
"Pilipinas oh Pilipinas, namiss kita!" Sigaw ko pagbaba ko ng eroplano.
Wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng iba. Hello. Si Mia ata to noh. Namiss ko ang hangin dito kahit puro polusyon. Wala kasing masyadong polusyon sa Amerika at tsaka ung init ng araw finifeel ko ng bongga. Grabe, gusto ko na sana magpahinga pero may pupuntahan pa kaming press conference maya-maya. After naming magcheck-in sa Hotel ay nagayos muna kami saglit at naghanda para sa press conference. Ilalabas din kasi ung mini-film namin dito sa Pilipinas kaya ayun.
Medyo nasanay na rin ako sa mga flash ng camera sa Amerika kaya parang wala na lang ito sakin ngayon. Ang dami nilang tanong na tungkol sa film, yung iba mga personal na tanong tulad ng pagkakaroon ko ng BF bla bla. Hay kung alam lang nila pero mas mabuti na kung hindi nila alam. Nagtanong nanaman ung isang reporter, pero ngayon nagulat ako sa tanong niya..
"Miss Mia, is it true na NBSB ka?" tanong nung isang reporter.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi naman to kasali sa mga questions na sinabi samin eh. Hindi ko man lang napaghandaan ung isasagot ko. Ngumiti na lang ako sinabing..
"Yes, I'm certified NBSB." Mukhang namangha ang mga press sa sagot ko dahil at the age of 20, wala pa kong nagiging boyfriend. Weh? Sino maniniwala don? HAHAH. Kaya naman nilinaw ko ito sa kanila.
"Not 'No Boyfriend Since Birth ha?' What I mean is No Boyfriend Since Break-up." Sabay ngiti uli sa kanila. Sa pagkakataong ito, walang imik ang mga reporters, mukhang bago ata sa pandinig nila ang mga katagang binanggit ko. Gusto pa sana magtanong ng ibang mga reporters pero napagpasyahan na na tapusin agad ung presscon. Kailangan din naman kasi naming magpahinga. Pagod kami sa byahe.
Isang araw lang akong nagcheck in sa hotel, gusto ko kasi umuwi na samin para makita sila Mama. Sabi rin nila Jaja ay naghanda sila para sa pagbabalik ko, kaya naman pupunta talaga ako.
Pagkarating ko sa bahay ay ang daming tent na nakatayo, parang may patay nga eh. Pero sabi nila Mama para daw kahit rain or shine ay matuloy ang party. Imbitado lahat ng kapitbahay namin kahit yung mga hindi namin ka-close ay nandun, halos wala nga akong kakilala sa kanila eh. Pumunta rin sila Direk at yung mga dati ko pang nakatrabaho, halos lahat nandun sa bahay maliban sa isa..
"Oh anak, may hinahanap ka ba? Anong gusto mo?" Tanong sakin ni Mama..
"Ahh, wala po." matipid kong sagot kay Mama.
"Naku Tita, baka naman si Miko ang hinahanap niya." sabat naman ni Jaja.
"Ahh si Miko ba anak? ahh ehh." Hindi makasagot si Mama ng maayos, ni-hindi niya rin tinuloy ang sasabihin niya.
Nasan na kaya si Miko?
Madaming tao ang lumalapit sakin at nagpapakilala, karamihan mga lalaki. Hindi ko mga kilala, kung anu-anong pinagbibigay sakin. Wala akong ibang masabi sa kanila kundi matipid na "Thank you" lang. Matagal ko ring hinanap si Miko pero hanggang ngayon hindi ko parin siya nakikita. Ayaw naman sumagot nila Jaja ng maayos kung nasan na nga ba talaga si Miko. May nangyari kayang masama kay Miko? Nasan na ba kasi siya?
Hindi talaga ako mapakali, pilit ko paring hinahanap si Miko at mukhang napansin ako ni Jaja kaya nilapitan niya ko.
"Mia, baka daw hindi makarating si Miko."
"Huh?" Hindi nanaman siya darating? Nung papaalis rin ako, hindi siya pumunta, pati ba naman ngayon? Madami akong gustong sabihin at itanong kay Jaja tungkol kay Miko pero ang nasabi ko na lang ay..
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng NBSB (No Boyfriend Since Break-up!)
Teen FictionPaano ka ulit magmamahal kung minsan ka ng nasaktan? Pano ka muling magtitiwala sa iba kung minsan ka ng naloko? Paano ka ulit magiging masaya sa piling ng iba kung takot ka ng sumubok magmahal muli?