Chapter 6 *A Day with Her*

438 5 0
                                    

Masama ang gising ko. Halos hindi ko magalaw ang buong kaatwan ko, hindi rin ako makabangon. Nagkasakit na ata ako dahil nagpaulan ako kagabi. Pero sa pagbukas ng mga mata ko, hindi si Jaja ang nakita ko sa tabi ko...

Kundi si Miko. Hindi ko alam kung bakit siya nasa bahay nila Jaja? Hmm. Baka nililigawan niya si Jaja? 

===========================================

---Miko's POV---

Nagising ako sa isang tawag na galing kay Jaja. Hindi ko alam kung bakit siya tumatawag sa ganitong oras. Sinagot ko na lang ito habang nagmumuta pa..

"Miko! Si Mia, ang taas ng lagnat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko eh. Naulanan siya kagabi dahil nakipagkita siya kay Henry. Basta pumunta ka na lang dito samin. Wala kasi sila Mama, hindi ko alam ang gagawin ko, ikaw lang ang naisipan kong tawagan eh."

Nagulat ako sa sinabi ni Jaja at napatayo ako bigla. Agad akong pumunta kela Jaja para kay Mia. Sana okay lang siya. Ayoko na nasasaktan siya.

Nakarating na ko sa bahay nila Jaja, agad naming inasikaso si MIa para naman bumaba kahit papano ang lagnat nito. Nagkwento si Jaja sakin tungkol sa nangyari kagabi. Umiiyak daw sila Mia nang pumunta dito sa bahay nila dahil nakipagkita siya kay Henry. Hanggang ngayon pala, may nararamdaman parin si Mia para kay Henry, bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko. Pero sa pagkakataong ito, hindi si Henry ang nanakit kay Mia kundi ang sarili niya. Mas pinili niyang layuan at iwan si Henry para mas maging masaya sa piling ng iba at alam kong ako yun. Alam kong ako dapat ang magalaga at magpasaya kay Mia, wala ng iba kundi ako lang. 

Madami akong naiisip habang pinagmamasdan si Mia na natutulog. Simula nung dumating ako, lagi ko na siya binabantayan, hinihintay ko siyang magising para kahit isang beses, ako ang una niyang makita pagmulat ng mga mata niya sa umaga. 

Nagising na si Mia. Nagulat ata siya nang makita niya ko sa kwarto ni Jaja. Pero hindi siya makabangon dahil sa may sakit siya. Kaya tinulungan ko siyang tumayo.

"Bakit ka nandito kela Jaja?"

"Ahh kasi.." hindi ko alam kung anong isasagot ko. Wala akong ibang maisip na palusot. Alangan naman sabihin ko na nandito ako para sa kanya? Pero bago pa ko ulit makapagsalita, inunahan niya na ko.

"Nililigawan mo ba si Jaja?"

"Ha?!" Nagulat ako sa sinabi niya. Mukhang mali ata ang pagkakaintindi niya sa mga nangyayari.

"Siguro nililigawan mo si Jaja kaya ka nandito noh? Eh ano namang gagawin mo sa ganitong oras sa isang bahay ng babae?"

"..." Wala akong masagot, wala akong masabi. Nabibigla parin ako sa mga naiisip at mga sinasabi niya.

"Wag mo ng ikaila. Bestfriend naman ako ni Jaja eh. Okay lang yun."

"Ahh kasi.." Bago ko matapos ang sasabihin ko, biglang dumating si Jaja.

"Jaja, nanliligaw pala sayo si Miko? Hindi mo man lang sinabi sakin."

Nagulat si Jaja sa sinabi ni Mia. 

"Naku Mia! Mali ka ng pagkakaintindi. Tinawagan ko si Miko dito para may katulong ako sa pagaalaga sayo." Pilit na paliwanag ni Jaja kay Mia.

"Ahh. Ganun ba?

"Oo" Sabi ni Jaja.

Pinabayaan ko na lang na sila ang magusap. Baka may masabi pa ko na ikasira ng plano ni Jaja. 

Muli kaming naiwan ni Mia sa kwarto dahil magluluto daw si Jaja. Hindi pa siguro ito ung tamang oras para sabihin ko kay Mia ung totoong nararamdaman ko para sa kanya. Hahayaan ko munang gumaling siya. Habang naghihintay na maluto ang pagkain, nagkwento ako kay Mia at nagjoke rin para naman kahit papano ay mas mapadali ang paggaling niya at para hindi na rin siya malungkot. Pero halos lahat ata ng joke ko ay alam niya. Imbis na matawa siya, binabara at inaasar niya ko.

"Ano ba yang mga joke mo? Kailan ka ba pinanganak at ngayon mo lang nadiscover yang mga joke na yan?"

"Grabe ka naman! Natatawa ka naman eh, diba?"

"Natatawa ako sayo hindi sa mga joke mo." Sabi niya sabay tawa.

Sa pagtawa at sa mga ngiti niya nakikita ko na masaya talaga siya. Pero alam ko rin na pansamantala lang ito. Alam ko na sa loob niya ay tinatago niya parin ung kalungkutan na nadarama niya. Pero mabuti na rin at napatawa at napapasaya ko siya. Gumaan din ang loob ko. At parang mas lalo pa kong nahulog habang nakikita ko siyang ngumingiti. Sobrang saya ko ngayong araw kagaya nang sayang naramdaman ko nung kumain kami sa labas. Nandito na ko, sana magtuloy-tuloy na to..

Ang Babaeng NBSB (No Boyfriend Since Break-up!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon