Chapter 10 *Confession *

389 5 3
                                    

"Ito na yung araw na pinakahihintay ko. Please, sana wala ng humadlang." Sabi ko sa sarili ko.

Party para sa success ng mini-film at para rin sa debut ni Mia. Hindi niya alam yung tungkol sa birthday niya, balak kasi namin na i-surprise siya. 

Dumating na ang lahat ng kasali sa mini-film namin. Pati si Mia at si Jaja nandito na rin. Nagsimula na ang party, may inuman, kantahan at sayawan. Kami-kami lang naman ang nandun kaya hindi na nagkakahiyaan pa. Makukulit rin kasi yung iba kaya kahit hindi ka sumasayaw ay  hihilahin ka nila sa dance floor.

Medyo nagkakatuwaan na ang lahat, panahon na para gawin ko yung plano namin. Namatay lahat ng ilaw, masyadong madlim na halos hindi mo na makita kung sino ang katabi mo. Iniwan namin si Mia na mag-isa, nung simula na siyang maghanap ng kasama, isa-isa na kaming lumabas at kumanta ng Happy Birthday. Sa mga oras na yun, gulat na gulat si Mia, hindi niya siguro inaasahan na gagawin namin yun sa kanya. After niyang iblow ung candle, isa-isa naming sinayaw si Mia. At syempre ako ang pang-18. Dahil hindi naman kami madami ay pati babae sinayaw si Mia, tawa nga sila ng tawa ni Jaja nung sila na ung nagsasayaw. Atlas! Ako na ang susunod na magsasayaw. Medyo matagal pa bago ako mag lumabas..

"Oh? Nasan ung pang 18?" Tanong ni Mia.

Saktong pagkasabi niya non ay lumabas ako. With matching usok-usok pa, gusto ko kasi na special pag dating sakin eh. Sinayaw ko na si Mia kagaya ng pagsayaw sa kanya ng iba pero syempre, hindi lang yun ang gagawin ko. Balak ko na after non ay magtatapat na ko sa kanya.

Pagkatapos huminto ng music ay inabot sakin ni Jaja ang mic. 

"Attention everyone." Sabi ko.

"Siguro alam niyo ng lahat to, pansin niyo na siguro at ramdam niyo rin na matagal na kong may gusto kay Mia."

Natulala si Mia habang ang iba ay naghihiyawan na. Nakatingin lang ako ng diretso sa mga mata ni Mia..

"Ano bang kalokohan to?" Tanong sakin ni Mia.

"Hindi ako nagloloko, Mia. Seryoso ako. Alam mo ba na simula pa lang Highschool ay crush na crush na kita? Na simula pa lang nung 1st year tayo ay may paghanga na ko sayo. Halos lahat na nga ginawa ko para lang mapnsin mo ko eh pero wa-epek parin. Andyan kasi si Henry non eh. Lagi nga tayong magkaklase, lagi tayong magkagrupo sa mga school activities, halos lahat ng club na sinalihan mo, sinalihan ko na rin para maging close lang tayo pero wala parin. Kahit nga hanggang ngayon eh, kaya ako ang kapartner mo sa mini-film kasi pinakiusapan ko si Direk na ako na lang. Para naman kahit papano, maging close tayo. At eto na nga, close na tayo. Pero sana wag mo namang isipin na tine-take advantage ko lang ang pagiging magkaibigan natin para mapalapit sayo. Mia, sana bigyan mo ko ng pagkakataon ngayon. Sana hayaan mo ko na pasayahin kita."

Hindi ko na halos alam kung ano ang mga pinagsasabi ko sa harapan. Basta alam ko madami yun. Wala paring imik si Mia, nakatingin lang siya sakin na parang gulat na gulat. 

---Mia's POV---

Birthday ko ngayon kasabay ng party namin sa success ng mini-film namin. Akala ko party lang talaga pero hindi, birthday party rin pala. Nakakatuwa talaga ung mga ktrabaho ko, kung anu-ano ang mga pakulo na alam. Pero na-appreciate ko rin naman ito kahit papano. 

Nagulat lang talaga ako sa ginawa nila lalo na sa ginawa ni Miko sakin. Hindi ko alam na gusto niya pala ako, napagkamalan ko pa nga siyang manlilugaw ni Jaja pero never pumasok sa isip ko na sakin siya may gusto. Kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Miko, wala ng iba pa kundi yun lang. Alangan naman bustedin ko siya ngayon sa harap ng maraming tao? Baka namana kamuhian ako nung tao. Balita ko pa man din na siya ang may pakana sa lahat ng to eh. Sa sobrang gulat ko sa mga sinabi niya ay hindi na ko nakapagsalita pa.

SONG TITLE: Love Team ---------------------------------------------------->>>>>>>

Nagtaka pa ko nung kinuha niya yung guitara niya at tumayo muli sa harap ko. Tulad ng favor namin ni Jaja sa kanya nung huli na tumugtog siya ng guitara, yun ang ginawa niya ngayon. Sa mismong birthday ko, sa harapan ko, kinakantahan ako ng isang lalaki. At sa mga lyrics nang kinakanta niya, tugmang-tugma ito sa sitwasyon naming dalawa. 

Para akong nananaginip. Hindi ko alam kung totoo nga ba talaga to o panaginip lang. Napapangiti na lang ako kay Miko, hindi ko alam na maganda pala ang boses niya at ganun siya kagaling na mag-guitara. Ayoko naman na maging bitter sa kanya, kaibigan ko parin naman siya eh. At after nito, alam kong magiging awkward para saming dalawa. Habang kumakanta siya, madaming pumapasok sa isip ko na mga bagay-bagay. Nang bigla siyang magsalita.

"Mia, baka gusto mo namang magsalita. Kanina ka pa nakatingin sakin eh."

"Ha? Eh anong namang sasabihin ko?

"Kahit ano. Thank you or whatever? Haha. Mia, hindi naman kita minamadali eh. Hindi ko naman sinabing sagutin mo ko agad, kaya ko pa namang maghintay eh. Kahit gano katagal, manliligaw pa naman ako sayo eh. Wag ka mag-alala. Pati Mama mo, liligawan ko."

Nagulat ako sa sinabi niya. May onting kilig ako na naramdaman. Natatawa na lang ako sa nangyayari. Wala kasi akong ibang masabi eh. Sa sobrang dami ng nangyari ngayong araw, hindi ko na alam kung pano pa ang gagawin lalo na't nagtapat pa sakin si Miko.

"Ahh ehh, unang-una sa lahat thank you sa inyo dahil sa surprise niyo para sakin. Na-appreciate ko to ng sobra pati na rin sayo Miko. Thank you sa lahat, sa effort mo sa pagkanta.. basta sa lahat. I'm so speechless." yun na lang ang tangi kong nasabi, pagkatapos nun ay naupo na ko. 

Madaling natapos ang party. Gusto ko na rin umuwi, medyo nahihiya na ko kay Miko at sa iba ko pang mga ktrabaho. Kaya nung nagpaalam na ko sa kanila na uuwi na ko, nagprisinta naman si Miko na ihatid na ko. Nung una ayoko sana pero pinilit niya ko. Hindi ko kasama si Jaja, nagpaiwan siya para daw magligpit ng mga kalat. 

Habang nasa sasakyan, masyado kaming tahimik ni Miko hanggang sa makarating na sa bahay. Pababa na ko ng sasakyan pero bumaba rin si Miko. Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing..

"Mia, sana after nitong gabing to, wag kang lalayo sakin. Wag mo sana akong iwasan, wag sana maging awkward ung trato natin sa isa't-isa."

Inalis ko ang mga kamay ni Miko sa kamay ko. 

"Oo naman. Magkaibigan parin naman tayo eh. Thank you nga pala sa paghatid ah pati dun sa surprise ngayong araw. Sige na, uwi ka na."

"Sige, happy birthday ulit Mia. Sana naging masaya ka ngayon. Good night."

Binuksan ko na ang gate at pumasok na ko. Hinintay ko lang na makasakay na si Miko sa sasakyan at pumasok na rin ako sa loob ng bahay. Masyadong madaming nangyari. Mix emotions ang nararamdaman ko ngayon. Pano na bukas? Pano ko haharapin si Miko? Ano? normal lang ba o what? Hay nako. Mababaliw na talaga ako.

Ang Babaeng NBSB (No Boyfriend Since Break-up!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon