Elli's POV
Nang ilagay na sa akin yung aparato ay dumilim ang paligid ng sumilay ang liwanag ay may isang bata ang tumatakbo palapit sa akin.
Ate Elli... ate
Calli??? P--pa--paanong??
Masaganang luha ang nanalaytay sa mukha ko. Hindi mahinto ang paglandas ng mga luha ko sa pisngi ko hanggang sa makalapit siya sa akin at niyakap niya ako.
Calli.. Calli buhay ka... Patawarin mo si ate. Calli kapatid kooo.
Ate Elli
Biglang sumalakay ang kaba sa aking dibdib ng ibang boses ang lumabas sa kanyang bibig napabitaw ako sa yakap sa sobrang gulat koat unti unti akong napapaatras habang nakaupo sa sahig.
Hindi.. hindi ikaw si Calli!! Hindi ikaw ang kapatid ko!! Ibalik mo siya!!!
Hahahahah
Nakakatakot na tawa ang pinakawalan niya na naadagdagan lang sa kabang nararamdaman ko.
Tama ka hindi ako ang kapatid mo. Matagal na siyang patay hindi ba? Matagal mo na siyang pinatay!!
Hindi.. Hindi totoo yan!!!
Hahaha Nakalimutan mo na ba ang nangyari? 10 years ago nung gabing malakas ang ulan at wala ang inyong mga magulang??
Tumahimik ka tumahimik kaaaa
Nilagay ko sa magkabilang tenga ang aking nanginginig na mga kamay upang takpan ito pero wala ding silbi. Nagbalik sa alaala ko ang pilit ko ng binabaon sa nakaraan.
Ate Elli
Oh Calli Bakit?
Wala pa po sina Ina at Ama. Tara ate Elli laro muna tayo.
Ha? ehh umuulan eee
Ate talaga syempre dito lang tayo sa loob.
Sige na nga ano ba ag gusto mo laruin calli?
Ahmmmm ipakita mo nalang yung tinuro sa iyo ni ama nung nakaraan ate.
Ha? eh hindi pa ko bihasa gawin yun ee delekado.
Ano ka ba ate Elli ang galing galing mo kaya kayang kaya mo yun.
Nag aalangang tingin ang iginawad ko sa aking nakababatang kapatid pero ng makita ko ang kagustuhan sa mata niya na makita ang teknik na tinuro sa akin ni ama nung nakaraan ay pinagbigyan ko ang kahilingan ng aking kapatid.
Sige na nga dun ka muna sa tabi.
Masaya namang sumunod sa akin si Calli at isinisigaw pa niya ang pangalan ko na parang binibigyan ako ng lakas loob.
Go ate Elli
Pumikit ang batang Elli at pag dilat niya ay may mga patalim na nakalutang sa ere at nakapalibot sa kanya. Nasa sampu ang patalim na nakalutang sa ere sa bawat galaw ng kamay niya ay sumusunod ang mga patalim. Para siyang nag sasayaw pati na ang mga patalim.
Elli/Elizabeth!!!
Magkasabay na tawag ng kanyang ina at ama kaya sa sobra niyang pag kabigla ay nawala siya sa konsentrasyon at di niya namalayan na patungo na ang isang patalim sa lanyang kapatid na si Calli.
Atee..
Calliii
Umalingaw ngaw ang sigaw nila ng makita ang kalagayan ni Calli at patakbong lumapit si Elli a kapatid
Calli I'm sorry
Atee
Hinawakan ng maliit na kamay ni Calli ang pisngi ng kapatid at ngumiti ito. Nang biglang bumagsak ang kamay niya na senyales na wala na itong buhay
No calli wake up please
Ano ate Elli?, naalala mo na ba kung paano mo ako pinatay?
No... no... Calli I---m Im so-sorry hindi ko s-- sinasadya. Ma- mahal na mahal ka ni a-ate.
Mahal? mahal mo ko? pero pinatay mo ko!!!!
Ate Elli wag ka makikinig sa kanya
Calli??
Mahal kita ate...
Calli?? Calli!?
Pero kahit anong tawag ko ay hindi na muli ito nag salita sa aking isipan.
Tama!! You're not my Calli!!!
Pinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang Losar sa loob ko sa muling pag dilat ko my mga patalim ng nakapalibot sa akin.
Wala kang karapatan gamitin ang mukha ng kapatid ko!!! Magbabayad ka!!!
Wala kang kwentang kapatid!!
Manahimik ka!!!
Ate Elli Muli mo ba akong papatayin??
Tiningnan ko siya pero hindi na ako muling mag papa apekto sa sinasabi niya.. At Inatake na siya ng mga patalim ko...
Aaahhh
Isang malakas na sigaw ang nangibabaw ng tumama sa kanya ang patalim. Hindi ko mapigilan ang muling maiyak ng makita ko ang mukha niya na nakangiti..
Ate... Mahal kita
Mahal na mahal din kita Calli..
Matapos ko sabihin ang mga katagang yon ay nawalan na ako ng malay.
BINABASA MO ANG
Lost Arc Academy: The Puppeteer
FantasyYou're Special to me but he's more important . He's my better half . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . yet you're my everything