Loise's POV
Narito ako ngayon sa Lost Arc City suot ang isang kapa na gawa sa balat ng isang itim na lobo. Sinigurado ko na natatakpan ang aking mukha upang hindi nila ako makilala. Isang linggo na ang nakakaraan ng matagpuan ko si Lolo Tino sa bayan at sa loob ng isang linggong iyon napag desisyunan ko na mag pakita sa kanila. At ngayon na ang araw na iyon. Ang suot kong kapa ay isang simbolo na mula ako sa lahi ng mga Puppeteer. Kaya oras na nakita ako ng mga taga bayan ay nababalot ng takot ang kanilang mga mata. At nag tatakbuhan palayo sa akin. Meroon pang sumisigaw at humihingi ng tulong.
Isang Phantomhive!!!
Magsitago kayo bilisan nyo!!
Tumawag kayo ng mga kawal!!
Si Lady Perril !! Tawagin niyo si Lady Perril!! May lumabas na traydor!!!!!
Lalo kong naramdaman ang galit na matagal kong tinago sa aking puso kaya napakuyom ang aking mga kamay! Sa aking pag lalakad ay may isang bata na umiiyak at tinatawag ang kanyang ina lalapitan ko na sana ito ng may biglang sumigaw sa aking harapan.
Waaaah Inaaaa
Layuan mo ang bata!
Napangisi ako ng makita ko kung sino ang sumigaw isang kawal. Ang mga tuta na walang alam!
Inuulit ko! Layuan mo ang bata!
Bakit? wala naman akong ginagawa sa kanya ah?
Iniba ko ang timbre ng boses ko upang mahirapan sila na makilala ito.
Isa kang hamak na kriminal! Isa ka sa mga traydor sa lahi ng Phantomhive. Pinatay nyo ng mga kasama mong traydor ang mga kalahi nyo na kumalaban sa inyo!
A traitor ehh?hahhaha
Nababaliw ka na! sumuko ka na habang maaga pa! At ituro mo kung nasaan ang iba mong kasama!
Elli's POV
Narito kami ngayon sa may fountain malapit sa tarangkahan ng L.A.A ng marinig namin ang usapan ng mga mag babantay na nagkakagulo sa bayan dahil may namataan na isang Phantomhive. Oras na narinig ito ni Pierre ay nagmadali agad itong tumakbo kaya sumunod kaming lahat.
Anong kailangan nila at lumabas silang muli?! Hindi ko hahayaan na may muling bawian ng buhay dahil sa kasamaan nila!!!!-Pierre
Nang makarating kami sa bayan ay naroon na din ang mga kawal ang babaing nakasuot ng isang kapa na gawa sa balat ng lobo.
Isa kang hamak na kriminal! Isa ka sa traydor sa lahi ng Phantomhive. Pinatay nyo ng mga kasama mong traydor ang mga kalahi nyo na kumalaban sa inyo!
A traitor ehh?? hahahah
Nababaliw ka na sumuko ka na habang maaga pa! At ituro mo kung nasaan iba mo pang kasama!
Ha! You guys really makes me laugh. hahah
Ikaw! Pag babayaran mo ang giniwa niyo sa lahi ng Phantomhive!!
Napatingin ako kay Pierre ng mag salita ito at mababakas sa kanyang mga mata ang galit. Ng biglang umilaw ito at may mga guhit ng lumabas sa tinatapak nito. Ng biglang may lumabas na isang mabangis na leon.
Raaaaawr
Umalulong ang malakas nitong ungol na nakapag patindig sa aking mga balahibo napakapit naman sa aking braso si Yuna na mababakas ang takot. Hindi namin kasam si Haru at Riel dahil mas pinili nilang dalawa ang mag ensayo.
Elli-chii
Ssshhhh wag ka matakot hindi ka kakagatin niyan.
Ohhhh Hiii there you're here. it's nice to see you.
Nakita ko ang pag silay ng isang ngiti sa babae. Ang tanging makikita lang sa kanyang mukha ay ang kanyang mga labi kaya hindi namin siya makilala.
Sabihin mo nasaan ang mga kasama mong traydor!?-Rigel
Tsk tsk tsk parang kota na ang tenga ko sa salitang traydor.
Sabihin mo anong balak mo at muli kayong lumabas sa tinataguan nyo -Levi
Hmmm..... Bakit? Isa lang naman ang dahilan eh.
Ano yun?-alex
Gusto nyo ba talaga malaman?
Muli ay sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi
Hindi kami nakikipaglokohan sa iyo!-Pierre
Sagutin mo kami !-Night
Ang balak ko? hmmmm let me see .. Ah! may gusto akong bawiin.
Bawiin?
Sabay sabay naming sabi sa kanya at isang tango na may kasamang ngiti ang sagot nya sa amin.
Wala kanang babawiin dahil una sa lahat kayo ang my kinuha! Kinuha nyo ang buhay ng mga kalahi nyo!-Levi
Nais kong bawiin ang isang napaka halagang tao!
Biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at napalitan ito ng galit!
Sino siya? Hindi ka namin hahayaan na makuha siya!-Rigel
Matapos sabihin iyon ni Rigel ay napatingin ang babae kay Pierre mahahalata ang kilos na iyon dahil sa pag galaw ng kanyamg ulo.
Siya...
Matapo niyon ay tinuro niya si Pierre
Anong ibig mong sabihin? Balak mo din akong patayin tulad ng ginawa mo sa aking ama? -Pierre
Galit na sigaw ni Pierre
Sa iyong ama? Bakit sino ba ang iyong ama?
Wag mo akong pinagloloko!
Bakit siya ba talaga ang iyong ama? Ha kapatid ko
Nagulat ako sa sinabi ng babae pag tingin ko sa mga kasama ko ay maging sila ay nagulat sa sinabi ng babae . Lalong lalo na si Pierre sa mahahalata mo ang pag kalito.
Sinungaling ka! Pierre wag ka maniniwala sa kanya. Binibilog ka lang niya!-Night
Alam na alam ko ang sinasabi ko. Hindi ba kuya Louise?
Pierre's POV
Alam na alam ko ang sinasabi ko. Hindi ba kuya Louise?
Alam na alam ko ang sinasabi ko. Hindi ba kuya Louise?
Alam na alam ko ang sinasabi ko. Hindi ba kuya Louise?
Alam na alam ko ang sinasabi ko.
Hindi ba kuya Louise?Nag paulit ulit ang kanyang huling sinabi sa aking isipan. Hindi ko napansin na may nabanggit na akong isang pangala na maging dahilan ng pagtingin sa akin ng mga kasama ko.
Loise.
Kuya
Biglang may pumasok na alala ko. Yung batang babae at batang lalaki na palagi kong napapanaginipan. Tinatawag ng tumatawang batang babae ang batang lalaki pero gaya padin ng dati ay malabo pa din ang mga mukha nila.
Hindi... Hindiii maari!
Sigaw ko sa kanya
Masakit malaman na hindi ka naniniwala sa akin kapatid ko.
Nabigla ako sa naging sagot niya. Mababakas ang pait sa boses niya sa naging sakit ko.
Pero alam ko sa tamang panahon magkakasama tayong muli. Paalam kapatid ko.
Hindi ka namin hahayaang makatakas!-Kawal
Nang akmangnsusugudin siya ng mga kawal ay bigla itong naglaho.
Hanapin niyo siya. Hindi siya maaaring makatakas!!!!!!
Hindi ko na namalayan na nakabalik na kami sa akademya sa lalim ng isiisip ko.
BINABASA MO ANG
Lost Arc Academy: The Puppeteer
FantasíaYou're Special to me but he's more important . He's my better half . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . yet you're my everything