Chapter 11.3: Leveling

13 2 0
                                    

Haru's POV

Narito ako ngayon sa isang madilim na lugar.

Haru-chii

Napalingon ako sa likod ng may tumawag sa akin

Yuna? anong ginagawa mo rito

Haru-chii sumama ka sa akin.

Ha? saan??

Tara sumama ka.

Hinila ako ni Yuna kung saan. Parang may kakaiba sa kanya pero hindi ko nalang pinansin.

Haru-chi

Nakarating kami dito sa lugar na maraming salamin. Pag tingin ko naman kay Yuna ay wala na siya sa aking tabi at ng ilibot ko ang aking mga mata ay nakita ko ang repleksyon niys sa lahat ng salamin.

Haru-chii

Parang nag eecho ang boses niya pag nag sasalita siya. Nginitian niya ako at nag simula na Kumanta.

Deai ni iro wa nakute
monokoro fukinukero
itami goto kimi yudaremashou

Sa bawat linya ng kanta ay nanghihina ako

Ahhh Yuna tama na!!!!

Kizu ato tsuyoko nazou
yousha nai aki ga kite
suzushii yuubi temaneku mama ni

Unti unti ng nanlalabo ang aling mga mata dahil sa epekto ng boses niya. Ramdam ko na din ang dugo na lumalabas sa ilong ko. Maging ang mga tuhod ko ay nanghihina na at hindi ko na kayang itayo pa.

Toketa ato no yakkai nankoori
mitai na watashi wo
yasashiku sukette
uwakuchibiru de asobu

Haru-chii lumaban ka

Yuna?

Hinanap ko ang Yuna na nagsasalita pero hindi ko ito makita.

Lumaban ka Haru-chi

Pero hindi kita kayang saktan .

Biglang lumabas ang imahe ni Yuna na nakangiti sa isip ko at ng mawala ito ay hindi na muli ako kinausap

Sore demo hitotsu no ai katachi wo sagasu
tooku yori mo ima wo masunda
kareta hitomi wa
dekiraba kono mama
tsutsumarete owaritai
Futari de himeta awa hada
tsuki mo kakureteru.

Malapit nang matapos ni Yuna ang kanyang awitin pinilit kong makatayo at inipon ko ang natitira kong lakas at nag palabas ng isang ipo ipo.

Hindi ikaw si Yuna! Hindi kayang manakit ng kaibigan ang Yuna na kilala ko!!!

Haru-chii ako si Yuna. Ako ang best friend mo.

Hindi ko siya pinakinggan at hinayaan ko ang ipo ipo na basagin ang lahat ng salamin at sabay noon ang pag bigay ng tuluyan ng katawan ko.

Riel's POV

Narito ako ngayon sa bahay namin sa may paanan ng bundok. Hindi ko mapigilan na alalahanin ang nakaraan ko malungkot man at masaya. Hindi ko maiwasang mabuhay muli ang galit sa puso ko ng tuluyan na ko pumasok sa loob. Nag balik ang lahat ng nangyari ilang taon na ang nakakaraan kung paano niya pinatay ang mga magulang ko.  Natigilan ako sa pag babaliktanaw ng may lumabas galing sa kusina.

O nariyan ka na pala. Halika kakain na.

Nakangiting salubong sa akin ng isang babae. Hindi ko namalayan ang pag patak ng aking mga luha. Ang mga ngiti niya na matagal ko ng pinangulilaan at lalong tumindi ang emosyon ko ng may isa pang lalaki ang lumabas galing din sa kusina.

Ina ama

Yayakapin ko na sana sila ng nag salita si ama wala na ang bakas ng ngiti na kanina lang ay nakapaskil sa kanyang mga labi napalitan ito ng nanlilisik niyang mata.

Dahil sayo namatay kami. Pinabayaan mo kami.

Hindi totoo yan.

Inatake ako ni ama gamit ang paborito niyang kutsilyo na kelan man ay hindi ko naisip na gagamitin niya laban sa akin. Muntik niya na ako matamaan buti nalang nakailag ako. Pero kahit ganoon ay nadaplisan niya pa rin ako sa pisngi ko kaya dumugo ito. Hindi pa man ako nakakabawi ay inatake naman ako ni Ina ng isa niyang paa.

Ina. Ama ako ito ang anak niyo.

Wala kaming anak na katulad mo!-ama

Mamatay ka na!-ina

Dahil sa sinabi nila ay natigilan ako kaya hindi ko naiwasan ang atake na papalapit sa akin tumilapon ako sa labas ng bahay at tumama an aking likod sa puno sa lakas ng pag kakatama ko sa puno ay natumba ito. Ramdam ko ang sakit ng aking katawan pero wala pa din hihigit sa sakit na nararamdaman ko sa loob ko. Naalala ko ang mga panahong kasama ko pa sila.

Hi princess mahal na mahal ka ni Ina palagi mo yan tatandaan ha.

Opo ina mahal na mahal ko din po kayo Ina.

Ako princess mahal mo din ba si Ama?

Opo naman Ama mahal na mahal ko po kayo ni Ina

Mahal na mahal din kita PRiel

Tama mahal ako ni Ina at Ama hindi nila ako kayang saktan kung sino man ang sumira sa imahe nila ay hinding hindi ko mapapatawad. Muling sumugod sa akin si ama pero tumalon ako ng mataas hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya ng umatake ako galing sa likod niya ay hindi niya naiwasan sanhi ng pag tilapon niya.

Wala kang kwentang anak! sinaktan mo ang ama mo!!!

Sumugod siya sa akin pero mabilis ko lang din siya naiwasan.

Hindi kayo ang magulang ko. Pag babayarin ko kayo sa kalapastanganan niyo!!

Sisipain  sana ako ni ama mula sa likod pero yumuko ako kaya si ina ang tinamaan niya at tumilapon ito. Lalong nagalit si ama dahil sa nangyari . Lalong bumilis ang mga galaw niya ng sasaksakin niya na ako ay inunahan ko na siya at sinaksan gamit ang aking patalim.

Hayop ka! Anong ginawa mo sa ama mo!!

Nang susugudin niya na sana ako ay sumugod na din ako at sinaksak siya sa may puso.

Patawad Ina.

Nakaramdam ako ng sakit sa aking tagiliran pag tingin ko dito ay may kutsilyo nang nakatarak kaya mas diniinan ko ang pagkakasaksak ng kutsilyo ko sa puso ni ina at tuluyan ng bumagsak ang katawan niya sa lupa. Unti unti na ding bumibigay ang katawan ko dahil sa lason ng patalim ni Ina.

Lost Arc Academy: The PuppeteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon