Someone's POV
Hindi. Hindi to maari ! Paanong buhay pa siya? Sigurado ba kayo na si Priel ang babaeng yon?
Nag pakilala po siya bilang Loise Madame at tinawag niyang kapatid si Master Pierre.
Humanda siya sa akin! sisiguraduhin ko na walang ibang makaka alam sa katotohanan! At sisiguraduhin ko din na mahahanap ko ang bangkay ng kanyang mga magulang at gagawin ko silang alipin ko!
Pierre's POV
Nandito ako ngayon sa paborito kong lugar sa may gubat. Ramdam ko na may taong nag mamasid sa akin pero hindi ko nalang pinansin gusto kong mapag isa at makapag isip ng tama. Naguguluhan ako sino ba talaga ang babaeng yon? Sino ba talaga ako. Totoo ba ang mga sinabi niya? Kung may kapatid ako bakit kailangan pang itago iyon ni Ina sa akin?
Tumalon ako mula sa itaas ng puno dahil napag desisyunan ko na pumunta kay Ina upang malinawan kung ano ba talaga ang totoo.
Saan ang tungo mo?
Napatigil ako sa aking paghakbang nang magsalita ang taong kanina pa nakamasid sa akin
Akala ko ay mag tatago ka nalang jan buti naisipan mong lumabas at mag pakita.-pierre
Sapat na sa akin na alam mong nandito lang ako malapit sayo ayokong magulo ka sa pag iisip mo.
Napangiti ako sa kanyang tinuran at nawala panandalian sa aking isipan ang mga nangyari nitong nakaraan.
Maraming salamat Riel. Kumusta ka na nga pala . Mabuti na ba ang iyong pakiramdam?
Oo magaling mag alaga ang mga taga Healing house kaya mabilis bumuti ang aking nararamdaman.
Mabuti kung ganon.
Masaya ako sa aking narinig hindi ko alam pero parang gumaan ang aking pakiramdam ngayon at kausap ko siya at lalo na ng malaman ko na maayos na ang lagay niya. Sana pala kanina ko pa siya kinausap para naramdaman ko na ito ng mas maaga.
Narinig ko nga pala ang nangyari noong nakaraan.
Naputol ang pag iisip ko sa sinabi niya. Bakas sa mukha niya na nag aalangan siya sa sinabi niya.
Okay ka lang ba Pierre? Kung hindi alam mo naman na nandito lang ako kung kinakailangan mo ng makakausap diba? Hindi mo na kailangan pang problemahin ang lahat ng nag iisa . Nandito ako. Nandito kami ng Alpha
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya. At napangiti malang ako ng suklian niya ng yakap ang mga yakap ko. Lalong gumaan ang pakiramdam ko sa mga yakap niya. Nakaramdam ako ng kalinga na hindi ko naramdaman. Dahil ni minsan ay hindi ko naranasan na yakapin ni Ina. Matapos ang ilang segundo ay kusa na akong bumitaw mula sa pag kakayakap ko sa kanya.
Saan nga pala ang tungo mo?
Pupuntahan ko si Ina . Tara samahan mo ako.
Riel's POV
Saan nga pala ang tungo mo?
Pupuntahan ko si Ina. Tara samahan mo ako.
Hindi na ako nakatutol pa ng bigla niya akong hinila. Habang pinag mamasdan ko siya kanina ay kapansin pansin ang malalim niyang pag iisip. Wala siyang paki alam sa paligid niya. Siguro ay alam niya na nasa paligid lamang ako pero hindi na niya pinansin. At mas pinag tuunan ng pansin ang mga pangyayaring naganap.
Hindi ko napansin na narito na kami sa kanilang tahanan. Sumalubong sa amin ang isa sa kanilang tauhan.
Master Pierre Mabuti at nagtungo kayo dito pina pasundo po kayo Ni madame Perril.
Nasaan si Ina?
Nasa may garden po puntahan niyo nalang siya doon at hinihintay niya talaga kayo Master Pierre.
Hindi na pinansin ni Pierre ang tauhan na sumalubong sa amin at nag deretso na sa isang pasilyo. Sa dulo nito ay naroon ang hardin ng kanilang tahanan . Napahanga ako sa ganda ng kanilang hardin. Naalala ko ang mga alagang bulaklak ni ina. Ng maalala ko kung sino ang nakatira dito ay napakuyom ako ng aking kamao. Natigil lang ang aking pag iisip ng biglang may nag salita sa isang tabi.
Narito ka na pala. At sino iyang kasama mo?-perril
Ina
Nagbigay galang si Pierre sa kanyang ina pero ako ay nakatayo at nakatingin lang sa kanya
Siya si Riel Sebastian kasamahan ko sa Alpha.
Narinig ko nga na may mga nadagdag sa inyo sa pagiging Alpha.
Bumaling sa akin ang kanyang paningin at parang akoy kanyang sinusuri
Binabati kita at nakapasa ka sa pag subok bilang Alpha
Tango lang ang aking naging tugon sa kanyang tinuran. at muli niyang binaling ang atensyon kay Pierre
Mabuti at naparito ka ipapatawag pa sana kita sa isa nating tauhan. Nabalitaan ko ang nangyari sa bayan noong nakaraan.
Nagtungo ako dito dahil sa bagay na iyan Ina. Sino ba talaga ang babaeng yon?Bakit niya sinabi na kapatid ko siya?
Ayoko sanang malaman mo ito pero totoo ang kanyang tinuran sayo.
Ano ang ibig mong sabihin ina?
Kapatid mo siya pero hindi mo siya tunay na kadugo.
Ano po bang sinasabi mo ina?
Napulot siya ng iyong ama noong gabi na pinanganak kita kaya pinalabas namin na kambal kayo na anak namin.
Pero hindi namin alam na plinano lang pala lahat iyon ng aking kapatid ginamit nila si Loise upang gawing kasangkapan upang pag traydoran ang lahi.Ibig sabihin...
Oo Pierre Kakampi siya ng mga taksil at isa sa pumatay sa iyong ama...
Kita ko ang reaksyon na nagmumula sa mga mata ni Pierre. Halo halong emosyon pero mas nangingibabaw ang sakit.
Pero sa aking mga narinig ay hindi ko mapigilan ang pag siklab ng mas matinding galit dahil sa mga kasinungalingan na kanyang mga sinabi!!!
BINABASA MO ANG
Lost Arc Academy: The Puppeteer
FantasiYou're Special to me but he's more important . He's my better half . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . yet you're my everything