Chapter 12

14 2 0
                                    

Pierre's POV

Hindi ko maiwasan ang hindi mag alala kay Riel bakas sa kanyang mukha ang mga luha na pumapatak mula sa maganda niyang mata. Sa leveling na ito ay nasusubukan ang tibay ng loob at ang lakas ng isang arcian.  Ang mga taong malaki ang parte sa buhay ng sasailalim ng pag subok ang makakaharap nila. Dito masusubok ang kahandaan nilang talunin at patayin ang mga tao mahalaga sa kanila. Kung makakayanan nila itong gawin ay magiging mataas ang kanilang magiging level. Ngunit kung hindi nila ito magagawa ay nasa Clover pa din sila o kaya naman ay sa Phoenix. Kung magagawa nilang matalo at mapatay ang makakaharap nila ay may pag asa sila na mapunta sa Alpha pero bibihira iyon mangyari ang pag subok naman para sa supreme ay mas mahirap. Ginawa ang pag subok na ito para maihanda ang kalooban ng bawat isa sa pakikipaglaban kapag may mga nagtraydor sa kanilang mga kalahi. Madali namin ito mahaharap.

Naalala ko ang pagsubok na pinag daanan ko sa leveling . Hindi ko alam kung bakit sila ang lumabas sa pag subok na iyon . Sila ang nasa panaginip ko  at tinatawag nila akong anak. Nang oras na nakita ko sila ay hindi ko malaman ang aking nararamdam parang gusto ko silang yakapin pero sigurado ako na hindi ko sila kilala noon kp lang sila nakita. Naisip ko nalang na nagkaroon ng problema sa aparato na ginagamit ko kaya ganito ang nangyayari. Ng makalabas ay hindi kona ito binanggit sa iba lalo na sa aking ina dahil may nag uudyok sa akin na ilihim ito.  Pero nitong mga nakaraan ay malimit ko silang napapanaginipan kaya binabagabag akong muli nito.

Bumalik ang aking isipan sa kasalukuyan ng makita kong wala na si Riel sa pwesto niya . Sigurado akong nateleport na ito sa healing room . Natapos na niya ang pag subok at ng tingnan ko kung anong level niya ay hindi ko maiwasang hindi matuwa.
Riel Sebastian Alpha 74

Level 74? She's pretty strong
Narinig kong bulong ni Rigel at ng lingunin ko siya ay nahagip ng mata ko si Alexander na nakangiti. Hindi ko maiwasan na hindi maalala ang nasaksihan ko noong nakaraan.

Tingnan nyo oh may apat na nakapasok bilang Alpha.-Levi

Mga dude hindi nalang kayo ang makakasama ko-Night

Napatingin ako sa screen  apat nga sila . apat sila na naka abot sa level 70, ang level ng mga Alpha.

Ellizabeth Scarlet Alpha 72
Yuna Song Alpha 72
Haru Caster Alpha 73..

Napangiti nalang ako sila ang mga kaibigan ni Riel . Tatayo na sana ako para puntahan si Riel sa healing room ng nag kasabay kami ni Alexander sa pag tayo laya nagkatinginan kami.

Hey where are two going?-Rigel

Healing room

Sabay naming sabi ni Alexander kaya sinamaan ko siya ng tingin at ganoon din siya sa akin.

Teka mga dude may mga sugat ba kayo?

Tanga may nakita ka bang mga sugat sa kanila?-Levi

Makatanga naman to. E bakit sila pupuntang healing room.-Night

It's none of your business. -Alexander

Hindianlang inalis ni Alexander ang masamang tingin niya sa akin kaya ganoon din ako sa kanya.

Titingnan ko si Riel
Sagot ko sa kanilang tanong kaya lalong tumalim ang tingin ni Alexander sa akin.

And why would you do that?-Alexander

Its none of your business.

Tinalikuran ko na siya . Naramdaman ko na sumunod sila sa akin . Nang makarating kami sa healing room ay nakita kong natutulog si Riel kasama ang kaniyang mga kaibigan. At tuluyan na akong nakahinga ng maluwag ng makita ko na ayos lamang siya.

Alexander's POV

Hindi ko mapigilan ang mag init amg aking ulo dahil kay Pierre kahit kaibigan ko siya ay hindi ako makakapayag na makalamang siya sa akin kay Riel.  Nang makita ko ang maaliwalas at mahimbing na natutulpg si Riel dito sa healing room ay gumaan ang aking pakiramdam . Sa tuwing nakikita ko ang maamo niyang mukha ay gumagaan ang pakiramdam ko lalo na pag naririnig ko ang mga tawa niya na napakasarap sa pandinig ko.

Makabawi ka lang ng lakas Riel ay mag tatapat na ako sa iyo ng nararamdaman ko hindi ko hahayaan na mauna pa siya.

Haru's POV

Nagulat ako sa oras na minulat ko ang aking mga mata ay narito lahat ng alpha . Ginala ko ang aking mga mata tulog pa ang aking mga kasama. Sinuri ko ng maigi si Yuna kung may malala ba itong nakuhang tama nakahinga nalang ako na mabuti ang lagay nito. Muling nabaling ang atensyon ko sa mga alpha. Napansin ko na parehong nakatitig sa natutulog na Riel sina Alpha Pierre at Alpha Alexander mababakas sa mga mata nila ang kasiyahan. Siguro dahil nakikita nila na maayos ang lagay ni Riel. Naalala ko ang pag subok na pinag daanan ko at muling nabaling ang mata ko sa natutulog na si Yuna hindi ko hahayaan na maging ganoon ang Yuna na kilala ko. Naputol ang pag iisip ko ng biglang sumigaw si Riel at nilapitan ito ng isang healer.

Ina ! Ama!!!
Ina Amaaaa

May ginawa kay Riel ang healer at kumalma ito at muling nakatulog

Anong nangyari sa kanya?

Tanong ko sa kanila at nabaling ang atensyon nila sa akin

Gising ka na. Kumusta okay ka lang ba?Rigel

Nakangiting bati sa akin ni Alpha Rigel

Okay lang naman ma ako wala na akong sakit ma nararamdaman

Mabuti naman kung ganoon.

Muli itong ngumiti laya sumilay ang dalawang malalim na biloy niya nakapag padagdag sa angking kagwapuhan.. Napailing ako sa aking isipan dahil sa aking mga naiisip

Ano palang nangyari kay Riel?

Ah minsan hindi talaga naiiwasan ang mga ganoong pangyayari dahil sa leveling na nangyari.

Kaya pala.

Perp magiging okay din ang lagay niya wag ka mag alala.

Hindi ko na sinagot ang huli niyang sinabi at nag isip nalang akong muli. Ano ang pinag daanan ni Yuna?

Nga pala congratz-Rigel

Bakit para saan?

For your Leveling result.

Bakit? ano ang resulta???

Youre now an Alpha. Four of you are now an alpha.

Nakangiti niyang sabi sa akin. Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako sa kanyang binalita sa akin.

Ang ganda mo lalo na sa sting ngumingiti ka.

Hindi ko naiwasan na hindi pamulahan ng aking pisngi dahil sa kanyang tinuran

Lost Arc Academy: The PuppeteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon