In life, we are given choices.. and its your decision that makes your choice worth it.
Pearl's POV
Katatapos lang ng General Meeting ng College, habang naglalakad sa daan nagtatawanan at nagkukwentuhan kami ni Jaz ng biglang sumabay sa amin si Passion.
"Hey" sabi ni Passion
"Hi" sabi ko naman at ngumiti lang si Jaz.
'Pauwi na din kayo? Pwedeng sumabay? tanong ni Passion.
Ano kaya nakain nito at bigla nalang sumulpot at bigla nalang sumabay sa amin?
"Okay lang, di naman namin pag-aari ang daan" pabirong sabi ni Jaz. "Sana nga habang buhay kanang sumabay sa takbo ng buhay ko" pabulong kong sabi.
"Ano yun?" tanong sa akin ni Passion.
"A e, wala sabi ko matagal na kitang gusto" di ko alam kung san ko hinugot yun pero bigla ako nahiya. E syempre nakakahiya kaya, kababae kong tao umaamin ako sa lalake hay.
"Ayiiiiiiiiie!" tudyo ni Jaz.
Malapit na pala kami sa bahay nila Jaz kaya nagpaalam na siyang mauuna kaya eto dalawa lang kaming magkasama ni Passion.
"San ka ba umuuwi? Hatid na kita? alok niya sa akin sabay hawak sa kamay ko. Para akong nakukuryente, gusto ko bumitaw sa pagkakahawak niya subalit di ko magawa. "Hey, okay ka lang?" tanong niya dahil natahimik pala ako at di nakasagot e kasi nga nagmumuni muni ako at nalilito sa nararamdaman ko.
"H-ha? A okay lang ako, wag mo na ko ihatid, jan nalang sa sakayan" nasabi ko nalang.
Nasa may gilid na kami ng kalsada at naghihintay ng sasakyan ng biglang sumeryoso ang kanyang boses at tinanong niya ako. "Pearl, gusto mo ba talaga ako?" sabi niya.
Hindi ako makapagsalita, napipipi ako at nahihiya pero napatango nalang ako sa tanong niya.
"Tayo na ha?" sabi niya. Ha? Ano? Kami na?
Nakauwi na ako ng bahay subalit hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala, seryoso ba talaga siya? Hindi man lang ba siya manliligaw? Ang bilis naman yata saka hindi ako easy to get nu! Pero bakit ganun, bakit di ako makapagsalita kanina at umapila ng gusto kong iapila. Ha? Apila? Umapila ako sa barangay hahahaha. Bahala na, total gusto ko naman siya e, sa wakas! Akin na siya HAHAHAHAHA!
BINABASA MO ANG
The Consequence
Teen FictionWe are free to choose our paths, but we can't choose the consequences that come with them. Author’s Note: This is a work of fiction. Any characters or events in the story are only products of the author’s imagination. Any resemblance to an actual in...