The Consequence

80 2 0
                                    

Everything changes for a reason. It may be worst for now but sooner or later, you'll appreciate why it happened.

Pearl's POV

Enrollment na, kaso hindi gaya ng dati, maglalakad kami ng mga papeles namin ni Jasmine ngayon dahil magsishift kami sa ibang kurso. Sa paaralan na kami magkikita ni Jasmine para sabay na din kami, usapan kasi namin na parehas kami ng kurso na kukunin para naman madalas magkasama pa rin kami.

Jasmine Dimalanta, bestfriend ko pala siya baka kasi nagtataka kayo kung bakit siya ang una kong nabanggit, una ko siyang nakilala noong unang taon ko sa kolehiyo hanggang sa naging matalik ko na nga siyang kaibigan, masasabi ko na bestfriend ko siya dahil lagi ko siyang kasama, saka lagi siyang andyan ano man ang mangyari.

Papunta na ako sa tambayan naming tindahan, doon kasi kami magkikita ni Jasmine bago pumunta sa kolehiyo ng kursong lilipatan namin. Pagdating ko, andun na siyang naghihintay at halatang nababagot pero sumilay ang kanyang ngiti ng makita na niya akong paparating.

"Jazzzzzzzzzzz! Kamusta bes?" sabi ko sabay beso sa kanya, ngumiti naman eto. "Hoy bes, anong petsa na malulumot na ako rito kakahintay bakit ngayon ka lang? pabirong sabi ni Jaz.

"Sorry na bes, ang hirap ng sakayan sa amin e, sorry na hehe" sabi ko at dumiretso na nga kami sa kolehiyo na aming lilipatan.

Sa wakas natapos din, bahala na sa pasukan kung paano kami makikitungo  sa mga bagong kaklase namin, kung bakit ba naman kasi sa di malamang dahilan bumagsak kami sa dating kurso namin, ginawa naman namin lahat halos magsunog na nga kami ng kilay pero siguro ganun nga talaga, okay na rin yun para maka pagexplore naman kami hehehe

The ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon