Kahit simpleng bagay lang yun, hindi mo masisisi kung bakit ganun yung tao, hindi mo naman alam pinagdadaanan e, aminin man naten o hindi, may mga bagay din na nagiging sensitibo tayo kapag may pinagdadaanan din tayo.
Passion's POV
Kasama ko ngayon si Jaz, andito kami sa tambayan nila. Nagtext si Pearl kung nasaan kami pero sinadya naming wag syang replyan. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin e. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya o kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Tiwala ko kasi sa kanya ang natamaan e. Parang crampled paper lang yan, kahit anu pa gawin mu mahirap ng ibalik sa dati. Yun ang sabi nila pero hindi ko alam, bahala na.
Pearl's POV
Second semester na at kelangan kong makausap si Passion bago pa lumala ang sitwasyon. Papunta na ako ng room ng masalubong ko siya sa hagdan pababa, tapos na siguro ang klase niya. Napatingin ako sa kanya at nginitian niya ako nung makita niya ako magsasalita na sana ako nung malapit na ako sa kanya pero diretso lang siya sa paglalakad. Bakit ganon? Bakit parang umiiwas siya? Bakit parang matamlay siya? May sakit ba siya? Susundan ko pa sana siya pero kelangan ko pa magreport sa klase, kelangan ko siyang makausap.
Tapos na ang klase, tinext ko si Jaz at si Passion kung nasaan sila subalit walang sumasagot. Dumiretso nalang ako tambayan. Pagdating ko doon, nagulat ako dahil andun pareho si Jaz at Passion.
Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni Jaz. "Andito na pala siya e, mabuti pa mag-usap na kayo" sabi niya kay Passion.
'Pearl, net muna ako ha? Ayusin niyo yan" sabi ni Jaz.
Umupo na ako sa binakantehang upuan ni Jaz. "Passion, I'm sorry" mage explain na sana ako ng bigla ako tinignan ng seryoso sa mata ni Passion "Tama na Pearl, its okay, its my fault, masyado kitang minadali, maybe...." hindi na natapos ni Passion ang sasabihin niya dahil bigla nalang tumulo ang luha ko, halatang nataranta siya kaya tinabihan niya ako at pinunas ang luha ko.
"Passion, I love you and I mean it, please dont break up with me" parang mawawalan ako ng lakas. Niyakap ako ni Passion at hinalikan sa noo. "I wont Pearl but next time please be honest with me or I'll be your worst monster ever on your nightmare" seryoso na pabirong sabi ni Passion.
At naiyak na nga ako, hindi ko alam pero sobrang natakot ako, akala ko mawawala na siya sa akin. Kasalukuyan niya akong pinapatahan ng biglang bumalik si Jasmine.
"Hoy lalake, anong ginawa mo jan sa bespren ko, wala namang tinidor bat umiiyak yan? Anong tinusok mo sa mata nyan?"nagtataray na sabi ni Jaz kay Passion.
Natawa naman ako dun at natigil na sa pag-iyak ngunit si Passion halatang parang nagulat sa inasal ni Jaz.
"Adik ka talaga, tamu natakot yata sayo ang baby ko" sabi ko kay Jaz. Natawa nalang si Jaz at nagpaalam na uuwi na.
BINABASA MO ANG
The Consequence
Teen FictionWe are free to choose our paths, but we can't choose the consequences that come with them. Author’s Note: This is a work of fiction. Any characters or events in the story are only products of the author’s imagination. Any resemblance to an actual in...