Cool With You

24 0 0
                                    

Passion's POV

Nasa mall kami ngayon. Wala lang magliliwaliw kasama si Pearl. I hold her hand and I'm holding her right hand, gusto ko lagi lang siyang nasa right ko.

"Bat ba gustong gusto mong nasa right side mo ako?" nagtatakang tanong ni Pearl

"Wala lang, mas safe kasi kapag nasa right kita saka.."

"Saka ano?" tanong niya.

"Para malaman nila na you're the right one for me" sabi ko.

Hinampas niya ako sa braso. "Ang corny mo!" natatawang sabi niya.

"Hindi ah, totoo yung sinabi ko, kasi Im the left guy left only for you" sabi ko pa.

"So last option lang kita ganun? sira ka talaga. Ewan ko sayo" sabi niya. Ang moody talaga nito.

Kakalakad namin napadpad kami sa bilihan ng mga teddy bears, hinila niya ako papasok doon at tumingin tingin siya ng mga stuff toys.

Napansin kong may nagustuhan siya rito, isang violet bunny.

"Pili ka ng isa" sabi ko sa kanya, alam kong gusto niya talaga yun pero kunwari ay wala akong alam na gusto niya yun.

"Bakit?" tanong niya. Nagrason nalang ako para maconvince ko siya na pumili pero ang totoo, ibibigay ko sa kanya yun.

Binayaran ko na sa cashier at lumabas na kami.

"Ang cute, sigurado ako magugustuhan niya yan" sabi ni Pearl.

"Oo, kaya nga kita pinapili dahil alam kong gusto mo e" sabi ko.

"H-ha?" nagtatakang tanong nito.

Inabot ko sa kanya ito. ayaw pa sana niyang abutin pero nagsalita ako.

"Para sayo Pearl" sabi ko, that smile, yung ngiti niyang yan na parang bukang liwayway na napakaganda.

Nasa Park kami ngayon kalapit ng Mall, nakaupo kami sa may grasses then suddenly bigla siyang nagtanong.

"Passion, for you what is love?" tanong niya.

Umunan ako sa lap niya at tumitig sa mga mata niya.

"Love? Well love is you and it started when I met you." sabi ko.

"Che! pinagbobola mo nanaman ako, umayos ka haha" sabi ni Pearl.

"Maayos naman ako ah? Listen. Thank you for catching me when I fell inlove with you. You're the reason of my smiles.

"Oo na, pinapakilig mo lang ako e" nakangiting sabi ni Pearl habang hinahaplos niya mukha ko.

"You know what I hate?" tanong ko.

"Hate? Love yung tanong ko tapos napunta sa hate? O sige? besides sa ayaw mo na hindi ka nasusunod ano pa? Nagger!" pang-aasar nito.

"I hate it when we say goodbye when you need to go home, as much as possible I want you to be by my side pero siyempre alam kong hindi pwede. We've been through ups and downs and I hate it when you get mad, especially when tears fall down from your face cos of me."

"Ang drama mo ah" sabi ni Pearl pero parang maluluha nanaman ito.

"I would do everything I can just to be by your side always and I'll love you everyday like there's no tomorrow anymore." sabi ko.

"Wag naman ganyan, tinatakot mo naman ako e" sabi niya.

Mag gagabi na and nagdecide ako na pumunta muna kami ni Pearl sa may dalampasigan.

Pinagmasdan namin ang mga bituin at buwan.

"Ang ganda ng buwan nu?" sabi ni Pearl.

"Oo, kasing ganda mo" kako.

"Hoy Passion, buong araw ka ng nagpapakatamis madadiabetic na ko sayo hahaha" kinikilig na sabi nito.

Ngumiti naman ako at inakbayan ko siya.

"Pag namimiss mo ako at di tayo magkasama, tumingin ka lang sa buwan parang kasama mo na rin ako" sabi ko pa sa kanya.

"Bakit? Aalis ka? Iiwan mo na ko?" nagtatampong tanong niya.

"San naman ako pupunta? To talaga" sabi ko sakanya.

Yumakap siya sa akin habang akbay ko siya at pinagmasdan ang kalangitan. Natapos ang gabing ito na pareho kaming masaya. Sana ganto nalang kami palagi.

The ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon