Breakdown

13 0 0
                                    

Eyah's POV

Nasa park ako ng college ngayon, wala na rin namang pasok e, dito muna ako. Ayaw ko pang umuwi, wala rin namang madadatnan sa bahay e saka wala din lang mapuntahan. Gusto ko munang mapag-isa.

Lumilipad ang isip ko at nakatingin sa malayo ng may biglang lumapit sa akin at nagsalita.

"Okay ka lang?" si Kuya Passion pala.

"Okay lang po kuya" sagot ko.

Crush ko si Kuya Passion, nakilala ko siya before the pageant, siya kasi yung photographer namin noon saka siya din yung parang nag-assist sa amin at sa mga organizers. Masungit siya pero sabi niya hindi naman, istrikto lang talaga siya, perfectionist siya. Di ko rin alam kung paano ko siya naging crush e pero ang alam ko masaya ako pag nakikita  ko siya.

"Mahipan ka jan" pabirong sabi ni Kuya, andito pala siya sa tabi ko.

"Kuya talaga, wala ka na pong klase?" tanong ko.

"Wala na, e ikaw? Bat nag iisa ka dito?" tanong niya.

Pagkatanong niya nun biglang lumungkot ang mukha ko, naalala ko nanaman kasi yung nangyari.

*Flashback:

Kinabukasan pagkatapos ng search namin naisipan ko na surpresahin yung bf ko sa kabilang college dahil wala naman kaming pasok ngayon. Pagdating ko doon, hindi ko inaasahan yung nakita ko, may kaholding hands syang babae habang naglalakad, nakita niya ako at halatang nagulat. I run away, nasaktan ako sa nakita ko pero hinabol niya ako.

Humingi siya ng tawad at sinabing magpapaliwanag siya, hindi ko na siya pinakinggan and I made a decision that very moment, I broke up with him.

Akala ko kasi sinisiraa8n lang siya ng mga kaibigan niya sa akin sa mga pinagsasabi nila dati na maliban sa akin may iba pa siya. Hindi ako naniwala dahil sinabi niya sa akin na ako lang at wala ng iba. Nagtiwala ako sa kanya, minahal ko siya tapos ano? Sa ganung paraan ko pa siya makikita? Ano pa bang kulang? Ano bang nagawa ko?

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako, inalo ako ni Kuya Passion.

"Ang sakit sakit, hindi pa ba ako sapat?" sabi ko.

"You're more than enough Eyah, tahan na" at niyakap niya ako.

"When you love, there's a 100% chance you'll get hurt. But you love anyway. Because no pain is painful enough to make you stop loving." sabi pa niya.

Naiyak ako lalo sa sinabi niya pero kahit papaano e humupa na yung sakit na naramdaman ko, naiiyak ko na e at swerte ko pa at itong crush ko ang umaalo sa akin at kayakap ko pa.

Pearl's POV

Gaya ng dati andito kami sa tambayan kapag break time. Passion went to buy some snacks and he left his phone and a message pop-out. Binasa ko ito, message galing kay Eyah.

Eyah's message:

Kuya crush, thank you po ha? Ang bait mo po talaga, maswerte magiging girlfriend mo hehe.

What? umatake nanaman pagiging selosa ko sa nabasa ko.

I am a person of complicated thoughts. And what I need is someone who will love me too much to want to understand me and will stay no matter what. Maswerte nga ako kay Passion e kasi kahit ganto ako hindi pa rin niya ako iniwan.

Andito na si Passion, I told him that he has a message. He told me to read it at binasa ko nga sa kanya yung message ni Eyah. He didnt mind afterwards.

"Hindi mo ba sya rereplyan?" tanong ko na medyo halatang nagseselos.

"Nagseselos ka nanaman?" tanong niya.

"Hindi ah" sabi ko tapos kunwari wala lang sa akin pero ang totoo tinext ko si Eyah.

"May bf ka na ba?" yan ang tinext ko sa kanya.

"Kakabreak lang po ate kaya wala na, bakit po? sagot niya.

Hindi na ako nagreply pero may naglalaro sa isip ko na baka naman nilalandi nito si Passion dahil alam naman ng lahat na gusto niya ito o kaya naman baka nililigawan na ito ni Passion. Ano ba naman tong iniisip ko.

The ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon