Ang tunay na kaibigan ay mananatiling kaibigan lang. Hindi ka pinapapili at higit sa lahat ay hindi ka binibigyan ng problema. Susuportahan ka at magiging masaya sa kung ano man ang magagandang bagay na mangyayari sayo. Sa madaling sabi hindi ka dapat iniistress ng mga kaibigan mo. Dahil andyan lang sila para suportahan ka at pagsabihan ka sa oras na kailangan mo sila kapag may problema ka.
Jasmine's POV
Lagot na. Ayun na nga, naging si Pearl at Passion na nga, wala namang masama doon. Kaso may problema, paano kapag nalaman ni Passion na magkasintahan sila Pearl at Inyigo? Oo, sa bilis ng pangyayari di na nasabi ni Pearl kay Passion na in- a relationship pa sila ni Inyigo, masasabi ko na nagkakamalabuhan na sila pero mali yata na habang sila pa e sila din ni Passion. Well, pinasok niya yan e, basta ako andito lang ako pag hiningi nila tulong ko.
One week nalang pala at Sport's Fest na, kaso itong si Pearl nagvolunteer na mag intermission. Mahilig kasing sumayaw ng modern dance yun at dinadamay niya na rin ako. May practice kami ngayon at nandito na ko sa function room, itetext ko na sana siya kung nasaan na siya, ayaw ko namang mabagot e saka lagi nalang siya nagpapahintay ng biglang sumulpot si Passion sa pinto.
"Hi Jaz, alam mo ba kung nasan si Pearl?" tanong nito na nakangiti.
"Ewan ko kung nasan yun" bagot na sagot ko.
"Ah ganon ba? Sige" paalam ni Passion.
"Pero may ensayo kami dito mamaya, kung gusto mo hintayin mo nalang siya dito, manood ka na rin kung gusto mo" sabi ko naman.
"Sige" sabi ni Passion.
Tinawagan ko na nga si Pearl at parang gulat pa siya ng sinagot niya ang tawag ko, papunta na raw siya. Halos mag 15 minutes na pero wala pa siya, ang tagal naman. Maghahanda na sana akong umalis ng dumating sila. Oo, sila. Kasama niya si Inyigo!
OWEM!!!!!!!! as in ganyan ang impression ng mukha ko kay Pearl pero di ako nagsalita.
"O.O" ganyan ang tingin niya pagpasok nila ng function hall dahil di niya inaasahang andun din si Passion.
"Bat ka andito?" tanong ni Pearl kay Passion.
"Masama ba?" tanong ni Passion na nag uusisa ang tingin kay Inyigo. Nahalata ko naman ito kaya niyaya ko muna sa labas si Inyigo dahil halatang nababalisa na rin si Pearl.
"Sino yun?" halatang parang galit na tanong ni Passion.
"Baby, let me explain" naluluhang sabi ni Pearl.
"I'm asking you, who is he?" naguguluhang tanong ni Passion.
Napayuko nalang si Pearl at hindi makasagot.
Lumabas sa function room si Passion at narinig niya kaming nag-uusap ni Inyigo, sinabi ko na kasi ang nangyari. Nagulat nalang ako ng biglang umalis si Passion at pagpasok namin ng function hall nakita naming naluluha si Pearl.
Anong nangyari?
BINABASA MO ANG
The Consequence
Teen FictionWe are free to choose our paths, but we can't choose the consequences that come with them. Author’s Note: This is a work of fiction. Any characters or events in the story are only products of the author’s imagination. Any resemblance to an actual in...