*Flashback:
Magmula nung huling break up nila Passion at Pearl wala na silang naging balita sa isa't isa. Nalaman na rin ni Inyigo ang lahat, binalak niyang makipagbalikan kay Pearl pero si Passion pa rin talaga ang mahal ni Pearl. Natigil na si Pearl sa pag-aaral dahil nahihirapan na din ang mama niya na magpaaral saka nagvolunteer na din siya. Nagkaayos na din sila ng mom at sister niya at kahit papano ay natigil na rin ni Pearl ang bisyo niya. She changed for the better, as of now nagwowork siya bilang isang call center agent. Si Passion? He graduated cum laude and after graduation ay nadestined siya sa Nueve Ecija as an Environmentalist. Nagkaroon lang ulit sila ng communication ni Pearl ng umuwi siya after a year, at dun na nga sila naging close, sa totoo lang parang sila pa rin nga cos nothing changed naman though hindi maganda ang naging ending ng love story nila.
Passion's POV
We'll be staying sa U.S na for good saka may nag-aabang na din kasi na work ko dun but then I managed to have some time with Pearl the whole week kahit saglit lang, I still love her but for now we end up friends but there's still something special. Yung nangyari sa amin noon? Haha tinatawanan ko nalang pag naalala ko yun, bata pa kami nun e hahahahaha.
My phone beep, its Pearl, kagigising lang siguro nito or kababasa niya lang yung letter na pinabigay ko kanina.
"Passion,thank you rin sa lahat. Parang first time natin ulit magkita. Sobrang saya ko. Sana wala pa ring magbago, mejo lumayo ka lang ulit ng mas malayo sakin, pero yung samahan natin ganun pa rin. Salamat sa memories, kasama ka at ang family mo.
Hindi ko pa matanggap na ang bilis ng araw. Parang kailan lang nagpaplano tayo at ngayon eto tapos na agad. Sana madami pang next time, sana walang makalimot. Hirap lang magpanggap na okay lang kahit di naman. Ngayong araw na to, malungkot ako ulit, mas malungkot kesa nung huli nating goodbye 2 years ago. Hehe. Gumising ako na alam kong wala na talagang chance para makita ka pa ulit kahit saglit, di tulad kahapon. Di tayo umasa sa last chance pero gumawa ka pa rin ng paraan para magkasama tayo. Sobrang happy lang.
Wala nang yayakap sakin na para akong bini-baby. Hahahaha! Basta salamat, salamat sa ice cream. Haha!
Hay kaiyak. Sana kung makahanap ka na ng para sayo or dumating na, wag mo pa rin akong kakalimutan. Di ko kaya. Hindi ako kumpleto kapag wala ka, ayoko, ayoko, ayoko. Nasanay akong nanjan ka lagi. I love you too. Ingat ka lagi and goodluck sa lahat. I will always be proud of you. Ups or downs, hindi kita hahayaang mag-isa :')"
Haha, kahit kelan talaga madrama pa rin yun. Hay, sana kami nalang ang magkatuluyan, mahal ko pa rin siya at hindi ko alam kung handa pa akong magmahal ng iba, pero hindi natin alam, malay mo magakatuluyan din kami di ba?
"Mga boyfriend at girlfriend na nakakasakal magmahal. Bakit kaya ganun? Siguro minsan sa sobrang pagmamahal mo sa tao di mo na naiisip kung tama pa ba o kung pagmamahal pa ba yun, o kaya naman, parehas ba kayong nagiging masaya sa mga desisyon o ikaw lang?
Ang alam ko kasi, kahit nasa isang relasyon, dapat alam mo rin at iniisip mo rin kung kailan ka dapat magbawal. Eh minsan parang inaalis mo na yung kasiyahan ng tao e." ito ang nasabi ko kay Alex, katrabaho ko, nag-iinuman kasi kami ngayon, day off eh.
"Lalim tol, napagdaanan mo na siguro yan no? Pero may tama ka, nasasakal na nga din ako sa girlfriend ko e kaso di ko naman maiwan, mahal ko e" sabi naman nito.
Ewan ko ba kung bakit napunta kasi dun ang usapan namin.
Naalala ko si Pearl, kamusta na kaya siya? Magmula ng nandito na ako sa U.S wala na ko komunikasyon sa kanya, maski sa FB niya wala din. Hay
Minsan nagtataka na sila sa sobrang bait ko raw bakit wala pa rin akong ka relasyon hanggang ngayon. Bakit? Kasi siguro ayaw ko lang mag padalos dalos, ayaw ko ng sandalian na relasyon lang. Ayaw kong makasakit, ayaw kong mag paasa at umasa na lang basta basta. Kaya nag hihintay ako ng taong nararapat sa ugali ko.
THE END
Copyright - All Rights Reserved 2014
No part of this story may be reproduced, distributed or transmitted without the author’s consent.
BINABASA MO ANG
The Consequence
Fiksi RemajaWe are free to choose our paths, but we can't choose the consequences that come with them. Author’s Note: This is a work of fiction. Any characters or events in the story are only products of the author’s imagination. Any resemblance to an actual in...