Flashmob and Boom!

16 0 0
                                    

Passion's POV

Its been a month since nagkaayos kami ni Pearl. Oo, okay naman na sana ang lahat but recently naging napakaselosa niya, dumating pa sa punto na halos lahat na ng lalapit sa akin e aawayin niya. Hindi ko alam pero napuno na ako e hanggang sa nag-away na kami na nauwi na sa hiwalayan. Hindi ko gusto pero sa kanya na nanggaling eh. Siguro nga kelangan muna naming mapag-isa baka kasi nasasakal na rin siya. Hindi sa lahat ng oras uunahin mo ang ibang tao, wag mong hayaang sila ang magkontrol ng mga kaligayahan mo sa buhay. Kung paulit-ulit mong gagawin yun, ibig sabihin mas pinipili mong mabigo at malungkot din ng paulit-ulit kesa maging masaya ka dahil yung saya na yun na dapat ikaw ang nakakaramdam, sa iba mo ibinigay. Tama na siguro yun, oras na para sarili mo naman ang intindihin mo, oras na para maging masaya ka kung alam mong yun ang tama at dapat para sayo.

August 13 na, its supposedly our anniversary, ayaw ko na, I need to win her back, I need to convince her to come out with me tomorrow and sa wakas pumayag naman siya.

Magkikita kami ngayon sa park, nakita ko na siya sa may fountain, halatang nababagot na siya ng pinatugtog yung song na THAT GIRL ni JUSTIN TIMBERLAKE at unti unting nagsasayawan ang mga tao hanggang sa naging flashmob na ito, pagkatapos noon ay nagpakita na ako sa kanya, halatang di niya inaasahan ang nangyari. Naluha siya, habang papalapit ako sa kanya may mga letters ang bawat taong hawak hanggang sa nabuo ang salitang SORRY at PLS COME BACK. Paglapit na paglapit ko sa kanya inabot ko sa kanya yung roses na hawak ko, tinanggap naman niya ito at napayakap sa akin na naluluha.

"Lokoloko ka talaga, OO Passion, I LOVE YOU" sabi ni Pearl at nagpalakpakan ang mga tao.

May sumigaw bigla ng "HOY! HAPPY ANNIVERSARY!" nagkatitigan kami ni Pearl at natawa nalang.

"KISS!!!!!!!!!!!!" pang-aasar ng mga nakakita sa amin, alam kong nahihiya si Pearl pero oo hinalikan ko siya ng buong puso. Pagkatapos noon ay nagpaalam na sa amin ang mga nagperform ng flashmob, mga kaibigan kong dancers na talagang pinakiusapan ko para tulungan ako.

Dumiretso kami ni Pearl sa bahay, sa may rooftop, may hinanda akong surpresa pero wala siyang kaalam alam dito. Bago kami makarating sa rooftop piniringan ko muna siya sa mata.

Pagdating namin sa rooftop pinatayo ko siya at inalis ang kanyang piring, puno ng nasindihang kandila ang paligid at sinayaw ko yung HALF A HEART ng ONE DIRECTION, Ian Eastwood Version, dinaan ko sa sayaw ang gusto kong iparating kay Pearl. Nangingiti siya na naluluha, hanggang sa tinanggap na nga niya ako ng tuluyan, kinonsider na rin naming anniversary ang pagbabalikan namin.

The ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon