Passion's POV
Sunday ngayon, sinundo ko si Pearl para magsimba. Pagdating ko sa bahay nila, sinalubong niya ako na nakashorts, nakahills at nakasimpleng shirt.
"Hi! Anjan ka na pala" Lets go?" tanong niya.
Napakunot ang noo ko, magsisimba siya na ganon ang suot?!
"Magbihis ka nga, magsisimba tayo, hindi ka mamimingwit ng mga matang nakakalat sa daan" naiiritang sabi ko.
"Wala namang problema sa suot ko ah?" giit niya.
Sa pikon ko, hinila ko siya pataas ng bahay nila. Wala siyang nagawa, pagdating namin sa loob ng bahay nila dumiretso na siya sa loob ng kwarto niya para magbihis.
Nasa may tapat ako ng pintuan nila ng paakyat ang nanay niya, halatang kakatapos lang nagsimba.
"Oh anjan ka na pala iho, wala ba jan si Pearl?" tanong nito.
"Magandang araw po, nasa loob po siya hinihintay ko lang po magbihis" sabi ko.
"Kaw na bahala sa anak ko ha? Maswerte siya sayo, pag ikaw pinakawalan pa niyan ewan ko nalang." seryosong sabi ng mama niya.
"H-ho?" nagtatakang tanong ko.
"Sana mapatino mo na si Pearl" sabi nito sabay tapik sa balikat po.
"Bakit po? May problema po ba kay Pearl?" tanong ko.
Magsasalita pa sana ang mama niya ng lumabas na si Pearl mula sa kwarto niya.
"Oh eto okay na?" tanong ni Pearl.
She's still wearing a shirt but this time nagskinny jeans na siya at sneakers. Ewan ko ba kung anong trip nitong fashion.
"Much better than awhile ago" sabi ko.
"Sige po tita, mauna na po kami" paalam ko sa mama niya.
Nagpaalam na din siya sa mama niya.
"Ingat kayo mga anak, wag masyado magpapagabi ha?" bilin ng mama niya.
"Opo" sagot ko at tumuloy na nga kami patungo sa simbahan.
Nagsimba na kami at pagkatapos noon ay namasyal kami then hinatid ko na siya pauwi sa kanila.
Hindi pumasok kinabukasan si Pearl, hindi rin siya sumasagot sa mga tawag at text kaya't minabuti ko ng pumunta sa kanila pagkatapos ng klase.
Ang mama niya ang sumalubong sa akin at sinabing hanggang ngayon ay hindi pa daw siya umuuwi. Nagtaka ako, hindi pa daw umuuwi? E hinatid ko siya kagabi ah.
Pinapasok ako ng mama niya sa bahay nila at nagkwento. Nabanggit niya sa akin na masyadong naapektuhan si Pearl sa madalas na pag-aaway ng kanyang mga magulang. Papa's girl kasi ito at magmula ng bihira ng umuwi ang kanilang ama sa kanila, nabarkada si Pearl at natutong magbisyo. Sa tuwing hinahatid ko daw siya pag-uwi umaalis din ito at madaling araw na kung umuwi at kadalasan ay nakainom ito. Ngayon lang daw siya hindi umuwi at natatakot ang mama niya sa sinapit ng kanyang anak. Humingi na rin siya sa akin ng tulong baka sakaling matulungan ko daw si Pearl. Nagpaalam na ako, bumalik ako sa school. Napaisip ako sa sinabi ng mama niya. Sa tinagal tagal namin bakit di ko man lang to nalaman?
Jasmine's POV
Papunta na ako sa school ngayon samantalang pauwi palang sa Pearl sa kanila. Wala na, lumala na bisyo nito, sa takot niya na baka anong mangyari sa daan kaninang madaling araw, sa bahay na siya tumuloy. Buti nalang mag-isa ko noon, paano ba naman, lasing na lasing siya. Kinausap ko siya kanina bago kami maghiwalay kung papasok pa ba siya mamaya at kung may problema ba at nagkakaganun nanaman siya. Wala naman daw sabi niya at binilin na wag ko nalang daw mabanggit kay Passion kung sakaling matanong daw ako ni Passion. May problema ba sila? Mukhang masaya at maayos naman sila nung mga nakaraang araw.
BINABASA MO ANG
The Consequence
Fiksi RemajaWe are free to choose our paths, but we can't choose the consequences that come with them. Author’s Note: This is a work of fiction. Any characters or events in the story are only products of the author’s imagination. Any resemblance to an actual in...