Jasmine's POV
Kaya siguro nag hihiwalay ang dalawang tao.
Dahil may mga hindi pagkakaintindihan na hindi na kayang pag usapan. Siguro sobrang masakit kaya nila nagagawa yun sa taong mahal nila, dapat ito yung oras mo bilang kaibigan kung kailan ka dapat pumasok sa problema nila o hayaan mo na lang sila.
Kaya siguro naghihiwalay ang dalawang tao siguro mas gugustuhin muna nilang maglakad mag isa sa bagong landas. Siguro hindi niya kayang sumabay pangsamantala sa agos ng taong mahal niya, kaya siguro sila nagkahiwalay eh sumobra na ang isa.
Bakit nga kaya ganun? Anung kasagutan sa katanungan na sa tagal tagal niyong nag-away, sa tagal niyong nalampasan ang lahat ng pagsubok, ang tanong dito.. Bakit ngayon ka pa susuko?
Maraming away ang nangyayari sa dalawang tao sa isang relasyon, pero posible rin naman maging mababaw ito. Pero kapag naresolba naman ito ayos na ulit, onting pag kakaintindihan at pag uusap lang eh ayos na ito.
Minsan gusto nilang mapag-isa, minsan last chance na yun na gawin ang kasalanan nila, napupuno rin naman kasi ang tao. Kaya minsan mas pipiliin na lang niyang masaktan kesa sila nga pero wala na namang nangyayari at patuloy lang siyang nasasaktan.
BINABASA MO ANG
The Consequence
Fiksi RemajaWe are free to choose our paths, but we can't choose the consequences that come with them. Author’s Note: This is a work of fiction. Any characters or events in the story are only products of the author’s imagination. Any resemblance to an actual in...