Without You

13 0 0
                                    

Pearl's POV

Things happen unexpectedly, things are getting worst. Tuluyan ng naghiwalay sila mama at papa, napabayaan ko na din studies ko, galit sa akin ang bestfriend ko, hindi ko alam kung magkakaayos pa kami ng boyfriend ko, inaway ko pa kapatid ko at hindi rin kami magkasundo ni mama. Im such a crap.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, sawang sawa na ako sa buhay ko. I almost end up attempting suicide at yun ang dahilan kung bakit ko naaway si Precious. Siya kasi ang nakakita sa akin nun nung binabalak ko ng wakasan ang buhay ko.

Alam ko na rin na alam na pala ni Passion ang lahat, he even report to mom at madalas din pala siyang itext ni Precious. Nasa room ko ako ngayon, iiyak iyak e kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari sa akin to. A friend texted me to party, ayaw ko na sana but then hindi ako makaresist, so I ended up partying. Pag-uwi ko nakabalot na lahat ng mga gamit ko at pinapalayas na ako sa bahay. Mom didnt gave me any word pero may inabot na sulat sa akin si Precious.

Nakasulat dun na hindi na nila kung ano ang gagawin nila sa akin, bahala na daw ako sa buhay ko at hindi na nila ako papakialaman kong ano ang gusto kong gawin.

Hindi ko alam pero sa halip na malungkot at magalit ay natuwa pa ako, atlast Im free. Hindi ko alam kung saan ako makikitira ngayon but then I texted one of my aunt at kinupkop niya muna ako, bilang kapalit aalagaan ko yung anak niyang bata na pinsan ko.

Umabot na rin kay Passion ang nangyari pero hanggang ngayon ay di pa rin kami nagkakaayos, hindi ko alam kung ano bang dapat maramdaman ko sa kanya pero umiral ang pagiging selosa ko at ang galit. Siguro masaya na siya dahil napalayas na ako sa bahay, success siya sa pangengealam ng buhay ko at siguro sila ni Eyah or baka sila ni Jasmine. If I know my gusto siya sa bestfriend ko at may mga kumakalat na balita na madalas daw silang magkasama tss.

Speaking of Jasmine? Lumayo na rin ang loob ko sa kanya, pakiramdam ko nga pinagkakaisahan na nila akong lahat e, siguro ang saya saya na nila.

Passion's POV

Pinuntahan ko sa bahay nila si Pearl para kumustahin siya at para makipag-ayos na pero nalaman ko na pinalayas na pala siya sa kanila at sa tita niya daw siya nakatira ngayon.

Pagpasok ko sa school, present si Pearl at masaya ito, hindi ko naman alam kung bakit.

Pagkatapos ng klase, may meeting ang org kaya nasa office kami, pagkatapos ng meeting sinadya namin ni Pearl na nagpaiwan.

"Kamusta ka na?" tanong ko sa kanya.

"Ayos lang naman, masaya kahit na pinagbagsakan na ng lupa" pabirong sabi nito na parang may ibig sabihin.

"E ikaw kamusta ka na? kayo ni Jasmine or ni Eyah?" tanong nito.

"Pinagsasabi mo?" sabi ko naman.

"Wag ka na magkaila, alam ko naman na may gusto ka kay Jasmine e at alam ko din na may gusto sayo si Eyah, so sino sa dalawa?" pagtataray nito.

"Ano naman ikakaila ko? Masyado kang paranoid, palibhasa kasi nagpapalamon ka sa problema mo and besides sino bang nakailang magsinungaling sa atin ha?" mahinahon kung tanong.

Hindi na siya nakapagsalita, yumuko nalang ito at umupo sa sofa.

"Alam mo at alam ko na may pinagdadaanan ka pero sana naman wag ka mandamay ng ibang tao" sabi ko.

"Ang galing mong magsalita, ano bang karapatan mong makialam sa buhay ko?!" sabi niya.

"Wow! Karapatan? so wala ba?" tanong ko.

"Wala! dahil wala na tayo!" galit na sabi nito.

"Buti alam mo!" sagot ko, tumayo siya sa pagkakaupo at sinampal niya ako.

"Masaya ka na?"tanong ko na nakatitig sa mga mata niya.

Yumakap siya sa akin at hinalikan niya ako na puno ng galit at pagkatapos nun ay nagtatakbo na siyang umalis.

Inyigo's POV

( Siya yung Ex ni Pearl, yung boyfriend niya nung naging sila ni Passion )

Naglalakad ako ng may babaeng tumatakbo at nabunggo niya ako.

"Hey watchout!" sabi sabay alalay dito dahil nawalan siya ng panimbang.

"I-inyigo?" nauutal na sabi nito habang umiiyak.

"Pearl?" si Pearl nga and she looks hurt.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong ko pero di siya nagsalita at yumakap siya sa akin.

Pearl's POV

Wala na tuluyan na nga kaming naghiwalay ni Passion and now coincidentally si Inyigo pa ang nakakita sa akin. Minsan ikaw rin ang gumagawa ng sarili mong problema. At isa na nga ito sa mga yun.

Hindi ko alam na sinundan pala ako ni Passion pagkatapos ang nangyari at nakita niya kung paano ko niyakap si Inyigo. Nakita ko siyang napuno ng galit. Lumapit siya sa amin at nagsalita.

"So nagkabalikan na kayo? Congrats, bilis a" sabi ni Passion.

Nagtataka si Inyigo kung bakit ganun ang sinabi ni Passion at naiyak na ko lalo sa sinabi niya.

The ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon