Passion's POV
I loved the way a photo could capture a moment before it was gone. Andito ako ngayon sa bahay nakatutok sa laptop ko while browsing our album. Pictures namin ni Pearl na nakacompile sa iisang folder. Yung mga araw na yun, yung puro tawanan, kwentuhan, yung mga memorable things na mga nangyari like her pageant and yung mga surprises ko sa kanya at pati na rin kapag wala kaming magawa at nagfafunny face sa harap ng camera. Kung pwede lang sana na ganun kami palagi, kaso hindi e, gaya ng ibang mga relasyon may mga gantong nangyayari. Naranasan na namin to dati, madalas pa nga kaming mag-away at makailang ulit na din nagbreak but di magtatagal magkakaayos din. Pero iba ngayon e, its been 3 weeks pero wala pa ring nangyayari, miss ko na siya, kamusta na kaya siya? lalo na't alam kong may pinagdadaanan siya. Madalas siyang wala sa school at kung may mga pagkakataon man na magkikita kami, its either tataguhan niya ako or iiwas. May kasalanan ba ako? Bakit ganun?
Jasmine's POV
"Karanasan ang magtuturo sayo sa Love. Kung paano magmahal, paano magsakripisyo, paano mag desisyon. Hindi ang mga quotes sa Internet. Mga payo ni Papa Jack. Kahit na ano pa ang sabihin namin dito. Sa huli kayo pa rin ang masusunod. At huwag kang matakot gawin ang bagay na sa tingin mo ay tama. Kung masaktan ka man sa huli dahil ginawa mo ito, huwag kang mag-alala at sigurado namang may natutunan ka rito." Yan ang nasabi ko kay Pearl, linabas niya kasi sakin ang nararamdaman niya, at hindi niya alam kung paano niya pakikitunguhan si Passion.
Alam niyang hindi niya nakontrol ang emosyon niya nung nakaraan pero natatakot siya at nahihiya siya kay Passion. Kung ano man ang dahilan niya? Hindi ko na inalam, pero totoo palang ang hirap maging masaya lalo na kung alam mong may pinagdadaanan ang kaibigan mo ano?
Dapat masaya ako ngayon dahil nanalo yung poem ko na sinabak nung nakaraan sa pintig at pantig competition kaso yun nga, nung nalaman ko ang nangyari kay Pearl, nalungkot ako para sa kanya lalo na't parang kapatid ko na rin siya at isa pa, nalulungkot din ako para sa kanila ni Passion. Hindi ko alam kung ano man ang nangyari ngunit sa tinatagal tagal nila ngayon lang sila nagkaganto, halatang may gap at halatang may pinagdadaanan sila na sana masolusyunan na nila. Nakakapanibago lang kasi e at saka sayang naman di ba?
Pearl's POV
Hindi ko alam kung san nahuhugot ni Jasmine yung mga sinabi niya pero tama siya at dapat ko ng ayusin to. Ako na ang lalapit kay Passion, total ako rin naman ang nagpalala nito e. Miss na miss ko na siya, ang tanga tanga ko kasi. Kung sana sinabi ko na sa kanya nung araw na yun di sana siguro maayos pa kami ngayon, wala e, nadala ako sa emosyon ko e at naguguilty ako dahil nga naglihim ako at nagsinungaling sa kanya. Ginawa ko nanaman, at alam kong eto ang pinakaayaw niya. Nangyari na e, kelangan kong bumawi sa kanya.
Papunta na ako sa room niya ng makita ko silang naglalakad sa catwalk. Kasama niya si Eyah. Nakita ako ni Eyah kaya pinansin niya ako.
"Hi ate Pearl!" bati niya. Lumapit ako sa kanya at ngumiti. Napansin niya na hindi kumikibo si Passion kaya nagpaalam na mauuna na.
"Sige, ingat ka" kako saka ko siya nginitian.
Naiwan kami ni Passion. Walang nagsasalita kaya nagsalita na ako.
"Kamusta ka na?" tanong ko.
Ngumiti lang siya. Ang weirdo talaga nito, hinihintay ko siyang magsalita pero wala.
"Hoy, magsalita ka naman o, miss na kita" sabi ko na sumimangot ang mukha.
"Okay lang, ge una na ako" malamig na sagot niya at umalis na.
I was stucked from where Im standing, hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganon, tatawagin ko pa sana siya pero walang lumabas na boses sa bibig ko.
Naluha ako pero pinigilan ko rin para hindi na ako maiyak.
Eyah's POV
Ate Pearl confronted me, I didnt know na sila na pala ni Kuya Passion bago palang magstart yung search. Oo, gusto ko si Kuya Passion pero wala naman akong balak manira ng relasyon ng iba. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang galit sa akin ni ate Pearl na halos ang sasakit na ng mga sinasabi niya sa akin.
Hanggang ngayon umiiyak pa rin ako, it was already 12am pero tinawagan ko si Kuya Passion.
"H-hello?" nagising ko yata medyo groggy pa siyang sumagot.
"Kuya sorry, hindi ko po alam, sorry" umiiyak na sabi ko.
"Eyah? Are you okay? Why?" Nagtataka at nag-aalalang tanong niya.
"Basta Kuya sorry" sabi ko at pinatay ko na ang phone, nahihirapan na rin ako huminga kakaiyak hanggang sa nakatulog na ako.
Passion's POV
Maaga akong pumasok ngayon, malapit na ako sa college ng may mga nagkukwentuhan na mga girls sa daan. "Di ba si Passion yun? narinig kong sabi nung isa "Ano kayang nangyari sa kanila?" sabi pa nung isa. "Oo nga, saka bakit kaya ganun si Pearl kay Eyah?" narinig ko pa ulit na sabi nila.
Dumiretso lang ako sa paglalakad pero napaisip ako sa sinabi nung isa. Bakit daw ganun si Pearl kay Eyah? Anong nangyari? Hindi kaya ako ang dahilan? Hindi kaya inaway ni Pearl si Eyah? Hindi kaya yun ang dahilan kung bakit tumawag si Eyah kagabi at umiiyak?
Marami pang nabubuong mga tanong sa isip ko ng makita ko si Eyah kasama ng mga kaibigan niya at pinapatawa siya. Nakasimangot kasi siya at mugto ang mga mata niya. Natigil siya sa paglalakad ng napansin niyang nakatingin ako sa kanya pero iniwas niya din ang tingin at tumuloy na sa paglalakad, gusto ko pa sana siyang kausapin kaso nakalayo na sila.
Jasmine's POV
Madalas ng lumiban si Pearl at hindi nanaman siya pumasok ngayon pero nabanggit niya na nasa may inuman siya malapit sa school. Simula ng hindi na sila nagkikita at nag-uusap ni Passion madalas na siya dun at kadalasan kung hindi siya nakikipag-inuman ay kumakanta siya sa videoke.
Papunta na ako dun para kumustahin na rin siya subalit pagdating ko dun, nasa isang table siya at nakikipaghalikan at ng makita ko kung sino yung lalaki napuno ng poot ang damdamin ko at naiyak ako pagkatapos noon ay napansin kong may lalaking naghihimutok sa galit at halatang sasabog na, ng napansin kong si Passion ito, dali dali ko siyang pinigilan at hinila palabas.
Ang sakit sakit, alam ko kung ano ang nararamdaman ni Passion dahil bf ko yun. Halatang nagtataka si Passion kung bakit ako umiiyak, kung bakit ko siya pinigilan ngunit kumalma siya at tinahan niya ako sa pag-iyak. Pumunta kami sa malapit na park malapit doon para na rin kahit papaano ay magpakalma.
Hindi ko alam kung nakita kami ni Pearl pero mayamaya may tumatawag na siya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi.
"Hindi mo ba yan sasagutin?" tanong ni Passion.
Sinagot ko na at pagkasagot ko'y umiiyak si Pearl at nagsosorry.
"Nasa may park ako, puntahan mo ako rito" sabi ko at binaba ko na.
Andito na si Pearl at umiyak siya, iiyak iyak? Badtrip! Akala niya makukuha niya ko sa pag-iyak niya? Halos kapatid na trato niya sa akin tapos ganun ang gagawin niya?
"Bes, hindi ko sinasadya, dare lang yun" pagpapaliwanag niya.
"Dare? Wow a! E paano kung halikan ko sa harap mo si Passion at sambihin ko din na dare lang? Anong mararamdaman mo?" galit na tanong ko.
Napansin kong nagulat si Passion sa sinabi ko at dun lang napansin ni Pearl na kasama ko pala ang bf niya.
"Sa tingin ko kelangan mo ding magpaliwanag sa bf mo" sabi pa ni Jasmine.
Nakatingin lang ako kay Pearl, kakausapin pa sana niya si Passion ng hinila ko na siya paalis.
Passion's POV
Hindi ko alam kong ano bang dapat maramdaman ko ngayon, gulong gulo ako sa mga pangyayari. Naiwan si Pearl na napaupo at umiiyak, gusto ko siyang balikan, hindi ko gsto na nagkakaganoon siya. Babalikan ko na sana siya ng pinigilan ako ni Jasmine.
"Wag kang tanga! Harapharapan ka ng niloloko, matauhan ka" sabi ni Jasmine.
Wala na nga akong nagawa kundi sumabay kay Jasmine. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin pero isa lang ang alam kong dapat na gawin ngayon. Kelangan ko munang pahupain tong nararamdaman ko bago gumawa ng move.
BINABASA MO ANG
The Consequence
Teen FictionWe are free to choose our paths, but we can't choose the consequences that come with them. Author’s Note: This is a work of fiction. Any characters or events in the story are only products of the author’s imagination. Any resemblance to an actual in...