Passion's POV
I'm on my way home. Yes I left Pearl at the function hall together with Jasmine and the other guy.
Oo, sabihin na nating naging mabilis ang mga pangyayari, its been a month since sinabi ko kay Pearl na kami na. Others may think I'm just playing but no! Hindi lang talaga ako tipong nangliligaw, if I know that they like me and I quite like them too, I ask them instantly. Mas maganda na yung ganoon kesa naman sa halos sang taon kang manligaw tapos after a month or two wala na kayo. Ako yung tipong habang kami e doon ako parang nangliligaw, doon ako nag e effort.
I'm home already but something's bothering me, lalo na nung narinig ko yung usapan ni Jasmine at nung isang lalaki, "Kayo pa ba?" narinig kong tanong ni Jasmine at biglang pumasok yung sinabi ni Pearl nung tinanong ko kung sino yung lalaki ".... Iet me explain" at para siyang naluluha.
Sila kaya nung lalaking yun? Is there something I need to know? Pero bakit ganto ang nararamdaman ko? Para akong galit sa di malamang dahilan.
I texted Jaz, "Hey, are you free tonight? Can you join me hang up, I need to talk to you"
"Sure, I think you need someone to talk too, you acted weird awhile ago, are you okay?" reply ni Jaz.
Hindi ko sinagot yung tanong niya, tinext ko nalang siya kung anong oras ko siya susunduin sa kanila and we hang out.
"Jaz, ano pa bang kulang?" tanong ko kay Jaz
Nagkwento si Jaz "Wala naman sa tingin ko eh, siguro nagkataon lang na maaga ka dumating sa buhay ni Pearl" sabi ni Jaz. Kwinento niya na lahat, kaya pala ganoon si Pearl nung araw na yun, kaya pala ganoon ang sinabi niya, pero bakit ganto? Bakit parang ang sakit?
"Okay lang, siguro nga masyado lang mabilis lahat ng nangyari" sabi ko kay Jasmine.
Umuwi na kami, sembreak na rin noon kaya di ko na nakita at sinadya kong di muna makipagkita kay Pearl.
Pearl's POV
Kelangan ko ng ayusin to bago pa mawala sa akin ang lahat. May kutob ako na alam na ni Passion ang totoo at alam ko din na naglabas siya ng sama ng loob niya kay bes nung isang linggo. Magkikita kami ni Inyigo ngayon, kinakabahan ako pero desidido na ako sa gagawin ko.
"Baby, nasaan ka? Sunduin na kita" text ni Inyigo.
Sumagot naman ako "Wag na, malapit na din naman ako, hintayin mo nalang ako sa tagpuan."
Pagdating ko niyakap ako ni Inyigo pero nanatili lang akong nakatayo.
"Baby, okay ka lang?" tanong ni Inyigo.
Huminga ako ng malalim "Inyigo, may sasabihin ako, makinig ka ng mabuti" sabi ko.
"Pearl, alam ko nawalan ako ng oras sayo, alam ko ......." di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil nagsalita na ako.
"Tama na Inyigo, tapusin na natin to" sabi ko "pero......"sabi niya "Sorry Inyigo pero hindi na kita mahal" at nagtatakbo na ako paalis.
Matagal ko ng gustong makipaghiwalay kay Inyigo, hindi lang dahil sa nawawalan na siya ng oras sa akin kundi dahil hindi ko na siya mahal at si Passion na ang mahal ko, ayaw kong mawala sa akin si Passion. Kelangan ko siyang makausap bago pa mahuli ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Consequence
Teen FictionWe are free to choose our paths, but we can't choose the consequences that come with them. Author’s Note: This is a work of fiction. Any characters or events in the story are only products of the author’s imagination. Any resemblance to an actual in...