Thank You

19 0 0
                                    

Pearl's POV

Binabasa ko yung sulat sakin ni Passion nung paalis na siya, sa U.S na kasi sila magi-stay for good. Inabot sakin ito ni Precious, pinapabigay daw niya, hindi na niya ako ginising dahil alam niyang pagod daw ako. Magkasama kasi kami magdamag kagabi pero hindi niya sinabi na ngayon na pala ang alis niya, matagal din kasi siyang nawala, ewan ko kung san ba nagsusuot hehe.

Passion's Letter to Pearl:

Dear Pearl,

Papunta na kami Airport. Mag-iingat and smile ka palagi ha? Andito lang ako lagi para sayo. Ayaw kong magiging sad ka bigla ng walang dahilan. Ahmmm kayanin natin lahat ok? I love you po! Text me pag gising mo ok? Wala na wifi mamaya. Pero try ko sa airport, for sure meron naman at makakapag text pa rin tayo. Hay sobrang thank you sa lahat. Imemessage sana kita kaso viber not responding. Tska baka magising ka dahil may tunog so dito na lang

Wag mo kalimutan na andito lang ako palagi ok? Pwedeng malayo tayo sa ngayon pero magiging hadlang ba yun? Nagawa na natin e. See you soon ulet bb! Ingat mamaya sa church and pagpunta sa work!

Im always here for you Super mamimiss ko bonding moments natin!!!!! Mga gising sa umagang excited ako dahil magkikita tayo. Walang magbabago ha?

Love, Passion.

Oo, sweet pa rin siya akin kahit dalawang taon ng wala kami at hindi ko ikakailang hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya, naiyak ako sa sinabi niya.

Kinuha ko yung phone ko at agad agad ko siyang tinext baka sakaling mabasa pa niya ito.

"Passion,thank you rin sa lahat. Parang first time natin ulit magkita. Sobrang saya ko. Sana wala pa ring magbago, mejo lumayo ka lang ulit ng mas malayo sakin, pero yung samahan natin ganun pa rin. Salamat sa memories, kasama ka at ang family mo.

Hindi ko pa matanggap na ang bilis ng araw. Parang kailan lang nagpaplano tayo at ngayon eto tapos na agad. Sana madami pang next time, sana walang makalimot. Hirap lang magpanggap na okay lang kahit di naman. Ngayong araw na to, malungkot ako ulit, mas malungkot kesa nung huli nating goodbye 2 years ago. Hehe. Gumising ako na alam kong wala na talagang chance para makita ka pa ulit kahit saglit, di tulad kahapon. Di tayo umasa sa last chance pero gumawa ka pa rin ng paraan para magkasama tayo. Sobrang happy lang.

Wala nang yayakap sakin na para akong bini-baby. Hahahaha! Basta salamat, salamat sa ice cream. Haha!

Hay kaiyak. Sana kung makahanap ka na ng para sayo or dumating na, wag mo pa rin akong kakalimutan. Di ko kaya. Hindi ako kumpleto kapag wala ka, ayoko, ayoko, ayoko. Nasanay akong nanjan ka lagi. I love you too. Ingat ka lagi and goodluck sa lahat. I will always be proud of you. Ups or downs, hindi kita hahayaang mag-isa :')"

grabe umiiyak na ko, telenobela yung text ko no? haha, wala e ganun talaga. Posible palang maging magkaibigan ang mga taong nagmahalan dati, at posible rin palang pagkatapos ng lahat ay mahal pa rin nila ang isa't-isa, tipong nanjan lang naman lagi at hindi naman nawala yung pagmamahal na yun. Kaso, walang label. Hindi kayo, hindi eto yung "in a relationship", hindi rin boyfriend/girlfriend. For some reason, blahblah. Hehe.

The ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon