AUTHOR'S NOTE:
Hi everyone! Nagkaroon po ng pagbabago sa aking prologue. Sa mga nakabasa na ng naunang prologue, basahin niyo na lang tong bago. Haha. Feeling ko kasi ang pangit ng nauna. Kayo na po ang magjudge dito sa panibago. Enjoy reading po. :)
Prologue:
Sabi nila, may dahilan daw kung bakit nangyayari ang lahat ng bagay.
Naniniwala ka ba sa kasabihang to?
Oo?
Hindi?
Siguro?
Minsan?
Pwede?
Ako? Ewan.
Kasi kung meron man, bakit hindi ko malaman kung ano yung mga dahilan na yun?
Bakit kapag nagmamahal tayo, nasasaktan din tayo?
Hindi ba pwedeng kapag nagmahal, palagi na lang tayong masaya para walang problema?
Kung hindi, bakit?
Ang dami kong tanong.
Bakit kailangan mangyari ang ganito sa akin?
Bakit parang pinaglalaruan yata ako ng tadhana?
Bakit may mga taong naglilihim, nagpapanggap at nagsisinungaling?
Gusto kong malaman ang lahat ng dahilan.
Para sa akin kasi ito lang ang paraan para maintindihan at matanggap ko ang lahat ng nangyayari.
Pero sa lahat ng tanong ko na hindi nabigyan ng malinaw na sagot, isa lang ang pinakanatanggap ko.
Nang tinanong ko kung bakit niya ako mahal.
Walang matibay na rason. Walang malinaw na paliwanag.
Pero maluwag ko pa ring tinanggap ng sabihin niyang…
“I don’t know. I JUST LOVE YOU."
BINABASA MO ANG
I Just Love You (On-Going)
RomanceSimpleng babae lang si Maxene dela Vega. Kagaya ng karaniwang babae, nagka-crush, nagmahal, at nasaktan din siya. Pero hindi niya inakala na mapapaglaruan pala siya ng tadhana. Sa kabila ng pagsisinungaling, pagpapanggap at pagtatago ng sikreto sa k...