Author's Note:
Ang medyo maaga kong UD. Read, vote and comment guys. Wag na po mahiya. Wahaha! Probably bago matapos ang week na to, may UD ulit ako. Thanks for reading anyway.
Read my other on-going stories as well.
*The Snob Prince
*Stand By You
*Hidden Agenda
Gracias! Adios amigos, amigas!
---
Chapter 10.
Ang buhay nga naman, parang life lang. Hay. Sa loob lang ng isang linggo, ang daming nangyari sa akin. Nakakalungkot, nakakaiyak, nakakainis at nakakahiya. Buti na lang talaga andito ang mga kaibigan ko na talaga namang maaasahan sa oras ng pangangailangan.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako makakabawi kay Bea sa nagawa kong paghihinala at pagbibintang sa kanya. Kahit na ang sabi niya wala akong kailangang gawin kasi naiintindihan daw niya ako, still gusto ko pa rin makabawi. At sa nangyaring to, mas tumibay ang pagkakaibigan namin. Mas tumatag kami.
At si Kuya Carl, hindi ko alam kung anong meron sa utak ng taong yun. Pero talagang nagpapasalamat ako sa kanya kasi damang dama ko kung gaano ako kahalaga sa kanya. Akalain niyo ba namang kaya pala siya umuwi dito sa Pilipinas ay para lang damayan niya ako sa problema ko. Wala na talaga akong mahihiling pa sa mga kaibigan kong to. Silang dalawa lang sapat na sa akin.
Kailangan kong sundin ang payo nilang dalawa na kung ano man ang makikita ko ngayong araw na ito pagdating ko sa school ay ignorahin ko na lamang daw. Tama naman sila. Ako lang ang siyang magpapahirap sa sarili ko kung patuloy ko lang ibabalik ang nakaraan. Kung may gamot nga lang sana para mabilisan kong makalimutan ang lahat sa pagitan naming ni Brian, nabili ko na. Kaso wala naman nun.
Kung pwede lang din sana na iwasan ko na lang si Brian para mas mabilis akong maka-move on, nagawa ko na. Kaso mahirap kasi iisa lang ang pinapasukan naming school. At saka hindi naman habangbuhay ay maiiwasan ko siya.
Hay. Sana hindi ko na lang siya nakilala kung ganito lang din naman pala ang mangyayari sa amin. Ang sakit lang kasi na ang laki na ng na-invest kong pagmamahal sa kanya tapos maghihiwalay din naman pala kami. Nakakalungkot na hindi kami nakarating sa happy ending namin. Ibang ending na napuntahan naming dalawa.
Minsan naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba kasi nagseryoso ako ng sobra. Nagmahal ako ng sobra. Ayan tuloy, nasaktan din ako ng sobra. Kaso wala naman akong magagawa. Ganito talaga ako magmahal e. Bigay todo. Walang tinitira sa sarili. Hindi nagpapaawat.
“Hoy, aba Maxene dela Vega! Kung wala kang balak pumasok, pwes ako meron! Umuwi ka na nga kung hindi ka papasok!”
Bumalik ako sa realidad nang sigawan ako ni espren Bea. Napatulala na lang kasi ako nang makarating na kami sa harap ng school. Naalala ko kasi ang mga napag-usapan namin nung nag slumber party kami sa bahay nina Kuya Carl. Kung paano nila ako payuhan at sermunan. Kung ano ang mga dapat at hindi ko dapat isipin.
“Sorry na espren. Eto na nga o.” Tumakbo na ako para maabutan ko siya.
Medyo marami na ring mga estudyante ngayon. Ang iba, nagkakagulo. Ang iba parang naliligaw. For sure mga freshmen ang mga mukhang naliligaw na yun. Mga naghahanapan ng room nila. Dire-diretso lang kami ni Bea sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa room namin. Syempre nakipagbatian kami sa ilang mga kaklase namin. Kagaya ng mga nakaraang semsester, kami pa rin ang magkakalase.
Mga ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na rin si Brian. Magkatulad kasi kami ng course na kinuha at isang section lang kami. Bago pa siya tuluyang pumasok sa loob ng room ay nakipagtitigan pa siya sa akin. Nararamdaman kong sumasakit na ang mata ko dahil sa nagbabadyang pagbagsak ng mga luha ko. Pero hindi ko naman maikurap dahil pag ginawa ko yon, siguradong tutulo ang mga luhang to.
BINABASA MO ANG
I Just Love You (On-Going)
RomanceSimpleng babae lang si Maxene dela Vega. Kagaya ng karaniwang babae, nagka-crush, nagmahal, at nasaktan din siya. Pero hindi niya inakala na mapapaglaruan pala siya ng tadhana. Sa kabila ng pagsisinungaling, pagpapanggap at pagtatago ng sikreto sa k...