Chapter 3.

40 2 0
                                    

Chapter 3.

“Ate! Ate gising ka na daw sabi ni Mama! Ate kakain na tayo! Gising ka na!” Nagising ako sa pagyugyog sa akin ng kapatid ko. Nagising ako, ibig sabihin nakatulog ako. Malamang! Ang timang ko naman mag-isip no? I mean, hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Hindi ko na namalayan.

“Sige My, susunod na ako.” Wala pa ako sa mood makipagkulitan sa kapatid ko kaya pinalabas ko na muna siya. Matapos kong imisin ang kama ko, nagdiretso ako sa study table. So hindi talaga panaginip ang lahat. Totoo talaga ang lahat ng mga nangyari. Wala na kami ni Brian. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako lumabas ng kwarto ko.

Kagaya kagabi, tahimik lang ulit ako habang kumakain. Hinayaan na lang ulit ako nina Mama. Buti na lang talaga naiintindihan nila ang sitwasyon ko. Buti na lang hindi nila ako kinukulit na magsalita. Hindi naman ako naiiyak ngayon pero hindi ko pa rin magawang magsabi sa kanila. Hindi ko din alam kung bakit. Ang alam ko lang, di ko pa kaya mag-open up.

Wala akong magawa. Hindi ko alam kung paano ko maeenjoy ang last week ng bakasyon. Kung kelan naman last week na saka pa ako nagkaganito. Paano kapag hindi ko kinaya at maapektuhan ang pag-aaral ko? After one week, magkikita na ulit kami ni Brian. Kaya ko kayang makita siya? Anong sasabihin ko pag nagkita na kami? O makakaya ko kayang kausapin man lang siya? Hindi ko alam. Gusto ko man siyang kausapin, hindi ko naman alam kung ano pa ang sasabihin ko.

Pwede palang mangyari na gusto mong kalimutan ang isang tao pero at the same time ayaw mo din. Parang ang gulo. Di ko alam pano nangyari yung nararamdaman kong ito. Di ko mapaliwanag. Gusto kong magalit sa kanya pero di ko magawa. Gusto ko siyang makausap pero di ko alam kung makakaya ko. Gusto ko siyang saktan pero di ko din kaya.

Ano bang pwede kong gawin para hindi ko na siya maisip? Matulog? Kaso paggising ko, siguradong maiisip ko lang ulit siya. Makinig na lang kaya ako ng radyo? Kaso baka maiyak lang ulit ako sa mga lyrics ng kanta. Manood na lang? Ano naman papanoorin ko? Hindi ko alam. Kelangan ko na ba talaga magmove on? Kaso, baka magbago pa ang isip ni Brian. Kulitin ko kaya ulit siya?

Tama na Maxene! Wag ka nga desperada! Ayoko na talaga!

Desperada? Oo nga. Pag kinulit ko pa siya, baka sabihin na naman niya yon. Pero ano naman kung magmukha akong desperada? Mahal ko talaga siya kaya gagawin ko ang makakaya ko para sa kanya. Kaso baka lalo naman siyang magalit sa akin. Baka mas lalo niya akong layuan. Ano bang dapat kong gawin? Hindi ko talaga alam.

“Maxene anak, mag-ayos ka ng sarili mo. Aalis tayo.” Napatingin ako kay Mama pagkasabi niya niyon at napakunot ang noo ko. Saan kami pupunta?

“Mamimili na tayo ng gamit niyo ni Mylene para sa school. Mas maganda na ang bumili tayo ng mas maaga para makaiwas tayo sa siksikan at traffic.” Tila nabasa ni Mama ang naiisip ko. Sasama ba ako? Tinatamad akong umalis. Dito na lang ako sa bahay. Wala akong ganang lumabas at gumala.

“Ate tara na! Paliguan mo na ako. Sabi ni Mama ikaw na daw magpaligo sa akin.” Ang cute talaga ng kapatid ko. Kaso wala din akong ganang makipagkulitan sa kanya. Wala talaga ako sa mood gumalaw ng gumalaw. Pero lagi ko siyang naiisip kapag wala akong ginagawa. Baka sakaling kahit papano makalimutan ko siya pag sumama ako kina Mama.

“Paliguan mo na ang kapatid mo para mas maaga tayong makaalis.” Utos sa akin ni Mama. Oo, tama. Sasama na nga lang ako. Siguro naman makakapag enjoy ako kasama sina Mama at Mylene.

Habang nasa biyahe kami, inisip ko na lang kung ano ang mga bibilhin ko para malibang naman ako. Konti lang naman ang kailangan ko since hindi naman strict sa school namin unlike sa ibang colleges na may mga required na gamit. Hindi naman kami parang high school. At saka kung sakali man na may kailanganin ako, siguro naman may mahihiram akong gamit kay Mylene.

I Just Love You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon